Chapter 24

1.4K 54 3
                                    

Chapter 24: Welcome Home

Alexis's POV

Nakapikit pa rin ang mga mata ko ngunit alam kong may nangyayaring kaguluhan sa paligid ko, sadyang tinatamad lang ako magmulat ng mga mata. Ang weird nga ng panaginip ko na hinalikan ako ni Tyronne at nandoon din si Travis.

Napamulat ako ng mata at tumambad sa akin ang dalawa na nagsusukatan ng tingin. Napakunot ang noo ko, paano sila napunta dito.

Huwag mong sabihin na... Hinalikan nga ako ni Tyronne. Pakshet! Nakita ba ni Travis na hinalikan ako kaya nagalit siya. Aishhh! Ang assuming ko naman.

"Hoy! Anong ginagawa niyong dalawa dito?" nanlaki ang mata ko habang nanginginig na nakaturo sa kanilang dalawa.

Sabay naman silang lumingon sa gawi ko at nahiya naman ako at ibinaba na ang kamay ko. Pucha! Bakit ganito sila makatingin. Sapakin ko sila.

"Kamusta ka? Ayos ka lang ba?" lumapit sa pwesto ko si Inspector at nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin. Hindi naman ako agad nakagalaw.

Tinignan ko naman si Tyronne at wala siyang ipinapakitang emosyon. Nakita ko na lang ang dahan-dahan niyang pag-alis. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib. Hindi ko napansin na nakayakap din pala ako kay Travis.

"Gusto ko na umwi," mahina kong bulong. Hindi ko alam pero parang nanghihina ako.

Humiwalay na siya sa akin at tinulungan akong tumayo. Pinuntahan na rin namin sila Awa at Storm.

"Hoy! Andito ka lang pala babae!" mahina akong sinuntok ni Storm sa aking balikat. Matipid ko na lang siyang nginitian.

"Nasaan nga pala si Aliah?" hindi ako maaaring magkamali nakita ko siya kanina.

"Nagtext sa akin, mauuna na raw siya may emergency lang daw,"

Napatango na lang ako dahil wala talaga sa sistema ko ang magkwento ng mga nangyari sa akin. Naging tahimik lang kami sa biyahe, wala sakanila ang nagtanong sa nangyari. Kailangan ko talaga ng katahimikan para makapag-isip ng maayos.

Bakit bigla na lang umalis si Aliah? Sino ang mastermind nang pagkidnap sa akin?

"Hayyyy!" hindi ko na napigilan ang mapabuntong hininga.

"Okay ka lang?"

"Nakita ko kanina si Aliah," nakita ko naman sa mga mata niya ang pag-aalala.

Huwag mong sabihin na... may something sa dalawa.

"Saan? Kailan?" halata sa tono ng pananalita nito ang taranta.

"Nung nakayakap ka sa'kin," bigla naman siyang napapreno kaya nagising din yung dalawa.

"Ano ba yan Travis!" pagrereklamo ni Storm.

Napangiti na lang ako sa naging reaction ni Travis sa sinabi ko. Mukhang nawala lang ako ay nahuli na ako sa balita.

"Sorry! Kailangan kong hanapin si Aliah." nagmamadali siyang lumabas ng sasakyan at tumakbo pabalik ng aming pinanggalingan.

"Anong nangyari 'don?" nagtatakang tanong ni Storm. Napangiti na lang ako at lumipat na upang ako na ang mag drive. Aba! Gusto ko na makauwi.

Mabilis kong pinaandar ang sasakyan, nakarinig pa ako ng ilang reklamo ni Storm. Nabigla ata sa mabilis na pagpapaandar ko.

Mabilis lang kaming nakarating sa headquarters at sumalubong agad sa akin si mama. Kung inaakala kong sasalubungin niya ako nang yakap nagkakamali lang ako, sinalubong niya kasi ako nang hampas.

"Peste ka talagang bata ka! Sinasabi ko na nga ba at mapapahamak ka nanaman!" pinaghahampas-hampas niya ako kaya hinarang ko na lang ang aking mga kamay.

Ms. Officer on DutyWhere stories live. Discover now