Kabanata XIX

598 42 2
                                    

"Hiraya!" pagtawag nila sa aking pangalan.

Hindi pa nila ako nakikita. Patuloy pa rin silang lahat sa paglinga-linga habang patuloy naman ako sa panginginig. Nais kong sumigaw ngunit hindi ko magawa dahil sa panghihina. Kaya naglakad pa ako papalapit sa kinaroroonan nila.

Biglang napalingon si Mang Khapili sa kinaroroonan ko at itinuon sa akin ang liwanag mula sa dala niyang sulo.

"Hi-Hiraya! Naroroon siya!" agad niyang tawag sa mga kasamahan niya.

Napahinto ako sa paglalakad nang dumapo ang paningin ni Carpio sa akin. Hindi ko alam ngunit takot at pag-aalala ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Napatakbo agad siya nang masumpungan ako ngunit agad ring napatigil nang mas naunang tumakbo si Arigomon sa kinaroroonan ko. Bumaling ako ng tingin kay Rigo. Puno rin ng pag-aalala ang kanyang mga mata.

"Hiraya! Anong nangyari sa iyo? Saan ka nagpunta?" sunod-sunod niyang tanong.

Hindi ako nakasagot, bagkus panginginig lang sa labi ang aking nagawa. Hinawakan ni Rigo ang magkabila kong pisngi at sunod naman sa noo.

"May sinat ka," utas niya pa.

Ang sunod niyang ginawa ay nagpagulat sa akin. Niyakap niya ako. Ibinalot niya ang kanyang mga braso sa aking katawan. May ibinalot rin siya sa aking balikat. Nabawasan naman ang ginaw na aking nararamdaman dahil sa init ng kanyang katawan.

Habang nakayakap si Arigomon ay hindi pa rin mapigilan ng aking mga mata na hanapin si Carpio. Naroon lang siya ilang hakbang mula sa kinaroroonan namin ni Arigomon. Nakatingin ng tuwiran sa akin at sunod naman sa lalaking may hawak sa akin ngayon. Napansin ko ang paggalaw ng kanyang panga bago naunang tumalikod at maglakad.

Kasalukuyang ginagamot ni Manang Ising ang aking sugat sa tenga. Pinainom na niya rin ako ng halamang gamot na agad namang nakatulong sa aking nararamdaman. Nasa labas ng kubo sina Bisdak, Arigomon at Carpio habang nasa aking tabi naman sina Rosa, Mayang, Aling Eka at Babaylan.

Hindi ako makatingin sa kanila. Nakayuko lamang ako buong magdamag. Hindi ako sanay na nasa akin lahat ng mga mata nila.

"Hiraya anak, ano ba talaga ang nangyari? Saan mo natamo ang mga gasgas sa katawan at sugat sa iyong tenga? Pinag-alala mo kami ng lubos," nag-aalalang tono ni Aling Eka.

"Sino ang may gawa sa iyo niyan, Hiraya?" seryosong tanong ni Arigomon.

"Eka, Arigomon, pagpahingahin na muna natin ang Binibini. Bukas na lamang ninyo alamin kung ano ang nangyari. Kinakailangan niyang magpahinga upang bumaba ang kanyang sinat," utas pa ni Manang Ising.

"Tama si Manang Ising. Mas mabuti pa ngang hayaan na muna nating gumaling si Hiraya," dagdag naman ni Babaylan.

Lumapit sa akin si Aling Eka at hinawakan ang noo ko. "Tawagin mo lamang kami kapag may kailangan ka. Magpahinga ka na muna," nakangiti niyang saad.

"Babalikan kita bukas, Hiraya. Magpagaling ka," ani Arigomon sabay labas ng kubo. Sumunod naman sa kanya sina Aling Eka, Babaylan, Bisdak at Mayang.

Unti unti na silang umaalis maliban lamang kay Carpio. Nakatayo pa rin siya sa gilid habang seryosong nakatingin sa akin. Ibinaling ko na lamang ang tingin ko kay Rosa na nasa aking tabi.

"Dito lamang po ako, binibini. Babantayan kita," ani Rosa at umupo sa salumpwit na nasa tabi ng aking hinihigaan.

"O? Carpio, hindi ka pa ba uuwi?" nagtatakang tanong ni Manang Ising.

"Dito po ako matutulog sa may pintuan banda. Ayos lang po ba?" nakakagulat na tanong ni Carpio.

"Ano? Bakit?" nagtataka namang tanong ni Manang Ising.

Hiraya (✔️)Where stories live. Discover now