Chapter 19

20.5K 314 17
                                    

Third Person's POV

"LOOK at the sea," Gavin said. Nakaupo sila sa dalampasigan habang pinagmamasdan ang magandang tanawin sa kanilang harapan. Ang kalmadong dagat ay nagbibigay ng kalmang pakiramdam din sa kaniya. "So peaceful," Gavin looked at her then smiled.

            Sinuklian niya ang matamis nitong ngiti. "I want to build a rest house here." Hindi niya napigilan na ipikit ang mga mata ng sa ganoon ay mas lalo niyang maramdaman ang sariwang hangin na humahaplos sa kaniyang balat.

            School trip nila iyon kaya nandoon sila sa resort. Matapos nilang maggala sa iba't ibang bahagi ng lugar na iyon ay doon sila nanatili.

            "Do you want to build our house here?" Gavin asked with a silly smile on his lips.

            "Our house? You want to build a house here too?" Kunot-noo niya itong tiningnan. Hindi niya alam na interesado rin pala si Gavin na magpatayo ng bahay malapit sa dagat. Ang sabi kasi nito sa kaniya ay magpapatayo ito ng mansion sa Maynila pagka-graduate nilang dalawa. 

            Gavin laughed. "Jesus Christ, she's so slow." He murmured but she heard it.

            Bumusangot ang kaniyang mukha dahil sa narinig. "I am not slow!"

            "You are. You didn't even get what I mean." Baritonong pagtawa ang kumawala sa mga labi nito. Masyadong depina ang panga nito at ang buhok ay sumasabay sa pagsayaw ng hangin. She can't believe a Greek God was in front of her.

            "Gavin!" Kunwaring galit siya. 

            "What? Already pissed off?"

            "What do you mean then?" She crossed her arms under her chest and looked grimly at Gavin.

            Gavin stopped laughing and he looked meaningfully at her. "We'll build our house here... after our marriage."

            Tila nakalimutan niya kung paano huminga. Nanikip ang dibdib niya dahil sa binitawan nitong mga salita. Naglakbay ang init sa kaniyang magkabilang pisngi at parang may kung anong humahalukay sa kaniyang tiyan.

            Her eyes locked against his, giving that feeling of unfamiliar warmth. She hates to accept but she can easily be drawn by the stares of his eyes. She felt something strange pumped in her heart. She knew, by that moment, she already fell in love with Gavin. 

            Bago pa man niya kontrahin ang sinabi nito ay may sumigaw na sa pangalan nito para makuha ang atensyon.

            "GAVIN!"

            Pareho silang tumingin sa pinanggalingan ng boses. And there, Sophia was standing not far from them while wearing her sweetest smile.

            "Can you please help me to carry my luggage?" Sophia was smiling sweetly towards him. Kung makangiti ito ay parang hindi siya nakikita. Parang wala lang siya roon.

            Gavin looked at Ayana. "I'll be back." Sambit nito tyaka naglakad palayo sa kaniya. 

            She bitterly smiled. She doesn't know why her heart suddenly ached.

KANINA pa siyang nakatitig sa labas ng bintana ng kaniyang hospital room. Mas minabuti niyang hindi na isipin ang mga panahon kung kailan maganda pa ang trato sa kaniya ni Gavin. Tatlong araw na siyang naroon. Maayos na ang pakiramdam niya pero dahil sabi ng doctor ay kailangan niyang magpahinga, wala siyang nagawa kundi ang manatili pa roon.

His Wife's CryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora