Chapter 9

2.1K 143 2
                                    

Chapter 9: Visitor

Halos isang linggo na hindi pumapasok si Tyronne. Hindi ko naman matanong sila Caleb dahil baka pagdudahan ako ng mga ito. Sa mga nakalipas na araw walang namang kakaibang nangyari sa pananatili ko sa paaralan. Wala naman na akong natanggap na mga death threats at kung ano-anu pa. Mas naging malapit na rin kami ni Caleb at nung mga kaibigan nila pwera na lang kay Boy Pula. Sinusungitan niya pa rin kasi ako hanggang ngayon.

Hindi naman ako nahirapan makisabay sa mga batang ito hindi naman nagkakalayo ang mga edad namin. Twenty-three years old pa lang naman ako, sila naman ay mga 19 years old na.

Nandito lang kami ngayon nakatambay lang sa loob ng classroom. Wala kasi yung teacher namin sa isang subject kaya ito nakatunganga lang kami habang naghihintay nang  break time.

Nagugutom na nga ako eh. Ayaw pa kami palabasin nung class president namin, baka raw may mangyaring masama sa amin.

"Hey, are you hungry?"tanong sa akin ni Rio nagkamot pa siya sa kaniyang batok.

"Oo, ikaw din ba?"hinawakan ko pa ang tiyan kong kumukulo na.

"Oo, gutom na ko kanina pa."nagpout pa ito.

Sa kanilang lahat ito ang pinaka close ko kasi ang kulit niya at ang saya niya kasama. Ang pinaka hate ko naman ay yung si Pula ang sama ng ugali. Yung isa naman sobrang tahimik.

Ringggggg! Ringggggg!

Tumayo agad ako ng marinig ko ang pagtunog nang bell. Nakangiti kong inayos ang mga gamit ko at nagmadali na palabas nang classroom. Napatigil naman ako ng may tumawag sa pangalan ko.

"Ryzzy, sabay ka samin maglunch ha."wika ni Caleb habang nakangiti nang malapad.

Hindi na ako sumabay sa kanila palabas ng room para iwas hassle. Ang tagal kasi ng mga mokong at ayokong makarinig nang masamang komento sa mga fangirls nila. Dumiretso na agad ako sa cafeteria at umupo na rin ako sa kadalasan naming pinupwestuhan.

Ayun pa rin yung mga tinginan ng ibang mga estudyante hindi na ata yun maiwasan, halos nasanay na rin ako sakanila. Wala naman nang nagtataray sakin .Subukan lang nila!

Pagka-upo ko sa table namin may kakaiba akong naramdaman. Parang may nagmamasid sa mga kilos ko. Hindi lang ito simpleng tingin nang mga nag-aaral dito, may kakaiba akong nararamdaman. Nangangamoy panganib.

Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng cafeteria ngunit wala naman akong napansing kahina-hinalang tao. Tinignan ko naman ang bintana. Naningkit naman ang mata ko ng makita ang isang lalaking nakamasid sa may bintana. Pamilyar ang ngisi nito, nasisiguro ko siya rin yung lalaking nakita ko sa hospital.

Agad akong tumayo para sana lapitan ang lalaking nagtatago sa likod ng kaniyang suot na hoody. Lalapitan ko na sana siya ng may biglang pumigil sa aking mga braso.

Nilingon ko naman ito at nakita ko ang mukha ni Caleb na nagdududa sa aking pagkilos.

"Saan ka pupunta?"wika nito.

"Ha?" hindi ko maiwasang mainis sa biglaang pagdating ni Caleb. Napaka wrong timing naman talaga.

Tumingin ulit ako sa gawi ng bintana at ganun na lang ang pagkadismaya ko ngakita na wala na ang lalaking hinahanap ko.

Napabaling naman ako kay Caleb nang magsalita itong muli.

"I said, where are you going?"may pagkaseryoso na nitong saad.

"Oorder na! Ikaw talaga,"pinilit kong maging masaya ang tono ng aking pananalita.

"But,---"pinutol ko ng ang sasabihin niya baka mabuking pa ako.

"Mamiss mo agad ako diyan lang ako sa counter oh," saad ko at tinapik siya sa kaniyang balikat.

"Ayiiieee,"panunukso ng dalawa niyang kaibigan at yung si pula naka-upo na at
hindi kami pinansin.

Namula naman siya at ang cute niyang tignan. Ginulo ko ang kaniyang buhok at nagtungo na sa counter para umorder nang aming kakainin. Naramdaman ko na talaga ang gutom.

Habang naglalakad ako papalapit sa counter hindi pa rin nawala sa isip ko ang ngiti ng unexpected visitor namin dito sa school. Alam kong ako ang pakay nila. Kung hindi ako? Maaaring si Caleb. Kailangan ko nang kumilos para maprotektahan ang binata.

Pasimple kong kinapa ang nakatagong pistol sa ilalim ng aking palda. Hindi ako pwedeng pakampante lang dahil mukhang bigatin ang aking makakalaban.

Hindi ako papayag na maisahan ako ng mga tulad nilang kriminal. Mamamatay muna ako bago nila masaktan ang isa sa pamilya ko o maski man ng mga estudyante dito .

Huwag lang silang muling magkamali na kantiin ang pamilya ko o ng mga binatilyong ito kundi makikita nila ang tunay na Alexis Ryzzy Valdemor.

Kung hindi sila basta-bastang tao, hindi rin ako basta-bastang pulis. Kung akala nilang pipitsuging pulis ang kanilang kinakalaban nagkakamali sila. Pero kailangan ko pa ring mag-ingat sa lahat ng galaw ko. Hindi ko pa alam baka nasa paligid lang ang aking mga kalaban.

Nagbalik lang ako sa realidad sa sigaw nung tindera.

"Hoy! Neng bibili ka ba? Nakatulala ka pa diyan!"malakas na sigaw nitong na halos tumalsik na sa mukha ko yung kanyang laway.

Nginitian ko lang siya ng tipid na sinuklian niya naman ng irap. Akala mo naman maganda. Napairap na lang din ako at umorder na ng pagkain para sa aming lima.

Nang makuha ko na yung mga inorder ko bumalik na ko sa table kung nasaan yung mga kaibigan kong binatilyo.

Bago pa man ako makalapit narinig ko na seryoso silang nag-uusap. Mukhang hindi nila napansin ang presensiya ko.

"May nakapasok na uninvited visitor sa teritoryo natin," wika ni Rio

"Paano siya nakapasok?" nagtatakang saad ni boy Pula.

" Impossible,"hindi naman makapaniwalang saad ni Xander

"Kailangan natin mag-ingat,"seryosong saad ni Caleb at mababakasan dito ang awtoridad.

Nakinig lang ako sa usapan nila at matapos ay nag-intay lang ako ng ilang minuto bago tuluyang lumapit.

"Hello, oh bakit ata ang tahimik niyo?"nagpaka jolly ako para hindi nila mahalatang narinig ko ang kanilang pinag-uusapan.

"Wala kasing mapag-usapan,"nagpout pa si Rio ,balik nanaman siya sa pagiging makulit.

"Tsk,"pagrereact naman ni Pula

"Wow! Pagkain libre mo ba yan sa amin?” sabi naman ni Xander na isip bata.

Nagkatinginan na lang kami ni Caleb at parehas na lang kaming napa-iling sa mga reaction nang kanyang mga kaibigan.

Kumain lang kami nang tahimik at patuloy ko lang inisip ang lahat nang aking narinig at aking nakita.

Bigla ko naman naisip ang kalagayan ni Tyronne.
Kamusta na rin kaya si Tyronne? Siguro may transaction siyang illegal na ginagawa.

Hindi ko alam pero mas naging alerto ako ngayon sa paligid. Ngayon pa na alam ko ng may nalalaman din itong mga kasama ko mas kailangan kong mag-ingat.

Mukhang mapapasabak ako ngayon. Nakaramdam naman ako nang excitement, at the same time kaba sa mga maaaring mangyari.







-------

Enjoy Reading!

Don't forget to vote and comment.


Ms. Officer on DutyOnde as histórias ganham vida. Descobre agora