Chapter 34

1.2K 35 1
                                    

Chapter 34: The Plan

Nandito kami ngayon sa loob ng kwarto namin nila Storm at Aliah kasama si Awa. Hindi ko na maitatago pa ang mga nalaman ko, kailangan na naming kumilos.

Sinigurado rin namin na walang sinumang taong nasa labas na maaaring makarinig sa aming pag-uusapan.

“Safe ba talaga na dito natin yan pag-usapan?” mahahalata ang pagdududa sa tinig ni Aliah. Tinanguhan ko na lang siya para iparating na ayos lang ang lahat.

Agad kong binuhay ang laptop na isa sa mga invention ni Travis at sobrang useful nito specially to us, mas convenient ito sa mga nasa secret mission. Ginawa ito para madaling makakonekta sa headquarters at madaling makapagpadala ng back-up.

Ilang sandali lang ay lumabas na sa screen ang mukha ni Inspector, nakakunot pa ang noo nito na parang may maling nangyari habang kinakalikot ang kaniyang cellphone.

“Anong nangyari?” napakunot na lang din ang aking noo.

Ibinaling na nito ang tingin sa amin at hindi pa rin nawawala ang pagkakakunot ng noo nito. Bahagya naman siyang ngumiti ng makita niya si Aliah. Napangiwi na lang ako ng makitang namumula pa si Aliah.

“Ano na, Leonido! Ang tagal namang sabihin.” pagrereklamo ni Storm na parang tamad na tamad. Habang si Awa naman ay patuloy lang sa pagkain ng instant noodles. Mabuti na lang at busy ito sa pagkain kung kaya't hindi ito nagsasalita ng mga bagay na walang saysay.

“I'm sorry.” napakamot na lang sa kanyang batok at bahagya pang namula.

Aish! Ano ba naman itong dalawang lovebirds na ito? Malapit na talaga akong maubusan ng pasensiya.

“Alexis, hindi ko nagawa ang inuutos mo.” saad nito na ikinagulat ko, napatayo na lang ako sa aking kinauupuan. Ngayon lang hindi nagawa ni Travis ang mga request. Siguradong may pumipigil para mapasok niya ang system ng buong school.

“Hindi ko mapasok ang system, may pumipigil sa akin para makita ang mga files at videos na pinapahanap mo.” mahahalata rin dito ang pagkadismaya.

“Bwiset!”

“Ano bang meron, Alexis? Bakit kailangan mong makita ang CCTV papuntang rooftop?” pang-uusisa ni Travis. Agad naman napunta ang atensyon sa akin ng aking mga kasama sa silid. Halata sa mga ito na nais marinig ang dahilan.

Napabuntong hininga na lang ako, at inilahad na ang lahat ng aking narinig at nasaksihan.

Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan sa mga naging reaction nila. Si Aliah na matapos marinig ang aking kwento ay nagflip lang ng hair at kinausap na si Travis. Tapos si Storm na hindi mawala ang mga ngiti sa labi. Higit sa lahat si Awa na natulog lang, alam ko ang kapasidad namin at masasabi kong kaya namin lumaban.

“Anong plano?”

“Ano pa? Edi hintayin sila dito!” saad ni Storm at nahiga na ito sa kaniyang kama. Animo'y tamad na tamad sa aming pinag-uusapan.

Muli na lang akong napabuntong hininga at aalis muna sana para makapagpahangin.

“Valdemor, magpapadala ako ng mga invention ko na maaaring niyong gamitin. Kung kakailanganin niyo ng backup, tumawag lang kayo agad.” mababakas ang pag-aalala sa tono ng pananalita ni Inspector. Tinanguhan ko na lang siya at tinungo na ang pintuan.

--

Hindi ko napansin na dinala na pala ako ng mga paa ko sa likurang bahagi ng paaralan. Napailing na lang ako ng mapagtantong nagiging madalas na ang pagtambay ko dito.

Hindi na ako nag-aksaya pa at umakyat na agad ako ng puno. Nang nasa itaas na ako ay agad kong nilibot ang aking tingin at natigilan ako ng makita ko ang isang pamilyar na pigura.

Anong ginagawa mo dito? Ang tagal kitang hinanap, dito lang pala kita makikita.

Ang lalaking nakahood, ang lalaking matagal ko ng hinahanap. Hindi ko na hahayaang makatakas ka pa. Nagmamadali akong nakababa ng puno at susundan ko na sana ito, ngunit dumating lang si Caitlyn.

“Ano bang problema mo? Bitawan mo nga ako!” marahas kong tinabig ang kamay niyang nakahawak sa aking balikat.

“Hindi mo naiintindihan.” mahinahon niyang saad.

“What do you mean?” napakunot na lang ang noo ko.

Umakyat siya sa isa sa mga puno at naiwan naman akong mag-isa sa baba.

“Tutunganga ka na lang ba diyan?”

Natauhan naman ako, kaya agad na rin akong umakyat sa puno kung saan siya umakyat. Naabutan ko naman siyang nakatingin lang sa kawalan.

Sino ka ba talaga?

“Staring is rude.” numgisi siya na ngayon ko lang nakita. Namangha naman ako sa ganda niyang taglay.

“Sino ka ba talaga?”

“You don't need to know... But, I think you need my help?”

Nagulat naman ako sa kaniyang sinabi, hindi ko kasi inaasahan ito. Bakit niya naman tutulungan ang mga pulis? Hindi ko maikakaila na may kakaibang husay siya sa paghawak ng baril at pakikipaglaban. Kung tutuusin nga mapapagkamalan siya bilang isang secret agent.

“Wala akong tiwala sa'yo.” taimtim kong siyang tinitigan sa kanyang mata at ganoon din siya sa akin.

“The feeling is mutual, Valdemor!” saad niya at gumuhit ang nakakalokong ngisi sa kaniyang labi.

“Keep in your mind, that one day you will need my help.” bumaba na siya at ito naiwan nanaman akong mag-isa at may mga tanong sa isip.

“Bwiset!” sinipa ko ang isa sa pinakamalapit na sanga.

Malalaman ko rin kung sino ka talaga! Kakampi ka ba o kalaban?














Itutuloy...

----

Haluuu mga mamsh at paps. Another update sana magustuhan niyo.

Meron nga pala akong compilation ng mga Tula sana'y bigayan ng konti oras upang inyong basahin. Maraming salamat po.

Ms. Officer on DutyWhere stories live. Discover now