Kabanata L

796 39 22
                                    

A/N: Ang orihinal na taon sa prologo ng kwentong ito ay taong 2018 pa. Ngunit nagdesisyon akong baguhin ito at gawing 2041. Malalaman niyo mamaya kung bakit hehe. Basahin po nating mabuti upang mas maunawaan ang naging takbo at kinahinatnan ng kwento nina Hiraya at Carpio :)

MULING PAALALA: Ang kwentong ito ay pawang kathang isip lamang. Hindi ito nasusulat sa kasaysayan ng bansa. Maaaring ginamit ang ilan sa mahahalagang bahagi ng ating kasaysayan (Battle of Mactan) ngunit hindi ibig sabihin na ang bawat detalye sa pangyayari ay tiyak at tunay. Nahahaluan pa rin ito ng piksyon (fiction) na siyang pangunahing genre ng istoryang ito. Salamat!

___________________________________

Third person's POV

Mactan, Cebu, ika-26 ng Abril taong 2041

"Ara! What took you so long? Kanina pa kami rito sa base!" nag-aalalang wika ni Eevee, isa sa mga kaibigan ni Ara at kasama sa field trip.

Marahan lang ang paglalakad niya habang lumalapit sa mga kaibigan na kanina pa naghihintay sa kanya. Para lang din itong naglalakad sa hangin at walang kahit anong ekspresyon ang makikita sa mukha. Tila ba ito'y may nakita o nalaman na nag-iwan ng pagtataka at gulat sa kanya.

"Where have you been? We're so close to ask for a tour guide's help in finding you. Were you lost in the woods?" hinawakan ni Eevee ang magkabilang balikat ng kaibigan.

"No. I wasn't," maikling sagot ni Ara.

Tipid siyang ngumiti sa kaibigan upang mapawi ang anino ng pag-aalala sa mukha nito. Kahit nahihiwagaan pa rin siya sa kanyang nararamdaman sa lugar ngayon, at sa mga nangyari kanina sa gitna ng kagubatan.

"Let's go. Nauna na sina Ma'am sa bus," anyaya ng kaibigan sabay hila na kay Ara papunta sa iba nilang mga kaklase.

"N-Nasaan si Ma'am Felicilda?" nag-aalinlangang tanong ni Ara dahilan para mapalingon muli si Eevee sa kanya.

"Si Ma'am Principal? Nakita ko siyang nauna na kanina sa sasakyan. Bakit mo siya hinahanap?" tanong ni Eevee.

Napalingon-lingon si Ara, sinusubukang hanapin ang punong-guro sa paligid. Hindi pa rin niya lubusang maisip lahat ng mga sinabi nito sa kanya kanina nang maabutan siya nito sa gitna ng gubat.

"Wala. Tara na baka maunahan tayo sa upuan natin," sagot na lamang ni Ara at nauna nang maglakad sa kaibigan.

Kunot-noong sinundan ni Eevee ng tingin ang kaibigan. Tila nalilito at naguguluhan sa pinapakita nito ngayon. Simula noong pumasok si Ara sa gubat para sa kanilang activity ay nag-iba na ang mood nito.

Something happened in the woods for sure, tugon ni Eevee sa kanyang isipan bago sumunod kay Ara paakyat ng kanilang sasakyan.

Tahimik lang sa Ara sa buong durasyon ng kanilang biyahe pabalik sa hotel na kanilang tinutuluyan. Halos hindi maalis ang kanyang mata sa tanawin sa labas ng bintana habang nakikinig ng musika sa kanyang pang-ulong hatinig. Kanina pa nagpabalik-balik sa kanyang isipan ang naging pag-uusap nila ng kanilang punong-guro kanina.

Isang tawag mula sa kanyang cellphone ang nagpaalis ng kanyang atensyon mula sa alaalang iyon. Kinuha niya ang kanyang telepono at nagbaba ng tingin upang alamin kung sino ang tumatawag.

"Hello, mommy..." sagot niya sa tawag.

"Anak, nasa hotel na ba kayo? Kamusta ka? Maayos ba ang biyahe?" sunod-sunod na tanong ng kanyang ina.

Tipid na napangiti si Ara habang pinapakinggan ang tinig ng ina.

"Yes, mom. I'm fine. Pabalik na kami ng hotel ngayon. Bukas ng umaga ang flight namin pabalik diyan sa Manila. By lunch ay nandiyan na ako sa bahay."

Hiraya (✔️)Where stories live. Discover now