Chapter 36

19.8K 344 59
                                    

Third Person's POV

TANGHALI na nang magising si Ayana. She felt her eyes sore and her throat was dried. She swallowed innumerable times to lessen the dryness of her throat. Hindi niya napigilang manubig ang kaniyang mata ng maalala ang eksenang nangyari kagabi.

            Panaginip lang iyon hindi ba? Pero alam niya sa sariling hindi. Hanggang ngayon nanunuot pa rin ang sakit sa kaniya. Hindi siya makapaniwalang nakabuntis si Gavin ng iba! Ang malala pa nito ay ang babaeng tinuring niyang kaibigan ang siyang nabuntis nito. Nagtaksil ang dalawa at nagmukha na naman siyang tanga.

            Nangako si Gavin sa kaniya hindi ba? He promised! But maybe some people were right. Promises are made to be broken. She touched her belly and she can't help herself but shed tears. Her baby doesn't deserve this. They both deserve love. How could Gavin abandon them?

            Inayos niya ang sarili tyaka nagdesisyong bumaba para kumain sa kusina. Hindi niya alam kung alam na ba ni Manang Belen na inuwi ni Gavin ang kabit nito sa bahay nila. Alam niyang hindi rin iyon mapapalampas ni Manang Belen. Isang kataksilan ang ginawa ng asawa niya at ang iuwi pa mismo ang kabit nito ay ibang usapan na.

            Tumalim ang mga mata niya sa babaeng nagluluto sa kusina nila. Wala si Manang Belen doon at wala ring kasambahay ang nagawi roon. Gustong-gusto niya itong sugurin. Gusto niyang ingudngod ang mukha nito sa mainit na kalang iyon pero iniisip niya ang kapakanan ng kaniyang anak. Hindi niya makakaya kung may mangyayaring masama sa anak niya dahil sa kapabayaan niya.

            There's a goofy smile on Sophia's face when she turned on her. Talagang inaasar siya nito para lalo siyang mainis. Tiningnan siya nito na para bang nagtataka kung bakit siya naroon, na wala siyang karapatan sa pamamahay nila. Gusto niya tuloy isampal dito ang marriage contract nila ni Gavin para naman malaman nito kung saan ang lugar nito sa pamamahay na iyon. Mali. Wala itong lugar sa bahay na iyon! She's a mistress! She must rot in hell!

            "How could you do this to me? I treat you as my friend." She felt tears rising, pressing hot and furious against her eyelids.

             Sophia sarcastically smiled at her. She went in front of her. "Just sign the divorce paper, Ayana. You do not belong to Gavin's life anymore."

            Umiling siya kahit na nanginginig ang kaniyang mga labi at nangingilid na ang kaniyang luha. "He loves me." Patuloy niya iyong paniniwalaan dahil iyon na lang ang pinanghahawakan niya para manatili siya.

            A loud laugh escaped from Sophia's lips. "He never loves you, Ayana." Nagawa pa nitong laruin ang dulo ng kaniyang buhok kaya marahas niyang hinawi ang kamay nito. "He never did."

            Iniinis lang siya nito kaya hindi siya magpapadala. Mahal siya ni Gavin. Mahal na mahal siya nito kaya bukas din ay magiging maayos na silang mag-asawa. Pero sino ba ang niloko niya? Kung mahal siya nito, hinding-hindi ito magtataksil sa kaniya. Hindi nito dadalhin ang babae nito sa bahay nila. He doesn't even respect her for doing that! Masyado nitong binasura ang halaga at nararamdaman niya. At wala lang dito noong sinabi niya na buntis siya! 

            "Hindi niya ako ipagpapalit sa isang kagaya mo lang." Matapang niyang sabi kahit nanginginig na siya. Kahit iyong sinabi niya ay pilit niyang sinisiksik sa kaniyang isip para hindi siya panghinaan ng loob.

            "But he already did that's why I am here now in front of you." Sa paraan ng pananalita nito ay mas lalo lamang siyang naiirita. "Do you want to hear a story?"

            Hindi siya nagsalita. Ayaw niyang marinig pero may nag-uudiyok sa kaniya na kailangan niyang marinig ang sasabihin nito.

            "We were in college back then when Gavin started to love me. If he just didn't feel pity to you, we're probably married now." Sophia glared at her. Pinagkrus nito ang kamay sa harap ng dibdib nito. "Because of his obligation to his family, even though we love each other, I let him go. I let him marry you for the sake of his family's company. "

His Wife's CryWhere stories live. Discover now