Chapter 31

1.2K 49 1
                                    

Chapter 31: Caleb and Demonesse

Ilang araw na ang nakalipas simula ng pumasok dito si Demonnese. Hindi pa rin kami nakakapag-usap ni Tyronne at hindi pa rin bumabalik si Caleb. Palagi ko tuloy kasama si Alexander at nabalitaan ko rin sa kaniya na muli nang papasok si Caleb.

Naexcite naman akong pumasok dahil namiss ko rin ang lokong 'yon. Nakatangap din ako ng message mula kay Caleb na muli na nga raw siyang babalik sa school. Nagtataka nga ako na medyo natagalan siya sa pagbalik kahit alam ko naman mabilis na naghilom ang kaniyang mga sugat. Siguro may ginawa lang siyang iba kaya hindi siya pumasok.

Hindi ko na lang pinansin ito at nagmadali ng mag-ayos ng gamit para makapasok na agad sa school.

Nang makarating ako sa school ay may kumpulan ng studyante sa may corridor kaya hindi ako makakadaan. Malapit na sana ako sa room kaya lang nakaharang sila at nakakahiya naman na umeksena ako sa gitna.

Mabuti na lang at maaga pa at hindi ako malate sa klase. Nagsumiksik ako sa kumpulan para makita kung ano ba ang kanilang pinagkakaguluhan.

Napakunot na lang ang aking noo ng makita ko sa gitna si Caleb at Demonnese. Magkakilala ba sila? Paano nangyari? Mas nanlaki pa ang mata ko sa gulat ng biglang yakapin ni Caleb si Demonnese.

Halos lahat ng nasa paligid ay nagulat at nag-umpisa ng magbulong-bulungan.

“Omy! Bumalik na pala si Demonnese,” narinig kong komento ng ilan. Mas tinalasan ko pa ang aking pandinig. Sobrang nacurious ako kung ano bang meron sa dalawa.

“Siguradong bumalik siya para kay Caleb,” mas naintriga naman ako lalo dahil sa mga aking naririnig.

Ibinalik ko ang tingin ko sa dalawa at nagulat naman ako ng makitang diretsong nakatingin sa mga mata ko si Demonnese. Hindi ko naman ininda ang masama niyang tingin bagkus binigyan ko rin siya ng matatalim na tingin. Nagulat ako ng ngumisi at irapan niya ako.

Talagang may taglay na kamalditahan ang babae. Napairap na lang ako at aalis na sana ng muli lumakas ang bulong-bulungan.

Agad kong ibinalik ang aking tingin at nakita ko si Tyronne na hawak ang kamay ni Demonnese. Tama ba ang nakikita ko? Kung panaginip 'to, sana magising na ako! Gusto ko na umalis pero tinatraydor ako ng aking sarili. Hindi ko man lang maigalaw ang aking mga paa, kapag gumalaw ako siguradong matutumba lang ako dahil sa panlalambot ng aking tuhod.

Muli nanaman tumingin sa direksyon ko si Demonnese at binigyan lang ako ng mapanuksong mga tingin. Sino ka ba talaga, Demonnese?

Tuluyan ng tumulo ang mga luha sa aking mga mata at saktong may humarang sa aking harapan at niyakap ako ng mahigpit. Ayoko man ipakita sa ibang tao na mahina ako ngunit tao lang din ako at marunong masaktan.

“Huwag ka munang pumasok,” masuyong hinaplos ni Alexander ang aking buhok. Kung hindi siya dumating nasisiguro kong magmumukha akong kaawa-awa. Hindi na ako sumagot dahil plano ko naman talagang lumiban muna sa klase ngayon.

“Ihahatid na kita,” humiwalay na ako sa yakap at pinunasan ang aking mga luha. Marahan akong umiling at nginitian ko na lang siya para ipaalam na okay lang ako at kaya kong umuwi mag-isa.

Bago ako tuluyang umalis ay nagpasalamat at magpaalam muna ako kay Alexander.

Isa lang ang taong gusto kong puntahan ngayon na alam kong makakaintindi sa akin. Mabilis kong pinaharurot ang aking motor at mabilis ko naman narating ang aming bahay.

“Ma si lolo?” bungad kong tanong sa nanay kong nagdidilig ng mga rosas sa hardin. Hobby niya na kasing alagaan ang mga rosas na si lolo ang nagtanim.

Ms. Officer on DutyWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu