Chapter 41

23.6K 397 60
                                    

Third Person's POV

HINDI maatim ni Ayana na kumain ng umagahan kasabay sina Gavin at Sophia. Kung hindi lang para sa anak niya ay titiisin niya ang gutom. Mas nawawalan siya ng lakas sa tuwing nakikita ang mga ito. Tila hangin siya para sa dalawa. Hindi siya binibigyang pansin ni Gavin dahil masyadong nakatuon ang atensyon nito kay Sophia na tila ba ay may mangyayaring hindi maganda kung mawawala ito sa paningin ni Gavin.

            Nakakasukang tingnan ang mga ito na ganoon umakto. Ano bang magagawa niya? Kahit tangkain niyang tumakas muli ngayon ay hindi siya magtatagumpay. Kaya nag-isip siya ng paraan para tuluyan niya ng mapalaya ang sarili sa mga kamay ni Gavin.

            "I want to work to the company again." Sapat na ang boses niya para marinig nito at naging dahilan iyon ng pagtigil nito sa pagkain. Maging si Sophia ay nabaling din ang atensyon sa kaniya.

"You are not going anywhere." He said with equal coldness.

Hindi niya naiwasang magbuntong-hininga. "Just let me work again, Gavin." Irritation was now evident in her voice. Kahit na annulled na silang dalawa ay may karapatan pa rin siya sa kompanya nito. May karapatan pa rin siyang maglabas-pasok doon.

He grimly looked at her. "You heard me."

            "Just let me do what I want!" Sa pagtaas ng boses niya ay matinding iritasyon din ang kaniyang naramdaman. She won't let him kill her because of boredom. She needs to do something to get out in this house! Naging klaro ang lahat sa kaniya nang piliin ni Gavin kahapon na lumabas sa kaniyang kwarto at iwan na naman siyang mag-isa para kay Sophia.

            "Let's not fight in front of food, Ayana." The intensity of his eyes told her that he was very dangerous now.

"You told me you don't have any intention to kill my child by stressing me out." Linabanan niya ang matilim nitong titig kahit na ang kapalit niyon ay ang pagguho ng pag-asa sa kalooban niya. "Then, prove it to me. Let me work again."

She saw how his jaw tightened. Kita niya ang matinding pagtutol sa mukha nito pero wala na itong magagawa. Magtatrabaho siya at gagamitin niya iyong dahilan para tuluyang takasan si Gavin. Hihingi siya ng tulong kay Damon. Alam niyang hindi siya nito matatanggihan.

"If there's something happen to my child-"

"Oh, come one, Gavin. Let her. We don't need her here anyway." Sophia sarcastically smirked. "I don't know why you still keeping her. Why don't you force her to sign the annulment paper so we could start over now?"

Hindi ba alam ni Sophia na napirmahan niya na ang papel na tumapos sa relasyon nila ni Gavin? Imposibleng hindi iyon sinabi nito. Iyon nga ang dahilan kung bakit dinala ni Gavin ang kabit nito sa bahay nila. Nagtatanong ang mga mata niyang tumingin dito pero hindi nito nagawang salabungin ang kaniyang titig. There's something in his eyes that tells she needs to zip her mouth.

Then, she just shrugged. She's not in the right position to spill the beans. Siguro ay may maganda plano si Gavin kung paano sasabihin kay Sophia na wala na sila. Maybe, there's a big celebration for that and a proposal after. Sana lang ay makabuo ang mga ito ng isang masayang pamilya at h'wag sanang bumalik sa anak ng mga ito ang karma sa panloloko sa kaniya.

Binitawan ni Sophia ang kutsarang hawak tyaka mahigpit na yinakap ang braso ni Gavin. Mapanukso pa itong nakatitig sa kaniya na alam niyang ginagawa lang nito para inisin niya.

But she won't let that bitch won. She showed no emotions as she doesn't want to give the satisfaction that the bitch wants. Sisiguraduhin niyang wala ng luhang tutulo sa kaniyang mga mata. Hindi niya na hahayaang magmukha na naman siyang tanga. Tama na iyong pagpapaka-martyr. Dapat noon pa niya napagtanto na kailanman ay hindi siya para sa mundo ni Gavin. Maybe, she belongs to someone else's world, where she can find the love she truly deserves.

His Wife's CryWhere stories live. Discover now