Chapter 20

1.9K 79 1
                                    

A/N: Dedicated to DenPaulBarredo I adore this author so can you please also support her story. :) Mwapss Basahin niyo rin yung isa ko pang story DREAMS short story lang naman yun!

Chapter 20: The Abduction

Balik school nanaman ako at sa totoo lang hindi pa ako handa. Ayaw ko pa namang makita si Tyronne tapos ng insidenteng nangyari sa amin sa mall. Nakonsensiya man ako na sinaktan ko siya, but he really deserves it. Tama bang nakawan niya ako ng halik sa pampublikong lugar pa. Hindi ko sinasabing ayos lang na halikan niya ako ha. Pucha! Naiinis talaga ako kapag naaalala ko.

Halos hindi na nga ako nakatulog ng ilang gabi dahil sa kakaisip as hinayupak na kiss na 'yan. Hindi mawala sa isip ko yung halik niya at malalambot niyang labi. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko 'yun nagustuhan pero sobra akong nabigla. Naiinis lang ako sa sarili ko na bakit hindi ko makalimutan hanggang as panaginip ko ata naaalala ko yung kiss. Simpleng halik lang naman yun ha. Aish! Mababaliw na talaga ako.

Sa tuwing ipipikit ko yung mata ko siya agad yung nakikita ko at pati na rin yung halik na pinagsaluhan namin.

First and second kiss ko kaya siya. Jusme! Hindi naman ganito ang naramdaman ko nung una ha. Parang may  butterflies sa loob ng aking tiyan.

Naglalakad ako ngayon sa corridor, medyo maaga akong dumating ngayon sa school dahil hindi rin naman ako nakatulog ng maayos. Pinaplano ko kasi kung paano iiwasan si Tyronne ngayon. Iilan pa lang ang mga studyanteng nasa school kaya naisipan ko munang maglibot-libot.

Inilibot ko ang aking paningin at wala pa naman miski anino ni Tyronne kaya okay lang maglakad-lakad muna.

“Haiyssst!”

“Boooooo!”

Halos mapatalon ako sa gulat. Sinamaan ko naman ang taong kaharap ko na tawa nang tawa.

“Epal ka talaga, Storm! ”sinimangutan ko lang ito na ikinatawa lang niya.

“Hahahahaha! Priceless yung itsura mo friend.”

Nakahawak pa siya sa tiyan habang tumatawa. Sa inis ko tinalikuran ko na lang siya at lumayo na sa kanyang pwesto. Sa pagpaling ko naman nakasalubong ko si Caleb. Agad naman itong kumaway na ginantihan ko rin sa pagkaway. Ano ba namang 'tong araw na 'to!

“Hi, Ryzzy.”

“Kamusta?”

“Okay naman!” napakamot pa siya sa kaniyang batok, ang cute lang niyang tignan.

Napangiti na lang ako sa itsura niya na parang nahihiya. Magsasalita pa sana ako nang nakaramdam ako ng malamig na bagay na nakatutok sa ulo ko at nakita ko rin ang mga ilang taong nakaitim na nasa likod ni Caleb. May mga nakatakip pa sa mga mukha nito kaya hindi ko agad sila makilala.

Magrereact pa sana ako kaya lang tinakpan na ng isang lalaking na kaitim ang aking bibig kaya nakaramdam ako nang panghihina. Bago pa ulit itakip sa akin ang panyo ay nakita kong  lalapitan pa sana ako ni Caleb kaya lang agad siyang napigilan ng mga kalalakihan. Nakapiglas ako kaya hindi ako tuluyang nawalan nang malay.

“Huwag mo na subukang gumalaw o manlaban pa,”

“Anong kailangan niyo?”matapang na saad ko na ikinatawa lang nila.

“Hindi namin kailangan magpaliwanag sayo binibini,”

Manlalaban pa sana ulit ako kaya lang nakaramdam na ako ng panghihina. Pinaamoy niya muli sa akin ang panyo at nawalan na nga ako ng malay. Bago ako nakatulog nakita ko pa si Storm na humahabol hawak ang kaniyang baril.

Ms. Officer on DutyWhere stories live. Discover now