Chapter 16

2.1K 84 6
                                    

Chapter 16: Unexpected Allies

Ilang araw na ang nakalipas ng makausap ko sina Inspector at aming hepe. Binabagabag pa rin ako ng mga katanungan na patuloy ko pa ring hinahanapan ng sagot. Sa mga lumipas na araw natahimik naman ang aking buhay dahil sa hindi pang gugulo nila Caleb at Tyronne. Hindi na rin ako ginulo ng mga higad na sumugod sa akin the last time kung saan nakilala ko yung Monares.

Dumating na rin ang mga tutulong sa akin at hindi ako natuwa sa mga pinadala ng mga nakakataas, siguradong papasakitin lang nila ang ulo ko. Pinadala lang naman kasi ay walang iba kundi si Awa at ang babaeng kinakainisan ko sa balat ng lupa. Si Maria Chescka Storm o mas kilalang Agent Storm. Hindi ko matatanggi ang husay nito sa pakikipaglaban, hindi niya rin maiitanggi ang  ka-gaspangan ng ugali nito.

Kailan man ay hindi ko siya nakasundo lagi kasing magkasalungat ang kanilang paniniwala. Hindi ko nga alam kung magkakasundo kami nito sa pagsasamahang misyon o puro away lang ang magaganap. Gugustuhin ko na lang pang maka-partner si Awa atleast ito ay sumusunod sa aking mga utos.

Hindi ko naman sila kaklase ngunit katabi lang ng aming classroom ang napuntahan ng mga ito. Marami na kasing estuyante ang nasa kanilang klase kaya napilitan na lang ito sa kabilang section.

Ilang araw na hindi siya masiyadong ginugulo ng dalawang binata at ng mga bruhildang fangirls nila Caleb at Tyronne ay sumakit naman ang ulo ko sa dalawang makakasama ko sa misyong ito. Sa tuwing uwian na kasi namin ay malalaman ko na may nakaaway si Storm, mapababae man o lalaki. Kilala ko ito at hindi talaga ito papatalo lalo na't siya ang tipo ng babae na hindi magbababa ng pride para sa ibang tao.

Si Awa naman ay walang ginawa kundi ang harutin ang mga babaeng kamag-aral. Mabuti na lamang at hindi niya ito kaklase kundi baka mamatay siya ng maaga dahil sa stress.

Sa mga lumipas ding araw ay inobserbahan ko ang buong paaralan at wala pa naman akong nakikitang kaduda-duda. Hindi ko na rin nakita ang babaeng Monares na gumugulo sa aking isipan.

----

Patuloy naman ang pagkalap ng impormasiyon ni Inspector Leonido. Sa tuwing may bago itong nalalaman ay agad nitong ipinapaalam sa akin. Nais niyang maging ligtas ang pananatili namin dito kung kaya't ginagawa niya ang lahat para matulungan ako sa misyong ito. Hindi man siya magaling sa laban atleast matutulungan niya ako para makakalap ng mga impormasiyon.

Napag-alamanan niya na rin nito nangyaring gulo sa pagitan ko at nang ilang kababaihan ng paaralan. Hinack niya kasi ang program ng paaralan para makita niya ang CCTV at hindi siya natuwa sa kaniyang nakita.

Nag-usap kami kagabi at sinabi ko sa kanya ang hinuha ko sa paaralang ito. Sinabi niyang mag-ingat kami sa aming mga galaw dahil mula daw sa malalaking pamilya ang mga babaeng aking nakaharap.

Base sa kanilang mga nakuhang datos ang paaralan  ay para sa mga mayayamang angkan at pinapayagan dito ang karahasan. Maaaring gumamit dito ng mga armas at lingid ito sa kaalaman ng mga kapulisan. Hindi nila mapanghimasukan ang paaralan dahil ito ay pambripado pag-aari. Hindi pa rin namin matukoy kung sino ang nagmamay-ari ng naturang paaralan.

Buong araw na nagkalap ng impormasiyon ang si Leonido at naghananap ng mga impormasiyon na maikokonekta sa pamamalakad ng paaralan.

Napakunot ang noo namin nang mapansin na ang lahat ng pamilya na nakaaway ng ko ay may koneksiyon sa pamilyang Legaspi. May namuo namang konklusiyon sa kaniyang isipan ngunit wala pa siyang matinding ebidesiya.

“Inspector kindly send to me all the data that you gathered.” pinatay ko na ang video call at agad pinag-aralan ang mga information na ipinadala ng Inspector.

Kinuha ko ang akinh telepono at tinawagan si Travis. Nakaka ilang ring pa lang ay sinagot na agad nito.

“Hello Inspector, bakit ka napatawag?”

Ms. Officer on DutyWhere stories live. Discover now