Chapter 2

7.3K 284 100
                                    

Chapter 2: Another Mission

Simula ng dumating ang ginang sa presinto ay hindi na naiwasan ng dalaga ang matulala. Labis ang excitement na kaniyang nararamdaman dahil sa bagong project na maaari niyang makuha. Napabuntong-hininga na lang ito ng maalala ang kaniyang ina, siguradong tututol ito at makikisawsaw lang ito.

"Sinong nagsasabing malalaman ni ,Mama!" gumuhit naman ang ngiti sa labi ng dalaga.

Nagbalik lang ito sa realidad sa pagtawag ng isa niyang kasamahan. "Inspector Valdemor." tinatamad niya naman itong tinignan. Napakunot ng noo niya dahil sa hindi matanggal na ngiti sa labi nito.

"Ano ba? Nakita mong busy yung tao istorbo ka naman e!" pasinghal niyang saad sa kasamahan at sa huli rin ay nginitian niya na ito. "Saan ka naman busy Inspector?Nakatulala ka lang naman diyan kanina pa."pamimilosopo pa nito.

Hilig talaga ng dalaga na makipagbiruan sa mga kasamahan kapag hindi sila busy sa trabaho, ngunit isa siya sa mga kapulisan na may dedikasyon sa trabaho at masasabing napakaseryoso nito sa mga ginagawang mission.

Babatukan na sana niya ito ng bigla nilang marinig ang malakas na pagtawag ng kanilang Hepe sa pangalan ng dalagang Inspektor. Nagkatinginan na lang sila ng kaniyang kasamahan at nagsenyasan.

"Valdemor!" nangibabaw ang boses ng Hepe sa buong headquarters. Naagaw na nito ang pansin ng iba nilang kasamahan. Nginitian niya ito at agad na sumaludo sa nakatataas. Hindi naman niya napigilan ang magsalita nang magsalita na ikinainis ng kaniyang kaharap.

"Isa, Valdemor!"may pagbabanta na ang tono nito.

"Dalawa!"panggagaya pa nito sa tono ng pananalita ng kanilang Hepe.

Nanlaki naman ang mata ng dalaga ng malakas na tinapik ng kanilang Hepe na si Acosta ang lamesa habang kunot na kunot ang noo. Ngumiti na lang ang dalaga ng alanganin dahil alam niya na galit na ang kaniyang Ninong. Ayaw man niyang mapagalitan ngayon ng kanilang Hepe lalong-lalo na may pinoproblema pa siyang isang binatilyo.

"Proceed to my office Valdemor." at agad na siya nitong tinalikuran.

Nagtinginan sila nang mga kasamahan at palihim na nagtawanan. Nasanay na ang mga ito sa sungit at pagiging mahigpit ng kanilang Hepe. Alam nilang marami lang itong pinoproblema.

"Yes! Aye , aye Chief"pahabol na sigaw ng dalaga at sumunod na sa loob ng office ng kanilang Hepe .

Pagkapasok niya sa loob tumambad sa kanya si Inspector Travis Leonido na nakaupo din sa harap ng mahabang lamesa. Napatulala na lang ang dalaga sa kagwapuhang taglay ng kabaro. Para sa kanya isa ito perfect man dahil matalino na ,gwapo pa, mabait pa.

"Chief may pakain ba kayo diyan?"umupo na din ang sa tabi ni Inspector at tinapik na lang niya ito sa balikat, samantalang tango lang ang sinagot nito.

Mas lumukot naman ang mukha ng Hepe.

"Magseryoso ka nga Valdemor!"

"Masiyadong ka namang seryoso Ninong, maaga kayong tatanda niyan Chief hinay-hinay lang" pang-aasar niya pa dito. Bihira niya itong tawaging Ninong dahil gusto niyang ipakita sa mga kasamahan na hindi dahil may koneksiyon siya ay nakakuha siya ng mataas na ranggo.

Naipikit na lang ng mariin ng Hepe ang kaniyang mga mata. Halata na hindi na siya natututwa sa mga lumalabas na salita sa bibig ng dalaga at gusto niya na magseryoso ito lalong-lalo na kapag nasa loob na ito ng kaniyang opisina. Habang sa kabilang banda si Inspector Leonido ay nanahimik lang sa kanyang pwesto. Dahil sa pabigat ng pabigat na atmospera sa loob ng silid ay napagdesisyunan niya na lang na itikom ang kaniyang bibig.

Ms. Officer on DutyWhere stories live. Discover now