Chapter 22

1.4K 61 2
                                    

Chapter 22:  Sleeping Beauty

Third Person's POV

“Paano kayo natakasan?”umalingawngaw ang malakas na sigaw ng lalaki sa buong silid.

“Boss kasi nang pumasok ako dito akala ko nakatali pa siya,” nakaluhod ang ilang mga lalaking duguan ang mga mukha habang nakayuko sa harapan ng kanilang leader.

“Mga tanga mayayari tayo kay Big Boss!” napasabunot na lang ito sa kanyang buhok.

Samantalang napadpad naman si Alexis sa isang fast food restaurant at agad na nakaramdam ng gutom. Nalaman niya rin na nasa Rizal siya dahil sa mga karatulang kanyang nakita. Napailing na lang ito dahil medyo may kalayuan ito sa Laguna at wala siyang kahit na anong dala. Maswerte na nga lang siya na may naiwang pera sa kanyang bulsa.

Bago pumasok sa loob ay nag palinga-linga pa ito upang masigurong walang nakasunod sa kanya. Napangiti naman siya nang makitang walang kahina-hinala sa kanyang paligid.

Nang maka-order na siya ng kanyang makakain ay pumwesto siya sa hindi masiyadong matao at nilantakan na ang mga pagkain sa kanyang harapan. Matapos niyang kumain ay nagpahinga lang ang dalaga at hindi niya namalayang nakatulog siya.

Leonido's POV

Napag-alamanan namin ang location ni Inspector Valdemor sa tulong ng suot niyang relo. Patungo na kami ngayon kung nasaan si Alexis at medyo may kalayuan ito  sa Laguna. Apat lang kaming pupunta sa Rizal dahil marami pang inaasikaso sa presinto at nasisiguro kong ligtas si Valdemor.

“Storm, bakit sumama ka pa?” pang-iinis pa ni Awa na hindi naman pinapansin ni Storm. Simula ng umalis kami puro bangayan na nila ang naririnig ko. Kung pwede lang sana na hindi sila sumama ay magiging tahimik ang biyahe.

“Tumahimik ka nga, Awa! Nakakairita na!”pangsabat ng isa pa naming kasama, walang iba kundi si Agent White.

“Tsk,”hindi ko alam pero naiinis ako sa babaeng 'to! Hindi naman ganito ang pakikitungo ko sa ibang babaeng kakilala ko.

“Epal!” sumandal na lang siya at ipinikit ang mga mata. Hindi ko alam pero ang cute niya kapag nagagalit.

Gumaganda siya lalo sa paningin ko kapag magkasalubong ang mga kilay niya. Shit! Pinuri ko ba talaga siya, mababaliw na ata ako! Hindi ko dapat siya isipin, dapat si Alexis lang. Siya naman talaga ang gusto ko.

Itinuon ko na lang ang paningin ko sa daan. Gusto ko nang makita kung maayos ba ang kalagayan ni Alexis. Pero kilala ko siya hindi basta-basta ang babaeng yun. Napangiti na lang ako sa mga naiisip ko, sigurado akong si Alexis nga ang gusto ko. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan. Nakatulog na rin ang mga kasama ko dahil na rin siguro sa biyahe.

Maghintay ka lang Alexis.

Ilang oras din bago kami makarating ng Rizal at palapit na kami nang palapit sa kung nasaan si Alexis. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti, sigurado akong nasa mabuti na itong kalagayan. Nagising na rin ang tatlo at itinigil ko na ang sasakyan.

Lumabas na ako ng sasakyan at sumunod na rin silang tatlo.

“Bakit tayo nandito sa Jollibee?” nakakunot ang noo ni Aliah nang lumabas ng sasakyan. Nginitian ko lang ito at naglakad na patungo sa loob ng Jollibee.

Kaunting hakbang na lang ay makakapasok na ako sa loob ng makaramdam ako ng malakas na pagpukpok sa aking ulo.

“What the f*ck!” inis ko siyang nilingon. Nakakunot pa rin ang noo nito, habang yung dalawa ay nakatayo lang sa likod nito na parang walang pakialam.

“Gutom ka na ba talaga ha? Ang alam ko hahanapin natin si Alexis tapos ikaw gusto mo lang kumain. Ano ba talaga mag-aalala ka ba----” pinutol ko ang pagsasalita niya.

“Tumigil ka nga!”

Nanlaki ang mga mata nito sa gulat. Kahit ako ay nagulat sa ginawa ko.

Hinalikan ko lang naman siya sa labi.

“What the f*ck!” tinabig niya ako at nauna nang pumasok sa loob ng fast food restaurants.

Naiwan naman akong hindi makagalaw sa pwesto ko. What the fuck! Bakit ko yun ginawa. Bumalik lang ako sa sarili ko nang tapikin ako ni Awa sa aking balikat.

“Nice one!” pumasok na rin ito sa loob at naiwan ako kasama si Storm na may ngiti sa mga labi.

Napakamot na lang ako sa aking batok. Putek! Nakakahiya bakit ko ba kasi hinalikan yung Aliah na 'yon!

“Iba ka! Galawan mo pare!” mas lumawak pa ang pag ngisi nito.

“Ano kasi... Ang ingay niya masiyado,” napayuko na lang ako. What a lame reason. Pakshet!

“Tara na nga sa loob,”

Nang makapasok kami agad kong hinanap ang babaeng ipinunta namin dito. Nakita ko si Awa na mag-isa sa table at kumakain. Nasaan na si Aliah?

“Hinahanap mo si Aliah?"pang-uusisa ni Storm at umupo na rin at kumuha ng pagkain.

“Hindi ah! Hinahanap ko si Alexis,” pagdipensa ko. Napansin ko naman ang pagkunot ng noo nilang dalawa kaya napangiti na lang ako. Ipinaliwanag ko naman sa kanila na dito ko nadetect ang location ni Alexis.

“Ano? Akala ko ba nakidnap siya?” gulat na gulat na saad ni Awa.

“Hahanapin ko muna siya!” umalis na ako at nilibot ang paligid. Hindi pa rin bumabalik si Aliah.

Nang narating ko ang medyo hindi mataong lugar dito sa loob ng fast food restaurant ay napangiti ako nang makita ko siyang natutulog. Makalat ang mesa nito at masisiguro mong marami siyang nakain. Napaka payapa niyang tignan habang natutulog.

Lalapitan ko na sana siya nang may lumapit sa kanya na isang lalaki. Pinagmasdan ko ito at hindi ako maaaring magkamali.

Anong ginagawa mo dito Legaspi?

Hinaplos lang nito ang buhok ni Alexis. Anong ibig sabihin nito! Nanatili lang ako sa pwesto ko at binabantayan ang susunod niyang gagawin. Nanlaki ang mga mata ko nang halikan niya si Alexis sa labi. Hindi na ako makapagpigil at nilapitan siya.

“P*ta pare bakit mo siya hinalikan!" kinuwelyuhan ko siya at marahas na itinayo at inilayo kay Alexis.

“Ano ka ba niya?"

Third Person's POV

Pabalik na sana si Aliah sa mga kasamahan nang makarinig siya ng malakas na sigaw. Lumapit siya sa mga ito dahil parang pamilyar ang tinig ng lalaki.

Nakatayo lang siya sa malayo ng makita niya ang kanyang kaibigan kasama ang lalaking kanyang minamahal na magkayakap.

Napangiti na lang ito ng mapait at unti-unti nang tumalikod at umalis. Naninikip ang dibdib nito at hindi na niya napigilan ang mapaluha.

“Bakit ka ba umiiyak, Aliah! Baliw ka na!”

Mabilis siyang tumakbo at lumabas na ng restaurant at hindi na nagpaalam sa mga kasama.


Itutuloy...

-----
Maygashhh kamusta naman? Hahahha
Bakit kaya nandoon si Tyronne? Hindi ko rin alam eh hahaha

Don't forget to vote and comment.

Ms. Officer on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon