Chapter 1

9.6K 335 84
                                    

Chapter 1: New Assignment

Laguna Police District Headquarters

Habang nag-aayos ng tambak na papeles ang dalagang si Alexis, tumunog ang kaniyang cellphone. Nang tignan niya kung sino ang tumatawag ay napabuntong hininga na lang ang dalaga.

"Yes ma, nandito ako ngayon sa headquarters. Kaharap ang gabundok na mga papel. Gustuhin ko mang humuli at makipagpatentero sa mga magnanakaw ay nandito ako sa headquarters para harapin itong mga papel." mahahalata sa boses ng dalaga ang pagkadismaya.

"Manahimik ka, Alexis! Huwag mo akong subukang suwayin. Kilala mo ako!" saad ng babae sa kabilang linya bago ibaba ang tawag.

Muli namang napabuntong-hininga ang dalaga at nagpatuloy na lang sa kanyang ginagawa. Inis niyang pinukpok ang mga papel sa kaniyang harapan.

Ilang buwan na rin siyang hindi humahawak ng malalaking kaso dahil sa kagagawan ng kanyang ina. Ang ibinibigay sa kanya ay puro maliit na cases lang at ang ilan ay hindi pa lumalabas ng headquarters, lalabas nga siya pero hanggang labas lang ng headquarters at may chaperone pa siyang ibang kasamahan.

Iniisip kasi ng mga ito na maaaring tumakas ito at gumawa nanaman ng mga mapanganib na aksyon. Naki-usap kasi ang kaniyang ina sa kanilang hepe, na ang masaklap ay ninong pa niya.

Gustong-gusto na talaga ng dalaga ang makialam sa mga bagong nilang exciting at malalaking kaso. Pero sadiyang matinik ang kaniyang ina at may mga mata ito sa loob ng headquarters. Bawat pagkilos niya ay may mga narereport sa kaniyang ina. Hindi niya lang mahuli kung sino sa mga kasamahan.

Naisip niya tuloy na para na siyang isang baldadong pulis na hindi magawa ang gusto. Binabalak pa lang kumilos ng dalaga pero nararamdaman na ito ng kaniyang ina. Dinaig pa ang isang imbestigador. Tinatakot pa siya nitong patitigilin na talaga siya sa pagpupulis kapag hindi siya tumigil sa pakikialam sa mga big operation nila at ipapadala na siya kumbento.

Sa kanilang dalawa mas nasusunod ang kaniyang ina .

Ngunit sino ba namang pulis na mahilig sa adventures ang nagpapa under lang sa kaniyang ina? Dahil sa katigasan ng ulo ni Alexis,gumagawa at gumagawa siya ng paraan para makatulong sa mga kabaro.

Naalala niya pa nga dahil sa sobrang pagmamahal niya sa mga ma-action na gawain sa kaniyang buhay ay naging para siyang tsismosa sa pakikinig sa usapan ng ibang kasamahan. Isang beses pa nga ay nakinig ito sa usapan ng kaniyang mga kasamahan na planong pag raid sa isang kilalang drug lord sa bansa. Dahil sa pagka excite na nararamdaman ng dalaga ay nakabuo siya ng sariling plano sa kaniyang isipan.

Nang makaalis ang grupong mag re-raid ay agad niyang sinundan ang mga ito at agarang isinagawa ang kaniyang plano. Pinanatili ng dalaga ang layo ng kaniyang sasakyan sa patrol na sinasakyan ng kaniyang mga kasamahan, nang hindi siya mahalata ng mga ito.

Hindi nga nakahalata ang mga ito hanggang sa makarating na sila sa lugar kung saan nila tatambangan ang sasakyang kinaroroonan ng suspect.

Habang hindi pa dumadating ang kanilang iniintay nanatili lang siya sa kaniyang motor. Ayaw naman niyang masira ang plano ng mga kasamahan dahil sa biglaang pagdating niya.

Ilang sandali din siyang nag-intay ay dumating na rin ang kanilang pakay. Mas lalo naman nabuhayan ang kaniyang dugo ng makita ang mga ito.

Sa una ay maayos na nakipag-usap ang mga ito ngunit ilang sandali lang,nagsilabasan ang mga armadong tauhan nito at pinaulanan ang kanilang grupo. Naalarma naman siya ng napagtantong marami na sa kaniyang mga kasamahan ang may tama na ng baril.

Ikinasa niya ang kaniyang baril at dahan-dahang lumabas sa kaniyang pinagtataguan. Nagulat naman ang mga kalaban at pati na rin ang kaniyang mga kasamahan sa biglaan niyang pagsulpot. Nagulat man ang mga kasamahan ay wala nang nagawa ang mga ito. Malaki kasi ang naging tulong sakanila ng biglaang pagsulpot ng dalaga.

Dahil sa pagkabigla ng mga kalaban, naging mas madali sa dalaga ang mapatumba ang mga tauhan ng drug lord.

Itinira niya ang pinakapinuno at nakipagbuno dito.

Tuwang-tuwa namang bumalik sa kanilang headquarters ang dalaga bitbit-bitbit ang mga nahuling kriminal. Proud na proud siya sa sarili niya na wala siyang tinamong kahit na ano mang galos. Samantalang hindi na makilala ang lalaking pinaka pinuno na kaniyang nasagupa. Talagang mas nasaktan ang lalaki ng tangkain nitong tumakas habang sila ay naglalaban ng dalaga. Medyo nasobrahan lang ang dalaga dahil sa pananabik sa nakagawiang trabaho.

Unti-unting nawala ang malaking ngiti sa labi ng dalaga ng makita ang inang nakaupo sa kaniyang table.

"Alexis Ryzzy Valdemor! Grounded ka!"

Simula nang araw na iyon ay napagpasiyahan niya na ang bumukod ng tirahan para maka iwas sa pakikialam ng kaniyang ina.

Napailing na lang siya sa mga kaniyang mga naalala. Kahit nakabukod na siya ng tirahan ay hindi tumigil ang kaniyang ina sa pagkontrol sa kaniyang buhay at patuloy sa pakikialam sa bawat desisyon na kaniyang bubuoin.

------

Nagmumuni-muni lang ang dalaga ng may biglang lumapit sa kaniyang table sa loob ng headquarters. Dahil sa pagkabusy ng mga tao sa loob ay hindi na nila binigyan ng pansin ang lalaking biglang pumasok lang.

"Ms.Valdemor,the famous inspector?" wika ng medyo may edad na babae na mababakas sa tindig ang pagiging pusturiyoso.

"Yes, it's me. How may I help you ma'am?" magalang na sagot ng dalaga.

Hindi niya alam kung bakit biglang nabuhayan ang kaniyang dugo sa biglaang pagdalaw ng kaharap.

"I'm Veronica Santiago--"pinutol niya agad ang sasabihin nito at napakunot ang kaniyang noo.

"Hindi ba ho ako nagkamali ng dinig? Ikaw si Veronica Santiago,sikat na artista na gumaganap sa mga action movies?" halos kuminang ang mga mata ng dalaga sa sobrang saya ngunit nanatili lang seryoso ang kaharap.

Mababakas sa mga mata ng kaharap ang pagkailang kaya naman napilitan na lang na manahimik ang dalaga. Huminahon ang dalaga at tinuon ang sarili sa ipinunta ng kaharap.

Inilahad na ng matanda ang pakay niya sa dalagang Inspector. Pagkatapos naman niyang ilahad ang kaniyang pakay ay sobra ang pagka gulat na naramdaman ng dalagang pulis.

"Bakit ho ako? Maraming magagaling na pulis ang maaaring magbantay sa anak niyo. Ipapaalam ko pa ho kay hepe yung request niyo. Kung sakaling ma-approve ni hepe ay maaari kong tanggapin."

"Ikaw lang ang kilala kong maaaring maging personal bodyguard ng anak ko. Marami akong narinig na usapan tungkol sayo. Isa kang mahusay na pulis at may dignidad." halos mag makaawa na ang ginang sa harap ng dalaga. Naguluhan naman siya sa kinikilos nito.

"Sandali lang po, ma'am. Lahat po ng katrabaho ko dito ay malinis na mga pulis, kaya bakit ako?"

"Mas pipiliin ko ang isang babaeng pulis na may dedikasyon sa trabaho at iisipin ang taong gustong manakit sa aking anak na mahina ang nakapalibot sa kanya."

Hindi alam ang tamang irereact sa mga sinabi ng kaniyang kaharap . Para itong nagsalita sa ibang lenggwahe kaya hindi maproseso ng kaniyang utak ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito.

Pagkatapos din ng pakay ng matanda ay umalis na rin ito at naiwan namang nakatulala ang dalagang pulis.

Napatawa na lang ang dalaga dahil sa hindi siya makapaniwala sa nangyari. Naisip niya na nababaliw na ang kausap para lapitan ang isang pulis at siya pa talaga na isang Valdemor . Pero mas nababaliw na ata siya kung papayag ba siya sa hinihingi nito na tulong. Agad niya naman itong ipinaalam sa kaniyang hepe at agaran din itong pumayag.







Ms. Officer on DutyWhere stories live. Discover now