Chapter 3

5.7K 233 64
                                    

Chapter 3: The other side of Alexis Valdemor

Hindi mawala sa isip nang dalaga ang inalahad na plano ng kanyang lolo. Napapaisip siya kung bakit bigla na lang naging interesado ito sa misyong kanyang hahawakan. Hindi rin siya natuwa sa binigay nitong suggestion, hindi nga siya makapaniwala na nagustuhan naman ng kaniyang Hepe ang naisip ng kumpadre.

Ang una kasing napagplanuhan ay magbabantay lang siya mula sa malayo o mag aapply siyang bilang isa sa mga security guard ng school na pinapasukan ng dalawang binata.

Kung magiging security guard kasi ang dalaga ay mas mapapadali ang pagbabantay niya sa mga lalabas at papasok ng paaralan. Naisip niya na sana ang magiging plano niya ngunit dahil sa pagpapalit ng plano at stratehiya ay mahihirapan siyang umisip kung paano mapapalapit sa dalawa. Nahihirapan siyang mag-isip kung paano niya gagampanan ang trabaho kung...

Magiging isa siyang studyante!

Gusto niya talagang maging parte ng mga misyon ngunit hindi niya inaasahan na magbabalik siya sa paaralan. Hindi pumasok sa isip nang dalaga ang mag-aral muli dahil hindi siya naging mahusay sa akademya.

Sa sobrang pag-iisip nang dalaga ay naisipan niya na lang linisin ang paborito niyang baril na niregalo sa kanya ng lolo noong ito ay mag-eighteen years old. Isa itong M1911 pistol hindi niya alam kung bakit naging paborito niya ito bukod sa bigay ito ng pinakmamahal niyang lolo. Madali kasi itong magamit at madali rin itago at para sa kanya napakagaan nito.

Pinupunasan niya lang ang  kanyang baril ng lumapit sa kanya si Inspector Leonido. Nakangiti siya nitong sinalubong kaya agad niya itong sinuklian ng matamis na ngiti.

“Good morning, Ms.Beautiful.”bati sa kanya ng bagong dating.

“Sus, good morning din handsome.”

“Pfttttt!” malakas na pagtawa ang isinagot nang binata.

Malapit ko na talagang isipin na may toyo talaga 'tong si Inspector .

Para sa dalaga itinuring niya nang kapatid ang Inspector dahil sa pagiging malapit nila sa isa't-isa. Tinuring na niya itong nakakatandang kapatid kahit isang taon lamang ang agwat nang kanilang edad. Naghahanap kasi siya nang pag-aaruga ng isang kuya na nakita niya na Walai akong kuya,bakit ba?walang basagan ng trip.

Alam ng marami na siya yung tipo ng lalaking madaling magustuhan ng mga kababaihan. Walang sino man ang nakakaalam na may lihim na pagtingin ang dalaga sa kasamahan sobrang hinahangaan niya ito. Sobrang maalaga niya kasi at napakaresponsableng pulis at anak.

“Ayos ka lang?”may pag-aalala sa tono ng pananalita ni Inspector (Oh baka may pagka assuming lang talaga ako)

“Ha? Oo naman, ako pa ba?”natataranta ko namang sagot.

“Iniisip mo pa rin ba yung bago mong mission?”

“Ha? Hindi naman na.” hindi ko alam kung anong isasagot ko dito sa gwapo kong kaharap.

“Mabuti naman. Huwag ka mag-alala babantayan kita at hindi ko hahayaang may mangyari sayong masama.” ngumiti pa siya ng makapang laglag panty.

Aaminin ko na nga may crush talaga ako kay Inspector. Ayoko ng Super duper crush na talaga kita nagpapacute ka kasi masiyado!

Erase...erase...erase...ang harot ko na. Dapat dalagang pilipina pa rin,dapat pabebe lang.

Dama ko naman ang pamumula ng aking pisnge kaya iniwas ko na lang aking tingin. Ayoko naman mailang at layuan ako ng Inspector na'to kapag nalaman na may crush ako sakaniya. Tinuring ko na siyang kaibigan, kuya at syempre secret crush .Napangiti na lang ako sa aking mga naiisip. Tanggap ko din sa sarili ko na kapatid lang ang turing niya sa akin kaya hindi na ako umaasa.

Ms. Officer on DutyWhere stories live. Discover now