Chapter 48

5.9K 139 26
                                    

Third Person's POV

"DO we need to hire more employees for the plantation?" Her Mommy Stacey asked. "Mas maganda siguro na mas marami ang magme-maintain dito."

            Ayana was busy reading the papers that needed her approval. Nasa loob sila ng opisina niya rito sa plantasyon. Hindi naman ganoon kalaki ang opisina niya. Sapat na ang luwang nito para magawa niya ang trabaho at gayon na rin ang makapagpahinga. It has few furniture, a couch, a few artworks on the wall, and a glass wall where she can see the plantation. The light of the sun every time it sets was penetrating in her office because of the glass wall. Hindi niya talaga mapigilang itigil ang trabaho sa tuwing sasapit ang hapon. It was beautiful scenery that she can't resist. Kung minsan naman ay naglalakad-lakad siya sa plantasyon.

Six months had passed since she left the Philippines. Hiniling niya sa mga magulang niya kung maaari ay siya na ang mamamahala sa plantasyon tutal ay wala naman siyang ginagawa.

            Luckily, her parents let her do what she wants. May usapan nga lang sila na kapag kabuwanan niya na ay ang mga ito muna ang bahala sa plantasyon at siya ay magpapahinga sa bahay. Two months and two weeks from now, she'll give birth to her child.

            His.

            Lalaki ang anak niya at nakaisip na siya nang ipapangalan dito. Walang mapagsidlan ang saya sa kalooban niya sa tuwing sumasagi sa kaniyang isipan na ilang buwan na lang ay mahahawakan niya na ang batang matagal niyang hinintay na masilayan.

            "We're just starting, Mom. Though marami na tayong clients, kailangan pa rin nating i-budget ang profit. Kung mapupunta lahat sa pagpapasweldo sa employees, hindi agad natin makukuha ang capital." Tumigil siya sa pagbabasa at marahang sinandal ang likod sa back rest ng kaniyang swivel chair habang hinahagod ang kaniyang tiyan. "Besides, hindi pa naman tayo kinukulang sa manpower."

            Her mom was sitting on the sofa, sipping a cup of tea in her hand. Ilang beses ng nakapag-harvest ang plantasyon sa lumipas na mga buwan. Kahit na bago pa lang ito ay marami na silang kliyente. She can't deny that it was because of her parents' connection. Halos lahat ng sinu-supply-an nila ay kakilala o 'di kaya ay kasosyo rin sa ibang negosyo.

Ang kaniyang ama ay busy sa pamamahala ng iba nilang negosyo. Alam niyang nag-aalala lang ang magulang niya sa kaniya dahil buntis siya kaya kahit gusto ng kaniyang ina na sumama sa kaniyang ama tuwing may business trip ito na dati pa nitong ginagawa, mas pinili nitong manatili sa France para samahan siya.

            "You have a point, hija. We're also complete with equipments and technologies to make the work easy. Kapag nabili na natin ang ilang hektarya ng lupa malapit dito ay tyaka na lang siguro tayo magdagdag ng tauhan." Even in just sipping tea, her mom was so firm and proper.

            Napailing na lang siya at sumilay ang maliit na ngiti sa kaniyang labi. Ngayon pa lang ay nahuhulaan niya na kung paano palalakihin ang anak niya. Nasisiguro niyang hindi hahayaan ng parents niya na hindi maibibigay ang lahat ng luho rito, katulad na lamang kung paano binigay ng mga ito ang lahat ng gusto niya noong bata siya.

            "I'll meet Kylie and Robert at the Mall later, Mom. Sasamahan nila akong bumili ng iba pang gamit ni Chase." Paalam niya rito. Napaangat ng tingin ang Mommy niya sa kaniya.

            Chase Grayson was the name she wanted for her son. The two were her cousin. Dito na lumaki sa France at madalang lang makauwi sa Pilipinas. Gayunpaman, malapit pa rin siya sa mga ito.  

            Her Mommy Stacey's eyebrow quirked up. "Why don't you just ask one of your bodyguards to shop for what you need? Malapit ka nang manganak, Ayana. Hindi pwedeng pagala-gala ka pa kung saan-saan."

His Wife's CryWhere stories live. Discover now