Chapter 33

1.2K 32 2
                                    

Chapter 33: Overheard

“Can we talk? Sa rooftop.”

Hindi ako nakakuha ng kahit anong response kay Tyronne ngunit umaasa pa rin ako na pupunta siya.

Natapos ang klase ng hindi man lang sumulpot si Caleb. Napangiti ako ng naisip na baka nasa rooftop na ito.

Nagmadali akong nagtungo sa rooftop para makita kung nandoon nga si Tyronne. Napangiti naman ako ng makakita ng anino sa rooftop.

Lalapitan ko na sana ito ng marinig ko itong magsalita. Hindi ito si Tyronne kaya nagtago muna ako upang mapakinggan ang kanyang mga sasabihin.

“Naayos ko na ang lahat, mabilis na kayong makakapasok.”

Anong ibig niyang sabihin?

Napakunot na lang ang aking noo na mapagtantong pamilyar ang boses nito. Lalabas na sana ako sa aking pinagtataguan ng may biglang humila sa aking braso.

“Anong ginagawa mo dito?” marahas na hinila ako ni Caleb pababa ng rooftop. Pumasok naman kami sa isa sa mga bakanteng room.

Marahas kong tinabig ang kamay niya sa aking braso. Pinaningkitan niya ako ng tingin at parang sinasabing sabihin ko ang dahilan kung bakit ako nasa rooftop.

“Magpapahingin lang,” pagsisinungaling ko.

Napabuntong hininga na lang siya at nagulat ako ng mas lumapit siya sa aking pwesto, kada aatras ako ay siya naman niyang paglapit. Napapikit na lang ako ng maramdaman ko sa likuran ko ang pader.

Nang idilat ko ang aking mata ay hindi agad naka adjust ang aking mga mata sa dilim.

“Bakit mo--” magrereklamo pa lang sana ako ng makarinig ako ng yabag.

“May mga pusa atang nakarinig ng usapan natin. Kailangan ko ata silang iligpit.” malalim ang boses na saad nito.

Tumapat naman siya sa salamin na pintuan at hindi ko alam kung nakita niya ba kami dahil sa malademonyong ngiti sa labi nito. Hindi ko mamukhaan dahil nakatago sa hood ng jacket nito ang kalahati ng mukha nito. Napakapamilyar na mga ngisi nito, siya rin yung lalaking nakita ko  sa hospital nanggulo.

Nilamon naman ako ng galit at bubuksan na sana ang pintuan ng pigilan ako ni Caleb.

“Don't.”

Pinilit ko naman pakalmahin ang aking sarili. Ilang sandali lang din ay umalis na ang lalaki.

Hinarap ko naman si Caleb at tinanong ang mga nais kong malaman.

“Anong alam mo, Caleb?”

Ngumisi siya at muli niya ng binuhay ang ilaw.

“Alam ko? Nasa panganib tayo?” ang cool niya pa rin kahit alam niya na nasa panganib siya. Sino ka ba talaga,Caleb?

“Sino ka ba talaga, Caleb?” hindi ko napansin na nasabi ko ang aking iniisip. Sinuklian niya ang tanong ko ng isang ngisi at ang mga salitang nagpatahimik sa akin.

“Ako dapat ang magtanong sayo niyan, Ryzzy. Sino ka ba talaga?”

“Anong ibig mong sabihin?”

Sumandal siya sa pader at taimtim akong tinitigan na animo'y sinusuri kung magsasabi ako ng katotohanan.

“Base kasi kanina sa reaction mo ay hindi ka man lang natakot sa mga narinig mo.” para naman akong binuhusan ng malamig na tubig.  Nakipagtitigan lang ako sa kanya at siya na ang unang sumuko.

Hindi ko alam na dadating ako sa ganitong sitwasyon at hindi ko alam ang isasagot ko.

“Ow, namumutla ka na, Ryzzy! Dadalhin kita sa clinic.” hindi niya na ako pinagsalita pa at hinila na ako papuntang clinic.

On our way, nakasalubong namin ang mga kaibigan niya pwera na lang doon sa kaibigan niyang may pulang buhok.

“Hey, bro saan punta niyo?” bati nila sa isa't-isa.

Nang mapatingin sa akin si Alex ay agad naman ako nitong binati.

“Hey, Alexis okay ka lang ba? Namumutla ka?”

“Dadalhin ko siya sa clinic. Bakit hindi niyo ata kasama si Red?” pang-uusisa naman nitong si Caleb.

Nakakapagtaka nga na laging magkakasama itong itong tatlo at laging nowhere to be found ang masungit na kulay. Nagkibit balikat na lang ako at hindi na inisip ang pagkawala ni Red.

“Hindi ko alam, bro! Baka nandiyan lang yun sa tabi-tabi.”

Napatango na lang si Caleb at nagpaalam na sa mga kaibigan at muli nanaman akong hinila papuntang clinic.

Nang makarating kami sa clinic ay agad  din siyang nagpaalam na may aasikasuhin. Mabuti na lang talaga at namutla ako at nakalusot sa mga tanong niya kanina.

“Ms. Sta.Ana okay naman ang temperature mo, pwede ka ng bumalik sa klase.” saad ng nurse. Tinanguhan ko na lang siya at nagpaalam.

Agad kong kinuha ang telepono ko at agad na tinawagan ang taong sa tingin ko makatulong sa akin.

Calling Inspector Leonido...

“Hello”

[ “What can I do for you milady?”] bulungisngis pa ito.

Aish! Nahahawa na talaga siya kay Aliah.

“May ipapatrabaho ako sayo.”

[ “Gonna check your email.”]

Ibinaba niya na ang tawag at napangisi na lang ako. Hindi ko hahayaan na hindi ko malaman kung sino ang lalaking iyon.

















Itutuloy...

-----

Hello mga mamsh at paps! Short update lang muna ngayon dahil sabaw ang utak ko ngayon. Bawi ako next update.

Recommend ko lang yung mga bago kong stories “Captivated” another police story and super light lang ng kwento. “Sinner” about 7 deadly sin may mga mapupulot na aral.  “His Sweetest Lie” romance, perstaym Kong magfocus ng romance lang. Support niyooo plithhhh


Ms. Officer on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon