Chapter 23

1.4K 50 2
                                    

Chapter 23: Heartbeat

A/N: Buong chapter na ito ay POV ni Aliah. Balak ko gawan ng story si Aliah hehehe support niyo rin ha! Lovelotssss

Aliah's POV

Buong biyahe namin sa paghahanap kay Alexis ay sobrang ingay nila Storm at Awa, walang ginawa kundi magbangayan. Nang tumahimik din sila ay nakatulog na ako ng matiwasay.

Nagulat na lang ako nang magising ako nasa tapat kami ng isang kainan. Napakunot ang noo ko ng maunang bumaba  ng sasakyan si Travis.

Talaga bang gutom na siya? Aishhh! Ang pinunta namin dito ay para hanapin ang kaibigan ko. WTF!

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumabas na ng sasakyan.

“Bakit tayo nandito sa Jollibee?” hindi mawala ang nakakunot kong mga noo. Hindi ko alam, pero naiinis ako sa lalaking 'to!

Lalo pa akong nainis nang ngitian niya lang ako. Aba! Bastos talaga 'to, tinatanong ayaw sumagot! Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapamura. “What the f*ck!” talaga bang uunahin niya ang gutom niya kaysa iligtas ang kaibigan ko.

Nilingon niya ako at pinanungkitan ng mga mata. Halata rin sa kanya na naiinis na siya sa mga kilos ko. Hell no! Hindi ako natatakot sa kanya.

“Gutom ka na ba talaga ha? Ang alam ko hahanapin natin si Alexis tapos ikaw gusto mo lang kumain. Ano ba talaga nag-aalala ka ba----” sabihin niyo na ang OA ko magreact pero sobra talaga ang nararamdaman kong pag-aalala sa kaibigan ko.

“Tumigil ka nga,”

Hindi naman agad ako nakagalaw dahil sa gulat. Lintek! Bakit niya ko hinalikan? Siraulo ba siya! Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko at hindi ko siya magawang itulak. Ano nangyari sa sarili ko bakit hindi ako makagalaw.

Nang ihiwalay niya na ang kanyang labi ay napayuko ako at napahawak sa aking pisnge. Siguradong namumula na ang aking pisngi. Nakakahiya!

“What the f*ck!” ito na lang ang tanging salita sa aking bibig. Nang mahimasmasan ako ay nagmadali akong pumasok sa loob ng Jollibee at marahas ko siyang tinabig para umalis sa daraanan ko.

Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinikilig ata ako.

Napangiti na lang ako at nagtungo sa washroom upang maghilamos ng mukha. Mukhang kailangan ko kasi para mawala ang pamumula ng aking mukha.

Nang tumapat ako sa salamin nakita ko ang sobrang pamumula ng aking mukha. Napangiti na lang ako at hinilamusan ang aking mukha. Tumambay muna ako sandali sa banyo dahil kinakabahan akong harapin siya. I should act normal in front of him. Hindi ko dapat ipakitang kinikilig ako.

Palabas na sana ako ng washroom ng makarinig ako ng pamilyar na boses. Agad ko hinanap ang pinanggalingan nito. Napako na lang ako sa kinaroroonan ko, hindi ko kayang gumalaw. Napahawak na lang ako sa isang upuan dahil sobrang nanghihina ang tuhod ko.

Bakit ang sakit! Bakit ngayon pa!

Hindi ko napansin na tumutulo na pala yung mga luha ko. Napailing na lang ako at pinahid ang mga luhang naglalandas sa aking pisngi. Napangiti na lang ako ng mapait at lumakad na lang palayo.

“Bakit ka ba kasi umiiyak, Aliah! Baliw ka na!”

Gusto ko munang mapag-isa. Hindi ako dumaan sa main door dahil siguradong makikita ako ng iba pa naming kasamahan. Sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon pero hindi ko alam kung bakit.

Naglakad lang ako nang naglakad at hinayaan ko na lang ang aking sarili kung saan man ako dalhin ng aking mga paa. Tumugil na rin ako sa pag-iyak. Abuh! Mukha na akong tanga ha! Nakakagaan din pala nang pakiramdam ang paglalakad-lakad.

Mabuti na lang may dala akong pera at phone ko kung hindi baka hindi ako makauwi nito mamaya. Nakaramdaman naman ako ng pagkulo ng aking tiyan at saktong nasa tapat ako ng isang coffee shop.

Pagkapasok ko pa lang sa loob naamoy ko na ang aroma ng kape kaya natakam agad ako. Ang dami rin nilang customer dito at mukhang wala akong mauupuan. Halos mag ningning ang mata ko dahil may extra chair pa sa harapan nung lalaking may pulang buhok.

Agad akong umorder ng paborito kong cappuccino at chocolate cappuccino cheesecake. Sobrang sarap kasi talaga ng cappuccino kaya na aadik ako. Ginawa ko na atang comfort food ang cappuccino.

Nang makuha ko ang order ko ay nagmadali akong lumapit sa bakanteng upuan. Ayokong maagawan!

“Ahmm, excuse me... Can I sit here,” ngumiti ako na halos mapunit ang labi. Abu! Dapat maging mabait gutom na ko eh!

Tinitigan lang ako nito at tinanguhan. Balik nanaman siya sa pagbabasa ng libro. Ako naman... Nilantakan ko na yung pagkain sa harapan ko, wala akong pake sa lalaking nasa harap ko. Gutom na gutom na kaya ako.

Tinitigan ko siya at para siyang pamilyar. “Hey! You look familiar.” napanguso pa ako at napaisip.

“Is that a pick up line?” ngumisi siya at tinitigan akong mabuti.

“Of course not! ”napakunot ako ng aking noo ng marinig ko ang pagtawa niya. Ang gwapo niya pala kapag nakangiti.

“By the way, I'm Aliah!” inilahad ko ang aking kamay at malugod niya naman itong tinanggap at hinalikan.

Naramdaman ko naman ang pamumula ng aking pisngi. Ano ba naman 'to! Bakit kailangan niya pang halikan ang kamay ko, pwede naman kamayan niya lang ako ha! Manyak ba 'to?

“Nice to meet you, Aliah! I'm Red Martinez.”





Itutuloy...
----
Naaalala niyo pa ba si Red? Mygashhhh kung hindi niyo naaalala ay isa siya sa mga kaibigan ni Caleb. Next chapter balik tayo sa POV ni Alexis.

Sino gusto niyong ipartner kay Aliah?

Si Travis ba o si Red?

Ms. Officer on DutyWhere stories live. Discover now