Mabuhay!

6.1K 138 9
                                    

Isang napakagandang umaga/gabi sa inyo! Ako'y natutuwa sapagkat nandito na naman ako at nagsusulat ng panibagong istorya. Ito ay unang beses kong magsulat ng His-Fic kung kaya't pagpasensyahan niyo na kung hindi ko maabot ang inyong mga pamantayan. Ngunit asahan ninyong ibubuhos ko ang lahat ng makakaya ko upang mapaganda at maging makatarungan ang kalalabasan ng kwentong 'to.

Pagpasensyahan niyo na rin kung may mga maling salita akong magagamit sa akdang ito sapagkat hindi ako ganoon ka bihasa sa ibang mga salitang tagalog lalo na sa mga makalumang salita. Tumatanggap naman ako ng mga corrections ngunit sa mabuting paraan. Hindi naman ako perpekto kung kaya't asahan ninyong ganoon din ang aking mga akda.

Simula nang mabasa ko mula sa isang artikulo ang natatagong kasaysayan ng Pilipinas, ay hindi ako mapakali. Palagi kong naiisip...paano kaya kung isang kaharian pa rin ang ating bansa sa mga panahong ito? Ano kaya ang itsura ng Pilipinas ngayon?

Hindi ko/natin alam kung gaano ka totoo ang sinasabing 'nakatagong kasaysayan' na ito. Kaya naisipan kong gumawa ng kwento na inspirado mula rito. 

Hangad ko ang masayang paglalakbay ninyo sa pagbabasa ng kwentong ito.

Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Maharlika! Mabuhay tayong lahat! (Hangga't kaya pa) haha!

-El | JacklessRose


Ang istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Ang ano mang pagkakatulad sa mga pangalan, pook, at pangyayari sa ibang akda ay hindi sinasadya at maaaring nagkataon lamang.

Ang akdang ito ay kasalukuyang sumasailalim sa proseso ng pag-eedit at pagbabago. 

Maraming salamat!

Hiraya (✔️)Onde histórias criam vida. Descubra agora