Chapter 32

1.3K 47 3
                                    

Chapter 32: I know your secret

Naging masaya ang araw ko dahil nakasama ko ang pamilya ko. Sa bahay na rin ako nag lunch at sobrang dami kong nakain. Ang dami kasing hinanda ni mama na putahe at halos lahat paborito ko.

Nang magdidilim na ay napagpasiyahan ko na ang bumalik sa dorm. Siguradong nagtataka na si Aliah kung bakit hindi ako pumasok kanina.

Nang marating ko na ang palapag kung nasaan ang aming silid ay napangiti na lang ako sa aking nakita. Nasa labas kasi ng kwarto si Aliah at may bisita. Taimtim silang nag-uusap at nagtatawanan.

Hindi muna ako lumapit sa dalawa dahil ayaw ko naman silang maistorbo. Aalis na muna sana ako ng biglang may sumigaw ng pangalan ko.

“Ryzzyyyyy!”

Aishhh! Badtrip naman panira ng moment itong si Awa!

Napalingon naman ang dalawa pa at sinalubong ako. Feeling ko tuloy pagkakaisahan nila akong tatlo.

“Where have you been?” salubong agad na tanong ni Aliah habang nakataas pa ang kilay nito.

“Ah ano kasi-” sasagot na sana ako ng sumingit naman si Awa at nagtanong.

“Bakit hindi ka pumasok?” nameywang pa ito at umasta na parang galit.

“Ryzzy!” may pagbabanta naman sa tono ng lalaking hindi ko inaasahan na makikita ko dito.

“Bakit ka nga pala nandito, Travis?” pinaningkitan ko ito ng mata at hindi naman nawala sa mata ko ang pamumula ng pisngi nito. May hindi ba ako alam sa pagitan nila ni Aliah.

“Huwag mo ibahin ang usapan! Saan ka galing?” pagsusungit naman ni Aliah na may namumula ring mukha.

“Kumalma nga lang kayo! Bumisita lang ako sa bahay,” tinitigan lang nila ako na parang hindi naniniwala sa naging sagot ko.

“Bahala nga kayo diyan!” Nilampasan ko na silang tatlo at pumasok na sa aming silid.

Tumambad naman sa akin si Storm na busy sa paglilinis ng kaniyang baril. Tinanguhan lang ako nito at patuloy na nilinis ang baril. Binagsak ko ang aking katawan sa malambot na kama. Ipinikit ko lang ang aking mata, sobrang pagod ang katawan ko sa paglalaro ng basketball.

“May kakaiba ka bang napapansin doon sa babaeng transferee?”

Naidilat ko ang aking mata at binalingan nang tingin si Storm na busy pa rin sa kaniyang baril.

“What do you mean?” bukod sa pagiging maarte niya, wala na akong iba pang napapansin.

“Minsan ko nang binantayan ang mga kilos niya, nakakapagduda lang na makita siyang dumaan sa likurang bahagi ng dormitory ng hating gabi. Halos abutin ako ng umaga sa pag-iintay na bumalik ang babaeng yan!” pakukwento niya pa na mas lalong pumukaw sa aking interes.

Naningkit ang aking mga mata. Kailanga ko na nga ata siyang bantayan. Nakakapagduda nga na bigla na lang siyang dumating dito sa paaralan. Agad akong napabangon at hinanda ang aking baril at cellphone.

“Saan ka naman pupunta?” saad ni Storm habang nag-iinat. Humiga na ito at parang pagod na pagod.

“Sa tabi-tabi lang manghuhuli ng daga,” napangisi na lang siya sa aking tinuran.

“Sige mag-ingat ka sa malaking daga,”  ipinikit na nito ang mga mata na naging signal sa akin para umalis.

Nang makalabas ako ay hindi ko na naabutan sila Aliah sa labas, siguro hinatid na rin sa labasan yung bisita niya. Naglakad na ako patungo sa lugar kung saan ako manghuhuli ng daga.

Agad akong umakyat sa isa sa mga puno para mas makita ko ang lugar. Halos mahulog naman ako sa gulat ng biglang may magsalita sa kabilang puno.

“Anong ginagawa mo dito?”

Hindi ko naman maaninag kung sino ang nagsalita dahil sobrang dilim na at hindi inaabot ng sinag ng liwanag ng buwan ang kanyang pwesto.

“Who are you?” hindi ko alam pero hindi ako nakaramdam ng takot o anumang panganib.

“Caitlyn,”maiksi nitong saad.

Umayos na rin ako sa pagkakaupo. Hindi ako sigurado kung kakampi ba siya o kalaban pero magaan ang loob ko sa babaeng ito.

“Bakit ka nandito?” hindi ako umaasa na sasagutin niya ang tanong ko, pero nagbabakasakaling malaman ang kaniyang dahilan.

“Nagbabantay,” tipid niyang saad kaya napangiti na lang ako.

Magtatanong pa sana ako ng bigla na lang sumulpot sa kung saan ang taong aking hinahanap. Halos gumuho naman ang mundo ko ng makita ang kasama nito. Hindi ko maiwas ang tignan ang dalawa, sobrang saya nila habang nagtatawanan.

Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko ng makita kong maglapat ang kanilang mga labi. Naramdaman ko naman ang paggalaw ng malaking sanga na aking kinauupuan. Napalingon naman ako sa tabi  ng aking pwesto kung saan tumalon si Caitlyn. Naglabas siya ng isang puting panyo at iniabot sa akin, agad ko naman itong tinanggap at ipinahid sa aking luha. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha at napahanga na lang ako sa kanyang ganda. Ngunit, napaka dilim ng kanyang mukha habang nakatingin sa dalawang tao sa baba.

“Sino ka ba talaga Caitlyn?” naitanong ko na lang sa aking sarili.

Ikinagulat ko naman ng bigla siyang tumalon pababa at marahas na pinaghiwalay ang dalawa. Bababa na sana ako ng bigla siyang tumingin ng masama sa gawi ko.

Habang nasa taas ako kitang-kita ko ang inis sa mukha ni Demonnese at ang kalmadong mukha ni Caitlyn. Nang nagawi ang tingin ko kay Tyronne ay mababakas sa mukha nito ang gulat.

“Ang sakit niyo sa mata, dito pa talaga kayo naghalikan sa personal space ko!” maangas na saad niya at marahas na binangga ang balikat ni Demonnese na halatang asar na asar sa nangyari.

Nang matauhan na si Tyronne ay hinila niya na si Demonnese paalis. Bago pa man makaalis ang dalawa, lumingon si Demonnese sa puno kung nasaan ako nagtatago at gumuhit sa kanyang labi ang isang malademonyong ngisi.

Nakita niya ba ako kaya niya hinalikan si Tyronne. Madilim sa pwesto ko kaya paano niya ako nakita.

Nagulat ako sa pagtunog ng cellphone ko. I received a message from an unknown number. I quickly open it and the message says that

“I KNOW YOUR SECRET STA. ANA OR SHOULD I CALL YOU INSPECTOR VALDEMOR”







--------
Author's Note

Hello mga bulaklak, mamshie, besh :) Ako'y muling nagbabalik at may mga bagong handog na aking likha. Hinihingi ko ang inyong suporta sa aking mga bagong istorya na may pamagat na “ Captivated” another police story and “His Sweetest Lie” romance. Meron din akong short story na ipublish ang title is SINNER paabasa na lang din. Salamwatssss:* Ano masasabi niyo sa bagong cover nitong story?

Pasensiya na kung ngayon lang ulit nag-update. Busy lang kasi sa school.

Ms. Officer on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon