Chapter 30

1.2K 48 1
                                    

Chapter 30: Confused

Hindi pa rin nawawala ang inis ko sa mga pangyayari kahapon. Dumating lang yung Demonnese na 'yon, hindi niya na ako pinansin! Nakakainis!

Naglalakad lang ako sa corridor papuntang classroom ng makita ko sa 'di kalayuan si Demonnese. Aish! Mukhang masisira na ata agad ang araw ko. Pinili ko na lang ang huwag siyang pansinin at huwag magpaapekto sa kaniyang presensiya.

Nalampasan ko na siya ng bigla niya namang kabigin ang aking braso dahilan upang mapatigil ako sa paglalakad. Naramdaman ko pa ang pagbaon ng kaniyang mga kuko sa aking balat. Mariin kong ipinikit ang aking mata, pilit na pinapakalma ang aking sarili.

Tinitigan ko ang kamay niyang nakahawak sa aking braso ngunit hindi siya natinag at mas diniinan pa ang pagkakahawak sa aking braso. Marahas kong tinabig ang kanyang kamay na siyang dahilan ng kaniyang pagkatumba.

Napakunot ang noo ko ng makita ko siyang nakasalampak sa sahig. Hindi naman gaanong malakas ang pagtabig ko sa kanya para matumba siya. Nang tumingin siya sa akin ay nakita ko ang kakaibang ngisi sa kaniyang mga labi.

Nakaramdam na lang ako ng pagtabig sa akin kaya napaurong ako sa aking pwesto. Halos matuod ako sa aking pwesto ng makita kung sino ang siyang tumulak sa akin.

"Ano bang ginagawa mo?" malakas na sigaw niya at agad dinaluhan si Demonnese na nakahandusay pa sa sahig.

Hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon sa mga taong nasa aking harapan. Tinitigan ko lang kung paano sila nag-usap.

"Sobrang sakit ng ankle ko," maarteng saad ni Demonnese at hindi mawala sa kanyang mga labi ang ngisi. Pinaningkitan ko siya ng mata, hindi ko alam kung bakit parang sinasadiya niya lahat ng ito.

"Kaya mo bang maglakad?" mahinahong saad ng taong inaakala kong kilala ko na. Umiling naman agad si Demonnese kung kaya't agad siyang binuhat nito.

Nawala na sila sa aking harapan, samantalang naiwan na lang akong nakatulala. Napailing na lang ako ng naramdaman ko ang pamamasa ng aking pisngi.

Agad kong pinunasan ang aking pisngi at walang emosyon na umalis. Hindi dapat ako magpakita ng kahinaan sa ibang tao.

Mabilis akong naglakad at dinala naman ako ng aking mga paa sa rooftop. Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid at hindi ko maiwasan na makaramdam ng lungkot.

Inaasahan ko na siya makikita dito, pero bakit may parte ng pagkatao ko na umaasa na nandito lang siya sa isang sulok ng rooftop. Pero ito ako ngayon nag-iisa sa rooftop. Ilang minuto rin akong nag stay at nag-isip habang nasa rooftop may maliit kasing porsyento sa akin na umaasa na dadating siya. Napabuntong hininga na lang ako at dahan-dahang hinakbang ang aking mga paa paalis ng rooftop.

Nawalan na rin ako ng gana na umattend ng aking mga klase. Napagpasiyahan ko na lang na lumabas ng school para makapag lakad-lakad. Agad akong nagtungo sa likurang bahagi ng paaralan at napangiti naman ako ng makitang madaling akyatin ang bakod. Lumingon-lingon muna ako sa paligid at ng masiguradong walang makakakita sa akin ay mabilis kong inakyat ang bakod.

Medyo may kataasan ito pero nakayanan ko naman itong talunin at maganda naman ang naging pagbagsak ko. Napangiti na lang ako sa mga kalokohan kong ginawa. Naalala ko tuloy noong nag-aaral pa ako sa high school ay madalas akong magcutting.

"Bakit ka naman diyan pa dumaan, Ryzzy," nagitla naman ako ng may sumulpot sa aking harapan. Halos umangat lahat ng dugo ko sa aking mukha. Pinipigilan naman ng taong nasa aking harapan ang kanyang tawa.

Napakamot na lang ako sa aking batok dahil sa sobrang hiya. Napatawa na lang siya ng malakas at tinapik ako sa aking braso.

"Ano kasi... Huwag kang maingay Alexander ha! Wala kasi ako sa mood umattend ng class today," pag-amin ko naman na mas lalo niya pang ikinatawa.

"Oo naman! Malakas ka sakin eh!" nginitian naman niya ako kaya gumaan na ang pakiramdam ko.

"Salamat, Alexander!" hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na yakapin siya sa tuwa. Napatawa lang ulit siya at napagtanto ko na mali ang ginawa kong pagyakap sa kanya.

"Where are you going?"pang-uusisa naman nito.

"Ano kasi..." ininguso ko ang aking tiyan at napangiti na lamang ito.

"Tara! Samahan na kita," hinila niya na ako at nagtungo kami sa pinaka malapit na kainan.

Sobrang nahiya talaga ako kay Alexander dahil siya lahat ang nagbayad ng kinain namin. Medyo naparami pa nga ako ng kain dahil hindi ako nakapag-almusal kaya for sure medyo malaki ang kanyang nagastos.

"Salamat talaga, Alexander! Babawi ako next time sayo,"

"Promise?"

"Promise."

Lahat talaga ng may mga pangalang Alex ay sobrang mababait. Mabuti na lang pala at nakita ako ni Alexander dahil siguradong magugutom ako, nakalimutan ko kasi yung pera ko sa dormitory. Minsan kasi pumapasok akong walang dalang bag.

-----

Alexander's POV

While I'm riding my car, nakita ko ang isang babaeng nag oover the bakod sa likod ng school namin. Agad naman akong bumaba sa aking sasakyan ng makilala ko kung sino ito. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti.

Hindi ko sigurado pero parang may nararamdaman na ako para kay Ryzzy kahit na alam kong gusto rin siya ni Caleb. Hindi ko na kasi kayang pigilan pa ang sarili ko na magkagusto sa kanya lalong-lalo na ng magkaroon ako ng chance na makausap siya ng solo.

Nakangiti akong lumapit sa kanya ng tuluyan na siyang makababa. Kakaiba talaga siya sa lahat ng babaeng aking kilala.

"Bakit ka naman diyan pa dumaan, Ryzzy," nagitla naman siya ng makita ako. Siguradong nagulat siya na may nakasaksi sa kanyang pagkacutting classes.

Napangiti na lang ako ng mapansin na namumula ang kanyang pisngi. Sobrang ganda niya talaga kahit napaka simple niya lang babae. Hindi siya naglalagay ng kahit anong makeup sa kaniyang mukha.

Napagpasiyahan ko siyang samahan kumain dahil ito na rin yung chance para makasama ko siya ng solo. Ito na rin yung chance para mas makilala ko pa siya.

Nang kumain nga kami ay sobra niyang cute dahil ang dami niyang iniimbak na pagkain sa kaniyang bibig. Halos lumobo na nga ang kanyang pisngi ay nagawa niya pa rin ang magsalita nang magsalita.

Siya yung tipo ng babaeng walang arte sa katawan kaya madali lang siyang magustuhan.

Hindi ko inaasahan na magkakagusto ako sa babaeng nagugustuhan din ng aking kaibigan.













Itutuloy...

------

Oopss! Sorry natagalan sa pag update sobrang busy lang sa school. Paki support po nung bago kong story entitled " His Sweetest Lie".

Vote. Comment. Kindly promote this story. Thank you!

Ms. Officer on DutyМесто, где живут истории. Откройте их для себя