Chapter 35

1.2K 28 4
                                    

Chapter 35: Suspicion

Ilang araw na rin ang lumipas at dumating na rin ang mga special na gamit na invention ni Inspector Leonido.  Lahat ng pinadala niya ay siguradong magagamit namin. Malaki talaga ang tiwala namin sa isang iyon pagdating sa mga ganitong bagay.

Ilang beses na rin akong bumalik sa rooftop, inaabangan kung muli bang babalik yung lalaking nakahoody jacket. Hindi rin nagpaawat si Caleb sa pagsama-sama sa akin sa rooftop.

Iniisip niya kasing mapanganib para sa akin ang mag-isa. Hinahanap ko nga ngayon itong si Caleb, dahil may usapan kaming pupunta kami ulit sa rooftop.

Mukhang hindi nga kami nagmamanman, kundi tumatambay lang, madalas kasing nauuwi lang kami sa kwentuhan.

Nang malapit na ako sa gawi papuntang rooftop, nakita ko si Red na palinga-linga sa paligid.

Napakunot ang noo ko, aakyat sana ito papuntang rooftop, ngunit dumating si Caleb. Lumapit na rin ako sa kanilang pwesto.

Nginitian agad ako ni Caleb at agad ko rin sinuklian ng matamis na ngiti. Nang ibaling ko naman ang paningin ko kay Red ay napataas ako ng kilay, kinusotkusot ko pa ang mata ko dahil hindi ako makapaniwalang nginitian niya ako.

Anong problema niya? Kabilugan ba ng  buwan ngayon?

“Pare, pupunta ka ba sa rooftop?” napakunot naman ang noo ko nang mahimigan ko ang tono ng pananalita ni Caleb. Para kasi niyang pinapaamin ang kaibigan.

“Ah oo, magpapahangin lang may problema ba?.” maangas niyang saad.

Lalo pang napakunot ang noo ko, hindi ako sanay na ganito makipag-usap si Red sa kaibigan niyang si Caleb. Kapag magkakasama kasi sila, hindi ko pa siya nakitang ganito makipag-usap kay Caleb. Nakakapanibago rin ang mga kinikilos nito, simula ng makilala ko si Red kailanman ay hindi ako nito nginitian.

Nang lingunin ko si Caleb may kakaibang ngisi ang makikita sa kaniyang mga labi. Nagsukatan pa ang dalawa ng tingin at nagimbal ako ng makita ko ang mga ngisi sa labi ni Red.

Hindi ako maaaring magkamali ang mga ngisi niya ay nakita ko na, nakita ko sa lalaking nakahoody. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya, hindi ko alam kung dapat ko ba siya paghinalaan. Nanlaki pa ang mga mata ko ng ibaling niya sa akin ang kaniyang tingin habang patuloy lang ang pagngisi.

Gustong-gusto ko na siyang saktan, lalong-lalo na't abot kamay ko lamang siya. Ngunit, pinipigilan ko ang aking sarili, kailangan kong maging maingat. Kung siya nga ang lalaki sa likod ng hoody, hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kaniya.

“Huwag mo naman akong titigan baka matunaw ako niyan.” mapanudyo niyang saad.

Bahagya ko naman iniwas ang aking tingin. Iba ang nararamdaman ko ngayon kay Red, para bang ibang tao ang kaharap namin. Pero imposible, kahit ang taling ni Red sa tungki ng kaniyang ilong ay nandoon pa rin.

“Aalis na kami.” Naramdaman ko naman ang paghawak ni Caleb sa aking kamay at hinila na ako nito paalis.

Hindi pa man kami nakakalayo ay narinig namin ang huling sinabi ni Red. Mas lalo pa tuloy akong kinutuban sa mga kinikilos niya.

“Mag-iingat kayo, Ryzzy!” may diin ang pagkakasabi niya sa aking pangalan.

Naging tahimik lang kami habang naglalakad. Hindi nagsasalita si Caleb na animo'y nag-iisip ng malalim, patuloy lang siya sa paglalakad na walang patutunguhan.

“Caleb,” pagtawag ko sa kaniyang pangalan kung kaya't napatigil na ito sa paglalakad.

“Wala ka bang napapansin kay, Red?” hindi ko na napigilan pa ang aking sarili.

“Actually, I do.” hinarap niya ako at taimtim na tinitigan sa aking mga mata.

“Parang may kakaiba kasi sa mga kinikilos niya.”pagsasabi ko ng totoo kong napapansin. Kung iisipin kasi si Caleb lang ang makakapagsabi kung may kakaiba sa kaibigan niya, kung may ikinikilos ba itong kakaiba.

“He is acting so strange this past few days.” napagbuntong hininga na lang ito at hinawakan ang aking mga balikat.

“Iniisip mo ba na siya yung nakita natin sa rooftop, yung lalaking hinahanap natin?” matamlay ang pagkakasabi niya. Alam kong mahirap sa kaniya na pag-isipan ng masama si Red, dahil isa ito sa pinakamalapit nitong kaibigan. Naiintindihan ko siya na baka depensahan niya ito.

“Hindi ko alam,Caleb.” napabuntong hininga na lang din ako, hindi ko dapat ipahalata sa kaniya na pinagdududahan ko ang kaniyang kaibigan. Hangga't maaari ako ang gagawa ng paraan para makilala ang tao sa likod ng hoody.

Hindi man ngayon, pero malalaman ko rin kung tama ba ang aking mga hinala. Sa ngayon puro assumptions pala lang ang nabubuo sa aking isipan.

Sa ngayon, sisiguraduhin kong hindi ko aalisin ang mga mata ko kay Red. Babantayan ko ang kaniyang mga kilos, at kung mapatunayan kong isa siyang kalaban ay hindi ko siya aatrasan. Hindi ako umaatras sa ano mang laban.

















Itutuloy...
----

Haluuu mga mamsh at papsh! Medyo natagalan yung update, sarehhh!

Abangan ang mga susunod na mga mangyayari, dahil malapit na magwakas ang Ms. Officer on Duty. Pinag-iisipan ko pa kung magkakaroon ng book two. Stay tuned!

Ms. Officer on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon