Kabanata II

1.7K 86 8
                                    

"A-ah bakit bigla-bigla. P-paano kung hindi pa ako handang pumasok sa mga ganyaang bagay?" laban ko.

Isip pa Hiraya, isip. Ayaw ko namang matali sa taong hindi ko mahal.

"Binabalak pa naman anak. Tama si Paterno, ikaw ay nasa wastong gulang na upang magkaroon ng sariling pamilya. Kung nabubuhay lamang ang iyong ina ay nakatitiyak akong iyon din ang nais niyang mangyari," paliwanag ni ama.

Dalawampung taon lamang ako at hindi ko pa nararanasan ang mga bagay bagay na gawain ng isang asawa!

"Huwag kang mag-aalala, Hiraya. Isang mabait na Ginoo ang aking anak. Natitiyak kong aalagaan kang mabuti ni Arigomon," tugon ni Ginoong Paterno.

Hindi ko mawari ang dapat kong maramdaman. Para akong nabibigla na natatakot. May karapatan naman akong ipaglaban ang aking gusto sapagkat buhay ko ito at pasya ko ang dapat na masunod. Hindi ko lamang maintindihan si Ama kung bakit kailangan niya pa na umuyon sa ninanais ni Ginoong Paterno.

"Sino'ng aalagaan ko ama?" biglang salita ng isang lalaki mula sa likuran. Napatingin naman kaming lahat sa kanya.

Siya ba si Arigomon?

Napatingin naman agad ako sa kanya. Matipuno ito at maganda ang pangangatawan. Nakasuot ito ng isang kasuotang pampalasyo. Marahil ay siya ay nagtatrabaho sa kaharian ni Haring Luisong.

"Ari anak, mabuti at nandirito ka na. Umupo ka muna," tawag ni Ginoong Paterno sa anak niya.

Agad umupo si Arigomon sa tapat ko. Napatingin rin ako sa kanya at ganoon din siya sa akin. Ngunit agad kong iniwas ang aking paningin at ibinaling ang aking pansin sa pagkain.

"Si Hiraya nga pala, ang nag-iisang babaeng anak ni Ginoong Pio Lindayag," pakilala ni Ginoong Paterno sa akin.

"Nagagalak akong makilala ka Binibining Hiraya," aniya at napangiti lamang ako.

"Ari, napagpasyahan namin ni Ginoong Pio na ipagkasundo kayong dalawa ni Hiraya sa pagpapakasal," tugon ni Ginoong Paterno.

Hindi ko alam ang aking gagawin. Napayuko lamang ako habang patuloy na kumakain. Unti-unti ko namang sinisilip ang mukha ni Arigomon. Nasaksihan kong gulat rin ito.

"Ama, mawalang galang na, ngunit hindi ba ang aga pa para sa bagay na iyan? Ni ngayon pa nga kami nagkakilanlan ni Binibining Hiraya," sambat ni Arigomon dahilan upang ako ay mapatingin sa kanya.

"Kaya nga tayo nagtungo ngayon dito upang kayo ay magkakilala," saad ni Ginoong Paterno.

"Mas mabuti na rin iyon Ginoong Arigomon kaysa mapunta ang aking anak sa ibang Ginoo," dagdag ni ama.

Ayaw ko na talaga. Sana'y kainin na lamang ako ng lupa!

"A-ah ama, maaari po ba akong magtungo sa hardin?" pahintulot ko.

"Isang kawalan ng galang ang pagliban habang kumakain kasama ang mga panauhin, Hiraya. Isa pa, baka ano pa ang mangyari sa iyo sa labas," tugon ni ama.

Sasagot na sana ako ngunit bigla akong inunahan ni Ginoong Paterno.

"Ayos lang kaibigan, maaari naman siyang samahan ni Arigomon upang makapag-usap din silang dalawa," biglang saad ni Ginoong Paterno.

Ano?! Kaya nga ako nagpaalam para makaiwas sa kanila tapos sasamahan pa ako ng lalaking ito!

Kung hindi man ako lalamunin ng lupa, sana nama'y tangayin nalang ako ng malakas na hangin!

"'Yun ay kung papayag ang Ginoo?" tanong ni ama habang napatingin kay Arigomon.

Napatingin rin sa aming tatlo si Arigomon at halatang napipilitan lamang ito.

Hiraya (✔️)Where stories live. Discover now