Chapter 25

1.4K 47 1
                                    

A/N: Ang mga susunod na chapter ay puro POV na ni Alexis. Puro moment niya muna hahah huwag kayo magsasawa kay Alexis ha. Basahin niyo nga rin pala yung bago kong story entitled “Ateng Hugotera” hindi ko pa sure kung papalitan ko ba yung title. Comment nga kayo ng maganda title.

Chapter 25: Love Advice

Nang makabalik ako ay sinalubong ako ng tamabak na problema. Nakakainis nga at nakuha nila ang paborito kong phone, buti na lang nagawan ni Travis ng paraan para madeactivate ito. Nakakapagtaka nga noong dumating si Travis sa headquarters ay sobrang sama ng aura niya, parang sasapakin niya kung sinong haharang sa kanyang daan. Sobrang salubong ang mga kilay niya at hindi ako sanay na ganito siya.

“Inspector nasaan nga pala si Aliah?” hindi ko mapigilan na itanong dahil dumating na lang siya dito at hindi kasama si Aliah. Bumalik nga siya para sunduin ito pero hindi sila magkasamang umuwi. Hindi niya kaya nahanap si Aliah. Aish! Hindi talaga ako matatamik nito.

Ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi niya pa rin sinasagot ang tanong ko at nakatutok lang ang tingin niya sa monitor ng kanyang computer. Nakakainis naman 'tong si Inspector, nice talking ang loko!

“Hoy!”

“What?”

Nagitla naman ako ng bigla niya akong sigawan. Ano bang problema niya ha! Pinanungkitan ko siya ng mata at tinaasan ng kilay. Kilala ko siya hindi siya umaakto ng ganito pwera na lang kung galit siya o may problema.

“Anong problema mo?” hindi ko napigilan na mainis. Abuh! Nagtatanong ako ng maayos at hindi siya sinisigawan.

“I think, I'm in love!”

Napanganga naman ako sa sinabi niya, so may gusto siya sa best friend ko. Napangiti naman ako ng malawak.

“But, I should stop!” nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Nakakabigla talaga na ganitong topic ang usapan namin.

“I'm not good in comforting, pero sige magkwento ka I'll listen.”

Napabuntong hininga naman ito at yumuko. Lumambot na rin ang ekspresyon ng mukha nito at nakikita ko na ang kilala kong Travis.

“Hindi ko alam kung paano ito nagsimula, pero nagising na lang ako na siya ang tinitibok nito...” sabay turo niya sa puso niya. Abuh! Madrama rin pala itong si Inspector.

“I'm afraid of committing myself!”

Nakikinig lang ako sa lahat nang sinasabi niya at hindi ko mapigilan ang mapangiti. Ang swerte ni Aliah dito kay Travis, siguradong mahal niya na nga ang kaibigan ko. Wala man akong experience sa ganitong bagay, ang mapapayo ko na lang ay kung anong alam kong tama.

“Travis, you can't stop the feelings you have for someone. Falling in love to someone is like a rain... It's unpredictable and no one can't stop it.”

”I'm afraid of being the only one that falls. While the other one will pretend.”

“Life is to short, Travis! You will never know if you never try.”

Tinapik ko na lang siya sa balikat at umalis na, sana naman nagising na siya sa mga sinabi ko. Abuh! Babatukan ko na talaga siya kapag hindi pa siya kumilos. Masaya talaga ako para sakanilang dalawa, napapansin ko rin naman na gusto nila ang isa't-isa. Hindi naman ako bulag para hindi makita ang kakaiba nilang tingin sa isa't-isa. Sigurado na rin akong wala akong nararamdaman para kay Travis. Simpleng pagka-crush lang pala 'yon!

Lumabas muna ako ng headquarters para makapag-pahangin. Nakita ko naman sa parking lot ang motor ko kaya may magandang ideya ang pumasok sa aking isipan.

Nang makasakay ako dito ay mabilis ko itong pinaandar. Plano ko lang naman magmaneho hanggang maubusan ako ng gasolina. Gusto ko lang muna na mapag-isa upang makapag-isip ng maayos.

“Aishhh! Bakit ang bilis ata maubos ng gas ko!” napatingin naman ako sa paligid kung saan ako tumigil.

Naningkit naman ang mata ko nang makita ang malaking karatula. Nanadya ba talaga ang tadhana, bakit dito ako sa tapat ng school tumigil. Aishhh! Itinabi ko na lang ang aking motor at pumasok na sa loob ng campus.

Napailing na lang ako, hindi ko kasi inaasahan na dito ako mapapadpad. Hindi pa sana ako handang harapin ang paaralan na ito, pero wala na akong magagawa nandito na ako eh. Siguro may dahilan kung bakit dito ako napunta.

Napatingin naman ako sa pinakamataas na building sa loob ang engineering building. Naglakad na ako patungo dito, balak ko na lang tumambay sa rooftop para walang makaistorbo sa aking pag-iisip.

Nang marating ko ang rooftop ay marahas kong binuksan ang pintuan. Itong rooftop na lang ata dito sa school ang pinaka tahimik, feeling ko walang panganib ang nakaamba sa akin kapag nasa pinaka tuktok ako.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at dinama ang malamig na hangin na tumatama sa aking balat. Napakasarap sa pakiramdam na wala kang iniisip, yung tahimik lang ang buhay. Pero alam ko sa trabahong aking napili na kailanman ay hindi magiging tahimik ang buhay ko.

“Anong ginagawa mo dito?”

Naidilat ko naman ang mata ko, inilibot ko ang aking tingin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Tyronne na nakasandal sa pader na nasa kabilang dulo. Anong ginagawa niya dito? Kanina pa ba siya nandiyan. Aish! Hindi ko man lang naramdaman ang presensiya niya.

Hindi ko na lang siya pinansin at umupo sa kabilang dulo, malayo naman kami sa isa't-isa kaya't okay lang na magstay ako. Ito na lang kasi ang naisip ko na lugar na tahimik kaso mukhang may nauna sa akin dito. Hindi ko naman siya pwedeng paalisin dahil hindi ko naman pagmamay-ari ang rooftop na'to!

Hindi ko na nga maintindihan ang sarili ko, kapag nandiyan siya at malapit bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na tunghayan ang kanyang pwesto. Nagitla naman ako nang makitang seryoso siyang nakatingin din siya sa gawi ko. Napahawak na lang ako sa aking dibdib dahil kusa na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Nanatili lang kaming nakatitig sa isa't-isa, hindi ko man lang mabasa ang iniisip niya, wala kasi siyang pinapakitang emosyon. Sana kaparehas ng nararamdaman ko ang saiyo. Hindi na ako nakatiis pa at ako na ang nag-iwas ng tingin, parang hinihigop kasi niya ang enerhiya ko.

Bakit ganito ang epekto mo sakin, Tyronne?










Itutuloy...

----
Hindi ako marunong gumawa ng kilig moments eh. Hahaha turuan niyo naman ako! Paano na ang mga team CaLex?

Comment down below and don't forget to vote.

Ms. Officer on DutyWhere stories live. Discover now