Chapter 15

2.2K 85 3
                                    

Chapter 15: Double Trouble II

Aagawin ko na sana ang baril sa babae kaya lang...

May dumating pang isang babae at marahas na inagaw ang hawak na baril ng aking kaharap. Nagulat din ako sa biglaang pag dating ng isa pang hindi pamilyar na babae.

“Drop your gun or else I will kill you,” malamig na saad nito at mababakasan ang authority sa kanyang pananalita at tindig na kinatakutan ata ng mga babae at agad silang nagsitakbuhan.

Napakunot ang noo ko nang lapitan ako ng babaeng may malalamig na mata. Kakaiba ang presensiya nito at nararamdaman ko ang nag-uumapaw niyang awtoridad katulad ng kay Tyronne.

“Stay away from Tyronne,”mariin nitong saad at agad niya akong tinalikuran.

“Why?Who are you?,” hindi ko maiwasan ang pagtataka. Hindi ko alam kung ano ba ang dahilan nito kung bakit ako niligtas. Higit sa lahat nagtataka ako kung bakit niya ako pinapalayo kay Tyronne. Girlfriend kaya siya ni Tyronne?

“I'm Caitlyn Reycel Monares,” saad nito at halos manlamig ang buo kong katawan nang ibulong niya ang kanyang pangalan. May kakaiba akong nararamdaman sa babaeng 'to!

And I know you a lot, Inspector Valdemor.

Naiwan akong nakatulala. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayong araw. Masiyadong maraming nangyari at hindi ko na alam pa ang gagawin.

Paano nangyari na alam niyang isa aking pulis?

-

Narating ko ang headquarters kahit na sobrang daming gumugulo sa aking isipan. Una, anng halik ni Tyronne, ang kakaibang paaralan at higit sa lahat paano siya nakilala ng babaeng Monares.

Hindi ko alam kung isa ba siyang kalaban o kakampi.

Dirediretso akong pumasok ng headquarters ni hindi ko na nagawang batiin ang aking mga kasamahan dahil sa daming gumugulo sa aking isipan.

Bigla namang humarang sa dadaanan ko si Awa dahil nahalata ata nito ang pagiging seryoso ko. Pinili ko na lang na lampasan ito at magpatuloy patungo sa opisina ni Hepe.

“INSPECTORRRRR!” malakas na sigaw nito kung kaya't napilitan na akong lingunin ito.

Lumapit ako sa kinatatayuan nito at ginawaran siya ng malakas na batok. Kahit kailan talaga nangunguna ito sa kalokohan. Tinignan ko ito ng masama ngunit ginantihan lang siya nito ng matamis na ngiti.

“NAMISS KA NAMIN INSPECTOR!,”aakmang yayakap pa ito  kaya ipinakita ko sa kanya ang aking kamao kaya natigilan ito sa paglapit.

“Sus, alam kong namiss mo rin kami Inspector, ”pangungulit pa nito. “Oh Baka naman si Inspector Leonido lang ang namimiss mo,”ngumisi ito kaya sa inis sinuntok ko ito ng mahina sa kanyang mukha.

Dahil sa kakulitan ng aking mha kasamahan panandalian kong nakalimutan ang mga problema. Namiss ko na rin naman ang makasilamuha sa mga ito. Itinuring ko na kasi ang mga ito na parte na ng kanyang pamilya.

“Tigilan mo ako Awa kung gusto mo pang kaawaan kita.”

“Grabe ka Inspector, Hindi ka pa rin nagbabago walang kupas,” saad nito habang sapo ang kanyang mukha.

Umupo muna sa aking lamesa at nakipagkwentuhan sa aking mga kasama. Agad naman nag-iwasan nang tingin ang mga ito at hindi ko alam ang dahilan.

“Inspector! Ano ka ba ibaba mo yang paa mo at nakapalda ka,”nakatalikod rin ito sa kanyang gawi.

Napatawa naman ako ng malakas. Natutuwa siya sa paggalang na ipinakita ng mga ito. Napatunayan niya talaga na itinuturing siyang prinsesa ng  kanyang mga kasamahan.

Ms. Officer on DutyWhere stories live. Discover now