Chapter 18

1.9K 67 4
                                    

Chapter 18: Happy

Matapos ang insidenteng pagpapaputok ng baril na naganap sa loob ng academy ay halos lahat ng estudyante ay pinauwi muna para sa kanilang kaligtasan. Tahimik lang kaming tatlo sa loob ng silid at wala gustong magsalita. Nilamon lang kami ng katahimikan dahil sa malalim naming pag-iisip. Binasag ang katahimikan naming tatlo nang makarinig kami ng sunod-sunod na katok. Nagpresinta na lang ako ang magbukas ng pintuan.

Pagkabukas ko ng pintuan ay tumambad sa akin ang dalawang binatang hinihingal pa at nakahawak sa kanilang mga tuhod.

“Anong ginagawa niyo rito?”nanlalaki ang matang turan ko. Hindi kasi ako makapaniwala na nandito sila sa harapan ko.

“Kamusta ka?”sabay pa saad ng dalawa kong kaharap. Napakunot na lang ang aking noo dahil sa kinikilos ng dalawa. Weird.

Nagpalipat-lipat na lang ako nang tingin sa dalawang kaharap hindi ko maunawaan kung bakit masasamang tingin ang ipinupukol sa isa't-isa. Hindi pa rin ako makapaniwala na pupunta ito sa aming silid para mangamusta lang. Kung nakamamatay nga lang ang titig ng mga ito sa isa't-isa ay baka bumulagta na ang isa sakanila.

“Anong ginagawa mo dito?”nakasimangot na saad ni Caleb. Hindi talaga sila in good terms nitong si Tyronne lagi na lang kasi silang nag-aaway.

Inismiran lang siya ni Tyronne at nagpaunang lumapit sa  gawi ko na  agad ko namang kinagulat.

“Ako ang nauna rito kaya umalis ka!”maangas na saad ni Tyronne at tsaka lumapit pa lalo sa'kin.

Naningkit ang aking mga mata sa kakaibang kinikilos nilang dalawa. Nagulat naman ako sa sunod na nangyari, nakatiimbagang  na hinawakan ni Caleb ang balikat ni Tyronne. Nararamdaman ko na talaga ang tension between them. Ibang klase kasi ang mga tingin nila sa isa't-isa.

“Don't ever put your dirty hands on me,” may awtoridad na saad ni Tyronne.

Hindi naman nagpaawat si Caleb at mas diniinan pa ang pagkakahawak sa balikat ni Tyronne na mas kinainis nito. Wala ano-ano ay ginawaran ng suntok ni Tyronne si Caleb, nang makabawi ang isa ay gumanti rin ito ng suntok.

Nataranta namang akong umawat  at pumagitna sa dalawang binata. Aba! Hindi ko alam na aabot pala sila sa suntukan. Pucha! Nakakastress ang mga tao at mga pangyayari. Magsusuntukan pa sana ang dalawa kaya hindi ko na napigilan ang mapasigaw. Napalabas din tuloy ang mga kasama ko sa kwarto na may mga nagdududang mukha. Halata sa mga reaksyon nila ang pagtataka.

“TAMA NA!”

“Anong nangyayari dito?” tinatamad na saad ni Storm na may pagtataka sa kaniyang mukha.

“Ewan ko sa mga 'yan,”saad ko at tinuro ang dalawa at tsaka pumasok na lang sa aking silid. Nakakainis talaga dadagdag pa sa mga problema ko.

Iniwan ko silang dalawa na hindi pa rin natigil sa pagpapalitan ng death glare sa isa't-isa parang mga bata kung umasta.

Narinig ko naman lahat nang sinabi nung dalawa kong kaibigan. Halata rin sa tono ng boses nila ang pagkairita sa dalawa yon! Aba! Hindi pa rin kami maka move on sa nangyari kanina, tapos eto sila magsusuntukan sa harap ko.

“Oh! Bakit hindi ba kayo umaalis?” saad ni Storm.

“Next time na lang kayo manligaw sa kaibigan namin,” mababakasan sa boses nito ang pang-aasar. Tsk! Nakuha pa talagang mang-asar. Asa naman na ligawan ako ng dalawang 'yan! No freaking way!

“I'm not courting her,” seryosong saad ni Caleb. Oh sabi ko na eh walang chance na magkagusto 'yang mga lalaking 'yan sa'kin.

“Tsk!” pagrereact pa ni Tyronne.

Naranig ko na lang ang pagsara ng pintuan. Nangapasok na ang dalawa sa loob ay nakapaskil sa kanilang mga mukha ang mga ngiting nakakaasar. Napairap na lang ako sa dalawa at humiga na lang para makapag-pahinga.

“VALDEMOR!”malakas na sigaw ni Aliah na nangibabaw sa loob ng aming silid.

Napabalikwas na lang ako nang bangon dahil sa gulat sa pagsigaw ng babaeng 'to. Sinamangutan ko naman ang dalawa dahil gusto ko na makapag-pahinga. Samantalang may kakaibang ngiti sa mga labi ng dalawa.

“What?”

“Ikaw ha! May mga manliligaw ka pala dito. Totoo ba?”nanunuksong saad ni Aliah habang tinusok-tusok ang tagiliran aking tagiliran. Marahas kong tinapik ang kamay niyang patuloy sa pagtusok sa aking tagiliran.

“Wala akong manliligaw,”tinatamad kong saad.

Akala ko tatantanan na nila ako dahil sinagot ko na ang kanilang tanong, pero eto sila ginigitgit ako at walang tigil sa pangungulit.

“Sus, ayaw pa umamin.”pang segunda naman ni Storm.

“Can you please shut up?I'm not in the mood,”napasimangot ako dahil totoo naman na hindi ako nililigawan nung dalawa.

Naiinis na talaga ako dahil ayaw pa rin nilang maniwala na nagsasabi ako ng katotohanan. Napapaisip na lang din ako kung bakit ganoon na lang ang naging kilos ng dalawang 'yun! Una hinalikan ako ni Tyronne tapos si Caleb mas nagiging sweet sa akin lately. Ano bang sapak nila!

Napamura na lang ang ako nang makaramdam ako ng malakas na pagbatok ni Storm. Gaganti pa sana ako nang bigla na lang itong umalis sa aking tabi.

Sumagi naman sa aking mata ang throw pillow at napangisi na lamang sa aking naisip. Mabilis kong kinuha ang unan at ibinato ito kay Storm. Sapul sa ulo ang isa kaya kumuha rin ito ng unan at ibinato sa akin na mabilis ko lang naman na naiwasan. Natawa naman ako ng makitang tinamaan ng unan sa mukha si Aliah. Napapeace sign na lang si Storm.

Sumama naman ang mukha ni Aliah at kumuha nang isa pang unan para ihampas sa aming dalawa. Nabalot ng tawanan at sigawan naming tatlo ang buong kwarto. Panandaliaan muna naming kinalimutan ang mabigat na misyong nakaatang sa aming mga balikat. Feeling ko tuloy para lang kaming mga normal na dalaga na ang problema lang ay pagpapaganda.

Sa sandaling iyon ay alam kong tunay na saya ang kanilang nararamdaman. Minsan lang nila ito nagawa kaya siguradong naging masaya ang bawat sandali. Hindi muna namin iniisip ang mga problemang  kakaharapin at nagbabadiya anumang oras. Sa oras na iyon ang nais lang namin ay maging isang normal na babae at magsaya.

Itutuloy...
------
Sino bet niyo Caleb o Tyronne?

Vote and comment.

Ms. Officer on DutyWhere stories live. Discover now