Epilogue

3.6K 52 10
                                    

Hindi talaga biro ang napagdaanan ko sa pagpupulis. Maraming pagsubok ang kinakaharap ngunit nandito ako nagbubuwis ng buhay para sa iba.

Nandito kami sa loob ng barko ng hindi alam kung sino ba talaga ang tunay na kalaban.

Napagdesisyunan namin na maghiwalay-hiwalay na upang mapabilis ang aming trabaho. Si Aliah at Storm na ang nagbabantay sa mga dalagita at kami naman ni Caitlyn will inspect the whole area.

Napagpasiyahan naman namin na maghiwalay kami para mas mabilis namin malibot ang buong barko, may kalakihan din kasi ito kaya mahihirapan at matatagalan kami kapag mag kasama.

Isa-isa ko naman tinignan ang bawat kwarto, ngunit tumambad lang sa akin ang bakanteng mga kwarto. Nakakapagtaka nga lang na walang nakabantay sa amin. Wala man lang akong nakasalubong na mga goons. Parang sobrang dali lang sa amin na malibot ang barko.

I decided to check outside and suddenly I stop when I see a familiar back of a person.

What are you doing here Lolo?

Agad kong ibinaba ang aking baril at lumapit kay Lolo ng dahan-dahan. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ako kinakabahan?

Nang nasa likuran na ako nito ay marahan ko itong tinapik sa kaniyang balikat. Nang lingunin niya naman ako ay mababakas sa mga mata nito ang gulat.

Matagal din kaming nagtitigan, at kung kanina mababakas sa mga mata nito ang gulat. Ngunit, ngayon iba't-ibang emosyon ang ipinapapakita ng kaniyang mga mata.

Hindi ko tuloy mapigilan na mag-alala kahit nagtataka ako kung ano ang ginagawa niya rito.

“Anong ginagawa mo dito Lolo?”

Hindi ko na mabasa ang sinasabi ng mga mata niya para hindi ko na kilala ang taong nasa aking harapan. Sana hindi tama ang nasa isip ko, sana hindi siya isa sa sindikato. Hindi ko alam  kung kaya ko siyang patawarin.

He's my role model, I always proud that he's my grandfather. Noong nag-aaral pa nga ako sa Academy lagi kong ipinagyayabang na siya ang Lolo ko. Minsan pa nga napapakamalan kami na mag tatay, kasi kahit na matanda n si Lolo matikas at maganda pa rin ang pangangatawan nito. And, if ever na part nga siya ng sindikato hindi ko alam ang dapat kong gawin.

“Lo, please...Tell me.”

“Alexis, you don't need to know. I have my own reason.” seryosong saad nito.

Para naman akong pinagbaksakan ng mundo. Hindi ako makapaniwala, hindi kasi ganito ang pagkakakilala ko sakaniya.

Pilit naman akong tumawa ng malakas. Iniisip ko na lang na isa ito sa mga biro ni lolo. Pero pilitin ko 'man, ito ang katotohanan na nakipagtulungan siya sa mga sindikato. “Naku, Lo! Huwag ka na nga magjoke.” pinilit ko pang tumawa ng malakas, umaasa ako na makikitawa rin si lolo pero nanatili itong tahimik.

“Wtf! I can't believe you, Lolo! Why?”

Napaurong naman ako sa aking kinatatayuan. Ngayon lang kasi ako sinigawan ni Lolo “You don't need to know, Alexis!”. Hindi ko na talaga siya makilala.

Hindi ko tuloy maiwasan na mapuno ng tanong ang aking isipan. Kilala ko ba talaga siya? Kilala ko nga ba talaga ang Lolo ko? Bakit niya 'to ginagawa? “ 'Yun na nga lo, hindi ko alam. I need you to explain to me, so I can understand why are you doing this.”

Napabuntong hininga na lang ito at animoy lalapit sa akin, mabilis naman akong humakbang palikod. Hindi ko maatim na hawakan siya.

Napatigil na lang ako ng maramdaman ko na ang railings sa aking likuran. Hindi na rin ito nag- attempt na muling lumapit.  Napangiti na lang ito at napatango-tango.

Ms. Officer on DutyWhere stories live. Discover now