Kabanata XXI

641 46 2
                                    

"Maraming salamat po sa paghahanda ng lahat ng ito," pasalamat ni Arigomon.

Nasa hapag na kaming lahat ngayon at kumakain. Nasa tabi ako ni Aling Eka habang nasa tabi ko naman si Rosa. Sa gitnang-dulo si Rajah Lapulapu habang katabi si Lakambini Bulakna. Habang si Arigomon naman ay nasa aking harap at ang kanyang katabi ay si Carpio.

"Maliit na bagay lamang ito. At nararapat lang na aliwin muna ninyo ang inyong mga sarili bago sumabak sa labanan," sagot naman ni Lakambini Bulakna nang nakangiti.

"Napakasarap naman nitong manok!" saad pa ni Bisdak habang humihigop ng sabaw.

"Naku! Si Hiraya ang nagluto niyan!" magiliw na sambat ni Aling Sita. Napatingin naman sa akin si Bisdak at ang katabing si Carpio. Napayuko ako at ibinaling ang sarili sa pagkain.

"Mukhang handa nang mag-asawa itong ating binibini," tumatawa at birong saad ni Mang Khapili. Kaya hindi ko mapigilang mabulunan dahil sa biglang sabi nito. Napatawa naman sila. Bigla namang may isang kamay na nag-abot sa akin ng tubig. Agad ko iyong tinanggap at ininom.

"S-salamat," saad ko kay Carpio na kakabalik lang ng upo ngayon.

Napatingin ako kay Arigomon na nakikipag-usap at nakikipagtawanan na rin sa kanila. Ngunit ang kanyang mga mata ay hindi mapakali na tila ba mayroong hinahanap.

"Tiyak pagkatapos ng gulong nangyayari ay paghahandaan na ninyo ang inyong kasal, Arigomon," nakangiting saad ni Rajah Lapulapu.

"Sana naman ay anyayahan ninyo kami, hindi pa naman kami nakakasaksi ng kasalan ng mga Tagalog," dagdag pa ni Harum.

Tipid lamang akong ngumiti. Napatingin ako kay Carpio na ngayon ay nakayuko lang at seryosong kumakain. Bumaling naman ako kay Arigomon na halatang hindi alam ang isasagot.

"O-o naman," sagot ni Arigomon na agad napatingin sa akin. Sa tinginan palang namin ay batid ko na ang nais niyang iparating. Kapwa namin hindi nais na maisakatuparan iyon.

"Carpio, masarap ba?" nakangising tanong ni Bisdak. Napalingon na lang si Carpio sa kanya.

"Ang alin?" naguguluhang tanong ni Carpio.

"Iyong luto ni Binibining Hiraya!" sagot pa nito.

Nahagip kong napatingin sa akin si Carpio kaya agad kong ibinalik ang tingin kay Bisdak. Halos mapunit ang mga labi ni Bisdak dahil sa pagngisi.

"O-oo, masarap," sagot ni Carpio. Sumulyap ako ulit sa kanya at halos mawindang ang puso ko nang nakatingin na ito sa akin ngunit agad niya naman iyong binawi.

Isang masiglang apoy ang nagliliyab sa gitna habang pinapalibutan namin ito. Puro kwentuhan, tawanan, at asaran ang nangyari. May kalaliman na ang gabi ngunit masigla pa rin ang usapan.

"Rosa, nakita mo ba si Marita? Kanina pa siya wala rito, ah," pabulong kong tanong kay Rosa. Mas lumapit naman si Rosa sa bandang tenga ko.

"Ang sabi sa akin ni Mayang, masama raw ang kanyang pakiramdam kaya hinayaan na muna siya ng kanyang ina na manatili sa kanilang kubo," sagot ni Rosa. Napatingin ako sa paligid at napansin kong wala na rin dito si Arigomon.

Ilang sandali rin kaming nanatili doon. Nauna nang umuwi sina Rajah Lapulapu at Lakambini Bulakna at sumunod na rin sina Mang Khapili, Aling Eka, Mang Toryo at Aling Sita. Ang mga kalalakihan lamang ang uminom sa ilang bote ng lambanog kaya ang iba sa kanila ay halos tulog nang nakasandal sa puno dahil sa kalasingan.

Tanging sina Bisdak, Carpio, Harum, at Sawili na anak ni Rajah Lapulapu at Lakambini Bulakna, nalang ang natira.

Hindi madalas dito si Sawili dahil doon siya nananatili kay Haring Luisong dahil nasa ilalim siya ng pagsasanay para maging tagapagmana sa kaharian.

Hiraya (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon