Chapter 36

1.2K 32 1
                                    

Chapter 36: Shopping

Tuwing Friday ay wala kaming pasok. Mabuti nga at maganda ang schedule na napunta sa amin. Kaya ngayon, eto ako pinipilit nila Aliah at Storm na pumuntang mall. Kanina ko pa sila tinatanggihan dahil may balak akong gawin, ngunit hindi pa rin nila ako tinitigilan.

“Ayoko nga sabi eh!” Hindi ko na mabilang pa kung ilang beses ko na ba 'yan sa kanila sinabi. Ngunit, sobrang ayaw paawat sa pangungulit.

“Alexis, naman eh!” pagmamaktol ni Aliah.

Napairap na lang ako, mahilig talaga ang babaeng ito sa pag shopping at hindi ko inaasahan na pati pala si Storm.

Aish! Mababaliw ako sa dalawang ito!

“Valdemor, minsan lang naman tayo makapunta sa mall. Sumama ka na para magmukha ka namang babae.” segunda naman ni Storm.

Nakita ko pa na nagtawanan ang dalawa at nag-apir. Napabuntong hininga na lang ako at pumayag. Hindi kasi nila ako titigilan kapag hindi pa ako pumayag.

Nanlaki pa ang mga mata nila at halos sabay na tumayo at nag-ayos ng sarili. Napailing na lang ako sa mga kinikilos ng dalawa. Nakarinig naman kami ng katok sa aming pintuan at agad tumambad sa amin si Awa.

“Sinong nagsabi na pumasok ka dito?”pagsusungit pa ni Storm.

“Bakit bawal na ba ako dito? Nagdiretso ito sa maliit na sofa na mayroon dito sa aming dorm.

“Tsk.” Nakita ko pa ang pag-irap ni Storm kay Awa na hindi naman nito pinansin.

“Inspector saan ang punta niyo?” pabulong na saad nito.

Napangiti na lang ako ng tawagin niya muli akong Inspector. Namiss ko na ang pagiging isang inspector.

“Dadalaw ba kayo sa headquarters? Sasama ako,” mababakas sa tono ng pananalita nito ang excitement.

“Hindi. Pupunta kami sa mall, nagyayaya kasi yung dalawa. Kung gusto mo magpunta sa headquarters, pinapayagan kita. Mag-iingat ka lang at baka may makakita sa'yo.

Sumaludo muna siya sa'kin at nagmamadaling lumabas. Napangiti na lang ako, mukhang hindi lang ako ang nakamiss sa headquarters. Dadaan na lang ako mamaya  pagkatapos pumunta ng mall.

Nagsuot lang ako ng simpleng sando at leather jacket na pinartneran ko ng jeans at boots. Samantalang, yung mga kasama ko ay mga nakadress, hindi mo mahahalatang nakahanay ito sa panlalaking trabaho.

-

Mall

Nakarating na kami sa mall at nag-iikot-ikot. Dumiretso agad ang dalawa sa isang boutique shop na halatang branded. Napapailing na lang akong sumunod sa dalawa.

Habang mamimili ang dalawa ay umupo muna ako sa isang gilid sa loob ng shop. Inilibot ko ang mata ko sa buong paligid. Pinag-aaralan ang buong lugar.

Nakuha naman ng isang sales lady at isang customer ang aking atensyon. Sinisigawan at dinuduro ng customer ang sales lady na kumukuha na sa atensyon ng mga tao sa loob ng shop.

“I said, I don't want this dress. But, you still insisting that it looks good on me. Kung gusto mo ikaw ang magsuot.” ibinato nito sa mukha ng sales lady ang damit.

“Sorry po, Ma'am. Papalitan ko na lamang po.” magalang na saad ng sales lady.

Akala ko doon na matatapos ang lahat, pero hindi pa rin nagpaawat itong customer. Bigla niya na lang hinablot ang damit ng sales lady kung kaya't nasira ito at halos makitaan na ang babae. Wala man lang umaawat sa mga taong nakakita.

“Ikaw ang magsuot niyang basurang damit. Mukha ka namang basura, pati ang taste mo sa damit.”

“Sumosobra na po kayo, Ma'am!” Lumuluha na rin ang saleslady habang hinahawakan ang nasira niyang damit.

“Abuh! Sumasagot ka pa!” umamba ang customer na sasampalin niya ang babae kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Mariin kong hinawakan ang nakaamba niyang kamay. Hindi ko matiis ang pagiging mapang-api ng babaeng ito. Hindi ko maatim na manood na lang ako kung alam ko naman sa sarili ko na may magagawa ako.

“What the hell! Let go of me!”

Marahas kong binitawan ang kamay niya at nilapitan ko ang sales lady na ngayo'y patuloy pa rin ang pagluha. Agad kong hinubad ang aking jacket at isinuot sa babae.

“Who are you bitch?”

Hinarap ko ito at nakatanggap lang ako ng masamang titig sa spoiled brat na ito.

“Hindi mo nanaising malaman pa.”

“What? Do you know me?” nanlaki ang mata nito animo'y hindi makapaniwalang hindi ko siya kilala.

Sino ba siya? May naiambag ba siya dito sa Pinas para makilala ko siya? Pasensiya na lang siya dahil kung kilala ko siya ibig sabihin isa siya sa mga kriminal na hinuli ko.

“Sino ka ba?” clueless kong saad.

“Tsk. You don't know me because you're a loser.” tinulak-tulak niya pa ang aking balikat.

Pasalamat siya hindi ako pumapatol sa civilian, lalo na't sa mga babae. Pero hindi ko sinabing hindi ako pumapatol sa asaran.

“Huh ako loser? O baka hindi ka lang talaga sikat, kaya hindi kita kilala. Bakit kaya mo bang umiwas sa bala sa bala para makilala kita?”  pinagdiinan ko pa ang mga salitang aking binigkas, bakas naman ang galit sa mukha nito dahil sa kaniyang pamumula.

“Stupid!” nagpalinganga ito at nabigla kaming lahat ng may madampot siyang isang gunting.

Aishhh! Pasaway!

“Bitawan mo na yan, Miss!”

“Why would I? Natatakot kana ba?” may kakaibang ngisi sa labi nito. Ano ba ito may sira sa ulo?

“Miss, baka makasakit ka ng iba. Ibaba mo na yang gunting, kung ayaw mong sa presinto ka dumiretso.” pagbabanta ko na akala ko ikakatakot niya. Mas iwinasiwas niya pa lalo ang hawak niyang gunting. May mga nagdatingan pa ngang iilang gwardiya para maawat ang babae.

Aishhh! Nasaan na ba yung dalawa?

“Ibaba mo na 'yan, Miss! Alam kong hindi ka masamang tao.” pinipilit ko pa rin siyang kausapin. Hindi ko rin hinayaang makalapit sa kaniya ang mga gwardiya.

Dahan-dahan niya naman binitawan ang gunting at hindi na nito napigilan ang mapaluha. Agad naman lumapit sa kaniya ang mga gwardiya at inalalayan ito palabas ng boutique.

“Maraming salamat, Ma'am!” saad ng sales lady na aking tinulungan. Tinanguhan ko na lang ito at hinanap sila Aliah at Storm.

Bigla naman nagring ang phone ko, nakita ko sa Caller ID na ang tumatawag ay si Caleb.

“Hello, Caleb. Bakit ka napatawag?”

Ilang minuto pa itong hindi sumagot. Papatayin ko na sana ang linya ng bigla kong marinig ang kaniyang pagbulong.
Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako pinagbabawalang bumalik.

“Huwag ka munang bumalik.”

Agad naman naputol ang linya at hindi ko maunawaan ang ibig niyang iparating. Bigla naman akong nakaramdam ng labis na kaba.

Hindi kaya...

“Hey, Alexis. Nandiyan ka lang pala,kanina ka pa namin hinahanap.”

“We need to go.”












Itutuloy...
----
Haluuu panibagong update. Sinisipag ako ngayon dahil malapit na rin itong matapos. Omo, ano kayang nangyari? Abangan sa next chapter.

Don't forget to vote, comment and share.

Ms. Officer on DutyWhere stories live. Discover now