Chapter 26

1.3K 45 1
                                    

Chapter 26: Danger

Ilang linggo na rin ang lumipas, pero wala pa ring lead sa kung sino ang nagpadukot sa akin. Hindi na ipinaalam sa school ang nangyaring pagdukot at naabisuhan na rin ang ilang mga taong nakakaalam. Nitong mga nakaraang araw ay hindi naman namin naramdaman ang presensiya ng kalaban. Inuubos talaga nila ang pasensiya ko.

Papunta pa lang ako sa aming classroom ng makasalubong ko si Caleb. Bagsak ang balikat nito at mababakas ang lungkot sa mukha. Agad ko itong nilapitan at tinapik sa braso, nagulat naman ito sa biglaang pagdating ko at hindi makatingin sa aking mga mata.

Anong problema niya?

“Iniiwasan mo ba ako?”

“Huh? Ano kasi... busy lang talaga ako” halata sa mga kilos nito na iniiwasan niya talaga ako. “Hindi ka magaling mag sinungaling!” tinaasan ko siya ng kilay. Napabuntong hininga na lang ito at nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.

“Hoy! Caleb bitawan mo ako, baka may makakita sa atin,” hindi naman siya kumilos kaya hinayaan ko na lang muna siya sa ganoong posisyon. Isa na kasi siya sa pinaka naging malapit sa akin simula ng tumungtong ako dito sa school na ito.

Hindi na lang siya basta misyon na kailangan kong protektahan. Para sa akin tinuturing ko na siyang pamilya na gusto kong protektahan. Hindi ko alam pero napayakap na lang din ako sa kanya.

“I'm sorry.” mababakasan sa tono ng pananalita nito ang pagpapakatotoo sa mga salitang kanyang binigkas.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Kinakabahan ako!

“Bakit ka ba nagsosorry ha? Wala ka namang kasalan,” mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya. Hindi ko maintindihan pero parang may mangyayari masama.

Humiwalay na siya sa pagkakayakap at seryoso akong tinitigan sa aking mata.

“May sasabihin ako sayo...” bago niya pa matuloy ang sasabihin niya tumunog ang speaker at may kung anong i announce ang aming Dean.

Halata naman ang pagkagulat sa mukha ni Caleb na mas lalong nagpakunot sa aking noo. Nagitla ako ng bigla niyang hawakan ang aking kamay at tumakbo papunta sa school gymnasium. Hinayaan ko na lang hatakin niya ako dahil may tiwala naman ako sa kanya.

Nang makarating kami sa school gymnasium ay sinalubong kami ng napakaraming mag-aaral. Anong meron? Bakit may biglaang bisita. Napatingin naman ako kay Caleb na hindi mapakali at palingon-lingon sa paligid. Hindi ko rin tuloy maiwasan ang mag-alala. Napansin ko rin na maraming bodyguards ang nakapaligid sa buong gymnasium.

Napalingon kaming lahat sa stage ng magsalita ang aming Dean. Nakangiti niyang binati lahat ng mag-aaral at halos manigas ang buo kong katawan ng marinig ko ang isinigaw niyang pangalan.

“Let's welcome, Mr. Aldron Legaspi.” halos mabingi naman ako lakas ng palakpakan ng mga tao. Anong ginagawa niya dito?

Nang tumungtong sa stage ang may katandaang lalaki ay hindi ko na inalis ang tingin dito. Masasabi mong nagsusumigaw ng authority ang presensiya nito, at hindi mo masasabing basta-bastang tao lang ito. Ngunit, hindi ko maintindihan kung ano ang pakay niya sa school na ito.

“Anong ginagawa niya dito?” hindi ko na napigilan maitanong ang kanina pang gumugulo sa aking isip.

“Siya ang may ari ng school.” halos manlaki ang mata ko, paanong hindi namin nalaman na siya ang nagmamay-ari nito. Pumasok kami sa teritoryo ng kalaban. Agad kong hinanap sa paligid sila Aliah at ang iba pa naming kasamahan. Nang makita ko sila ay agad akong nagpaalam kay Caleb na bakas pa rin sa mukha ang pagkabalisa, hindi ko muna ito pinansin at lumapit na kila Aliah.

“He's the owner of this school.”

Nanlaki naman ang kanilang mga mata at napalingon sa paligid. Hindi kami pwedeng maging kampante lalo na't nasa loob kami ng teritoryo ng kalaban.

“Good morning students. It's been awhile nang makita ko kaya. I'm so glad to see all of you again.” nagpalakpakan nanaman ang mga estudyante. Napalingon ako sa pwesto namin ni Caleb kanina ngunit wala na siya doon. Nilibot ko ang paningin ko nang makita ko siyang tumatakbo palapit sa stage.

Bakit ganito ang nararamdaman ko, kinakabahan ako.

Napayuko kami ng makarinig kami ng sunod-sunod na putok ng baril. Bullshit! Nagsisigawan pa ang mga estudyante at nag-unahang pumunta sa pinto upang makalabas ngunit hinarangan ito ng mga nakaitim na lalaki.

Bullshit! Bakit ayaw nila palabasin ang mga estudyante, anong binabalak nila! Nang makatayo na ako ay napalingon ako sa stage at halos manlambot ang tuhod ko sa aking nakita.

Hindi ako makagalaw sa aking pwesto, hindi ko alam ang gagawin. Nanlaki ang mata ko at mabilis na tumakbo palapit sa stage. Hindi maaari, bakit siya nakahandusay sa malamig na simento. Habang palapit ako nang palapit ay ang pagbilis ng tibok ng aking puso.

“Caleb! Gumising ka!” inalog-alog ko siya. Dahan-dahan niya namang iminulat ang kanyang mga mata at nagawa niya pa akong ngitian. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapaluha, bakit kailangan pang masaktan ang mga mahal ko sa buhay.  Nanginginig ang kamay kong tinakpan ang tiyan niyang patuloy na umaagos ang dugo. Halos namumutla na rin ang mukha nito.

Ilang sandali lang rin ay nakalapit na sila Aliah sa pwesto namin. Tinulungan na rin nila ako para mapigilan ang pagdudugo ng tiyan niya na may tama ng baril.

“Tumawag kayo ng ambulansya.” malamig na saad ko, hindi ko mapigilan na magalit. Hindi ako makakapayag na may mawala na mga mahal ko sa buhay.

Nakita ko rin sa di-kalayuan si Aldron Legaspi na nakatulala lang sa pwesto kung nasaan si Caleb. Kasalanan niya ang lahat ng ito. Dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa gawi nito, hindi man lang niya ako nagawang lingunin. Nanginginig ang kamay kong kinuwelyuhan siya, dumating lang siya dito ay may nangyari ng masama.

“Kasalanan mo ang lahat ng ito.” sobrang galit talaga ang nararamdaman ko ngayon. Bigla ko naman naluwagan ang pagkakahawak ko sa kanya ng bigla itong lumuha sa aking harapan.

Bakit siya umiiyak? Binalak naman niya talaga ito!

“Bitawan mo siya!” napalingon naman ako sa bagong dating. So, to the rescue agad ang anak niya. Napangisi na lang ako at marahas na binatawan si Aldron. Tinignan ko naman si Tyronne na walang emosyon, nangungusap naman ang mga mata nito na hindi ko na ginawa pang intindihin. Parehas lang sila ng ama niya, baka nga planado nila ito.

Nang dumating ang mga rescuer ay agad kinuha si Caleb at inilagay sa stretcher. Agad naman akong sumunod sakanila upang sumama sa hospital. Hindi ako matatamik kung hindi ko masisigurong ligtas si Caleb. Nagpaiwan naman sila Aliah upang makapag- imbestiga sa nangyaring insidente.

Hindi ko mapapatawad si Aldron Legaspi kapag may nangyaring masama kay Caleb.









Itutuloy...
-----

Anong say niyo? Hahaha Buhayin pa ba natin si Caleb o huwag na?

Comment down below.

Happy reading!

Don't forget to vote and comment.

Ms. Officer on Dutyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن