Chapter 14

2.4K 87 6
                                    

Chapter 14: Double Trouble

Isang mahabang paghikab ang kumawala sa bibig ni Alex. Sobrang napagod siya sa pangungulit ni Tyronne. Hindi niya alam kung matatawag ba itong pangungulit o mas magandang tawaging paglalandi. Hindi niya rin alam kung bakit sobrang sama ng timpla ng mukha ni Caleb at hindi siya nito pinapansin. Nilapitan niya ito pero ito na ang kusang lumalayo.

“Hoy, okay ka lang ba?”untag niya sa katabing si Caleb.

“I'm definitely fine,”seyosong saad nito at hindi man lang siya nito nilingon.

Napatingin na lang siya sa kabila niyang side at nakita naman niyang natutulog si Tyronne. May bigla na lang kumislap sa isip niya na plano.

Napasigaw ng malakas si Tyronne ng may lapastangang kumurot sa kaniyang tenga.

Pinagtinginan ito ng buong dahil napatayo pa ito sa gulat, galit na galit na hinarap nito ang dalaga na namumula pa ang buong mukha. Nagkunwari naman ang dalagang walang alam sa nangyari.

Galit na galit na hinila siya ni Tyronne palabas ng silid. Nagulat naman ito sa biglaang pagtangay nito sa kaniya at nang makabawi siya ay marahas niyang inalis ang kamay nitong nakahawak sa kanyang palapulsuhan.

“Ano bang problema mo?” nainis siya sa inaakto nito pero alam niya sa sarili na kasalanan niya kung bakit galit na galit ang kaharap.

Lihim siyang natutuwa sa naging reaksiyon ng binata. Para sa dalaga ang cute nitong tignan habang namumula ang buong mukha dahil sa galit. Hindi niya na napigilan pa ang pagtawa. Humagalpak siya nang tawa habang hawak pa ang kanyang tiyan.

“Nakakatawa talaga yung mukha mo napaka priceless,” tawa lang siya nang tawa  na nagpakunot sa noo ng binata.

Napangisi naman ang binata at unti-unting lumapit sa dalaga habang may malademonyong ngisi sa labi. Napawi naman ang ngiti sa labi ng dalaga at ito'y napalitan ng kaba. Lapit nang lapit ang binata ngunit urong lang ang ginawa ng dilag. Gustuhin niya man itong itulak ngunit nanghihina ang kaniyang mga tuhod.

“Bakit mo ginawa yun?Gusto mo lang magpapansin noh,”mas inilapit pa nito ang sarili sa kaniya. Sa huling pag-urong niya naramdaman niya na ang malamig na simento sa kaniyang likuran.

Palapit pa itong nang palapit kaya naipikit na lang niya ang kaniyang mga mata. Ilang minuto rin siyang nakapikit at wala naman nangyari sakaniyang masama. Napagdesisyunan niya ng idilat ang kaniyang mga mata.

Imbes na ang una niyang makita ay ang mapanudyong mga ngisi ni Tyronne Legaspi isang pamilyar na likod ng isang binata ang nakaharang sa kaniya na para siyang pinoprotektahan. Sinilip niya kung anong nasa harap nito. Nagulat siya ng makitang dumudugo ang gilid ng labi ni Tyronne. Napatingin siya sa kamao ni Caleb na nakakuyom. Nakatiimbagang naman si Tyronne na masamang nakatingin sa binata.

Nataranta naman siya pumagitna sa dalawang nagpupulos na sa galit at kapag nagtagal ay mauuwi ulit sa suntukan .

“Hep! Hep! Chill lang tayo,”pagpapakalma niya sa dalawa na tumalima lang at sabay na lumakad palayo.

Napairap na lang siya at sinundan si Tyronne na ginawan niya ng kalokohan.

“Hey Tyronne, wait for me” mabilis ang paglakad ng binata kaya lakad takbo ang ginawa niya para mahabol ang binata.

“What do you need?”halata dito ang pagkairita sa presensiya ng dalaga. Ngunit ipinagsawalang bahala ng dalaga ang galit nito at seryosong hinarap ang binata.

“I just want to say sorry,” mababakas sa mata nito ang sinseridad.

“Okay,"nagsimula na ulit ito maglakad ngunit patuloy pa ring sumusunod sa kaniya ang dalaga.

Mas binilisan niya pa ang paglakad ngunit makulit talaga ang babae at patuloy itong nakasunod sa kaniya na ikinairita niya.

“Sabi ko na dibang okay na! Ano pa bang gusto mo?”hindi niya napigilan ang mapasigaw. Nalungkot naman ang mukha ng dilag hindi inaasahang masisigawan siya ng binata.

“Sorry!"dahan-dahang tumalikod ang dalaga at bago pa ito tuluyang makaalis ay pinigilan ito ni Tyronne at hinila palapit sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata ng dalaga ng maramdaman niya ang paglapat ng mca labi nito sa sariling niyang mga labi. Gusto niya sana itong sampalin ngunit hindi nakikisama ang kaniyang sistema. Basta ang alam niya na lang ay hinayaan niyang halikan siya ng binata.

Nakangiti namang umalis ang binata at naiwan naman maka ang dalagang nanakawan nang halik. Napahawak na lang siya sa kaniyang labi.

Bumalik lang siya sa kaniyang sarili ng palibutan siya ng grupo ng kababaihan. Napakunot ang kilay niya ng makitang may mga hawak itong patalim ang iba naman ay baseball bat. Naalarma siya sa maaaring gawin ng mga ito.

Hindi niya alam kung bakit hindi nangingialam ang ibang napapadaan at nanonood. Pati mga gwardiya ay hindi umaawat. Nalito siya sa kinikilos ng mga ito.

“Oh Ms. Malandi, nagulat ka ba ?”saad ng mahaderang babaeng pinahiya ni Caleb.

Napailing na lang siya at napangisi kahit madami ang nakapalibot sa kaniya nagtitiwala siya sa kaniyang kakayahan. Hindi lang siya makapaniwala na pinapayagan pala sa loob ng paaralan ang mga ganitong klase ng karahasan.

“Sorry my dear dahil baguhan ka pa lang sa paaralang ito ay wala ka pang masiyadong alam,”

“Tsk,”

“Mayabang ka rin talaga noh bukod dun malandi ka pa,” akmang pupukpukin siya nito at mabilis naman siyang nakaiwas.

Papaluin ulit sana siya nito ng baseball bat at kaya marahas niya itong hinablot sa babae. Nabakas sa mukha ng mga ito ang gulat dahil sa bilis na naging pagkilos niya. “Not so fast dears,” isinangga niya ang bat sa sunod na attempt na pagpalo ng ilan pa nitong mga kasama.

Puro iwas lang ang ginawa niya dahil hindi niya pa rin nais saktan ang mga studyanteng kasagupa. Isa pa rin siyang pulis na may tungkulin na protektahan ang mga civilian.

Hindi siya nagkakamali mahina pa rin ang mga ito kumpara sa kaniyang kakayahan kaya hindi niya papatulan ang mga ito.

“Walang hiya ka talaga nilalandi mo na nga si Prince Caleb ngayon naman si Prince Tyronne,”inambahan siya nito ng saksak. Hindi niya napigilan ang sarili marahas niyang sinipa ang kamay nito kaya nabitawan ang hawak na patalim.

Napapagod na rin siya sa pag-iwas sa mga attempt nitong saktan siya. Ayaw man niya itong saktan ngunit inuubos ng mga babaeng kaharap ang kaniyang pasensiya.

Sumunod niya binigyan ng tag-iisang sipa ang mga kasama nito. Aalis na sana siya dahil nakasalampak na ang mga ito sa sahig.

Nakaramdam siya ng malamig na bagay sa kaniyang sentido. Hindi na talaga siya natutuwa pa sa pagkikipaglaro. Hindi siya makapaniwala na hahantong pa ito sa tutukan ng baril. Inakala niyang napaka harmless lang ng paaralan ngunit nagkakamali pala siya. Hindi niya alam na may lihim ang buong paaralan. Mukhang lalaki ang sakop ng misyon niya kung sakaling mabubuhay pa siya. Kailangan niyang imbestigahan ang buong paaralan.


Aagawin niya na sana ang baril sa babae kaya lang...










------

Itutuloy...

Pabitin muna hahaha may Part 2 pa.
Comment... Comment... Comment naman diyan.




Ms. Officer on DutyWhere stories live. Discover now