Chapter 28

1.2K 49 1
                                    

Chapter 28: Investigation

Itinigil ko ang aking motor sa tapat ng isang maliit na coffee shop, medyo malapit lang din sa hospital kung nasaan si Caleb.

Nang makapasok ako sa loob agad ko naman nakita ang tatlo kong kasamahan. Hindi pa man ako nakakalapit ay nararamdaman ko na ang bigat ng kanilang pinag-uusapan.

Dahan-dahan ako lumapit sa kanilang pwesto at panandalian silang nanahimik. Nang makaupo ako ay saka ko lang nakita ang ekspresyon ng kanilang mga mukha.

Nasisigurado kong may kinalaman ito sa nangyaring barilan kani-kanina lamang. Hindi ko tuloy maiwasan mag init ang dugo sa tuwing naaalala ko ang nangyari kay Caleb.

“I think you should know this,” nakuha naman agad ang atensyon ko nang magsalita si Aliah. Mahahalata sa mukha nito ang pagtataka at pagdududa.

“Anong nalaman niyo?”

Mabuti na lamang at iilan lang ang customer ng coffee shop na ito kaya malaya kaming nakakapag-usap. Ngunit, kahit gaano man kakonti ang tao dito ay kailangan pa rin naming maingat sa aming mga kilos.

“Ms. Veronica Santiago,” napakunot naman ako ng noo. Nang marinig ko ang pangalan  ng taong humingi nang tulong sa akin para protektahan ang kanyang anak ay maraming tanong ang pumasok sa aking isipan.

Anong ginagawa niya sa lugar kung saan naganap ang barilan. Anong kinalaman ng nanay ni Caleb sa nangyaring barilan kani-kanina lang.

Ayaw ko man mag-isip ng masama, ngunit may posibilidad na may kinalaman siya sa nangyaring insidente. Bumalik lang ako sa realidad ng marinig ko ang mga sinabi ni Storm.

“Kung may kinalaman man siya, hindi niya hahayaang masaktan ang sarili niyang anak.”

May punto nga naman si Storm sa kanyang tinuran. Still, nakapagdududa pa rin ang bigalaan niyang pagsulpot sa pinangyarihan ng krimen. Nakakapagduda rin ang biglaang pagdating ni Aldron sa school.

“Awa, bantayan mo ang kilos ni Veronica Santiago. Aliah at Storm, bantayan niyo ang mga kilos ni Aldron Legaspi. Ako ng bahala kay Tyronne at Caleb. Hangga't maaari mag-iingat kayo,”tumayo na ako upang magawa ko na ang mga plano ko. Hindi pwede mag sayang ng kahit segundo man.

“Mag- iingat ka, Valdemor!” tinanguhan ko na lang ang mga ito at umalis na ng coffee shop.

Habang lulan ako ng aking motor nilamon ako panandalian ng aking mga iniisip. Napangisi na lang ako ng may pumasok na plano sa aking isipan. Hindi ako papayag na hindi ko mahuhuli ang tao sa likod nito.

Itinigil ko ang aking motor sa isang gilid ng marating ko ang nais kong puntahan. Agad akong nagtungo sa rooftop kung saan ko siya laging nakikita. Tama nga ako na dito ko lang siya matatagpuan, sa lugar kung saan nagsimula ang lahat.

Habang palapit ako nang palapit sa kanya ay bumibigat ang dibdib ko at patuloy din ito sa mabilis na pagtibok. Hindi ko na talaga maintindihan ang nararamdaman ko, sa tuwing nalalapit ako sa kanya bumibilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ako makapaniwala na mawawala ang galit ko dahil lang sa nakita ko siya ngayon. Nandito nanaman siya sa rooftop at nag-iisa. Hindi ko maiwasan ang masaktan kapag naiisip kong isa siya sa may kinalaman sa pangyayari kanina.

“Anong ginagawa mo dito?”

Halos hindi ako makagalaw dahil sa lamig ng boses niya, natatakot ako sa maaaring mangyayari. Instead, pinili ko pa rin ang umupo sa kanyang tabi, hindi ko pwedeng isisi ang lahat sa kanya lalong lalo na't wala kaming ebidensya.

Kahit magkalapit lang kami ay feeling ko sobra naming layo sa isa't-isa. Para siyang isang math problems na mahirap isolve. Napangiti na lang ako sa aking naisip, magkasama nga kami ngunit hindi kami makapag-usap.

“Ryzzy”

“Tyronne”

Napalingon naman kami sa isa't-isa at napangiti na lamang. Medyo gumaan na rin ang nararamdaman ko nang makita ko ang kanyang mga ngiti.

Dahan-dahan naman naglaho ang mga ngiti sa kanyang labi at tinuran ang mga salitang siyang nag-alis ng mga ngiti sa aking labi.

“Alam ko na ang lahat, Ryzzy!” tumitig siyang sa aking mga mata na halos nag-palambot sa aking puso.

“What do you mean?” halos hindi ko masabi ng maayos ang mga salitang iyan dahil sa sobrang kabang aking nararamdaman.

Nanatili lang kaming nakatitig sa isa't-isa, wala ni isa sa amin na ninais na umiwas. Ang mga mata na lang namin ang hinayaan naming mag-usap. Hindi kaya nagkakamali lang kami ng hinala sa pamilya ni Tyronne. Paano na lang kung mali kami ng pinagbibintangan.

“Mahal mo ba talaga si Caleb?” seryosong tanong niya at hindi man lang tinanggal ang pagkakatitig sa aking mga mata. Halos manlaki naman ang aking mga mata nang napagtanto ang kanyang mga tinuran.

“Huh? Anong sinasabi mo?” napatayo pa ako dahil sa gulat at inis sa aking mga narinig.

Tumayo rin siya at patuloy ang pagtitig sa aking mga mata. Nakaramdam ako nang hiya dahil sa ginagawa niyang pagtitig.

“Ano ba! Huwag mo nga ko titigan!” ihahakbang ko sana ang aking mga paa patalikod upang makaiwas sa kanyang mga  titig. Ngunit, bago pa ako makalayo ay mas lumapit siya sa aking pwesto. Napalunok na lang ako at napayuko.

“Gusto ko marinig sa bibig mo kung may nararamdaman ka ba kay Caleb?”

Naiangat ko ang aking paningin at agad rin akong napayuko. Aishhh! Wrong move naman dahil sobrang lapit ng mukha niya, naramdaman ko naman ang pamumula ng aking mukha.

Nakakahiya naman kung makikita niyang namumula ang aking pisngi. Nakakainis talaga 'tong lalaki 'to dahil lagi niyang ginugulo ang buo kong sistema.

“Kanino mo naman yan nasagap. Wala akong gusto kay Caleb! Magkaibigan lang talaga kami.” nakahinga naman ako ng maluwag nang masabi ko na lahat ng gusto kong sabihin.

Nagitla naman ako ng naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin. Napangiti na lang ako at dahan-dahan ko rin siyang niyakap. Hindi ko na ata kayang pigilan pa ang nararamdaman ko. Niyakap ko lang siya ng mahigpit.

Hindi pa ako handang sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman, pero sa tamang panahon at kapag handa na ako sasabihin ko ang mga katagang aking nararamdaman. At sana sa pagdating ng panahon na iyon parehas ang itinitibok ng aming mga puso.











Itutuloy...

----------

Oyyyy! Grabe ang Tyronne, I love you na! Charrr baka magalit si Alexis.

Mga kababayan may bago akong published story entitled “His Sweetest Lie” sana basahin niyo rin siya.

Vote and comment.

Ms. Officer on DutyWhere stories live. Discover now