Kabanata X

891 49 4
                                    

Nandito kaming tatlo ni Mayang at Rosa sa gitna ng nayon. Tinuturuan kami ni Mayang na gumawa ng sambalilong na gawa sa dahon ng niyog. Madali naman kaming natuto ni Rosa sapagkat madali lamang pala itong gawin. Dito kami nagpasya na gumawa dahil maraming mga tao at hindi mapanganib dahil halos dito rin naglilibot ang mga sandatahan ng Maktan.

"Binibini, narinig kong nabanggit ni Atan noon na kasintahan mo si Ginoong Carpio?" tanong ni Rosa. Napatawa naman kami ni Mayang sa kanyang sinabi.

"Nagpanggap lamang si Carpio na kasintahan niya ako noong araw na itinanong mo kung bakit kami magkasama. Iyon ang unang beses na nagkasalubong kami nina Atan. At iyon lamang ang naisip na paraan ni Carpio upang hindi na kami pagnasaan pa ni Atan. Ngunit hindi parin pala siya natinag," sagot ko.

"Binibini? Nabanggit niyo rin noong kaarawan ng aking Kuya Carpio na ikaw ay nakatakda nang ikasal?" tanong naman ni Mayang. Bigla namang nag-iba ang aking mukha nang mabanggit iyon ni Mayang.

"Ipinagkasundo lamang kami ng aming mga ama. Hindi naman talaga ako umiibig sa kanya. Sa katunayan nga ay mayroon na siyang iniibig sa kalapit bayan naming," sagot ko.

"Bakit ka naman pumayag binibini? Hahayaan mo na lamang bang matali ka sa isang taong hindi mo naman iniibig?" tanong niya ulit.

"Kahit naman tumutol ako sa pakay ng aking ama ay wala pa rin akong magagawa. Pasya niya pa rin ang dapat na masunod," sagot ko.

"Sa tingin mo ba binibini, matuturuan mo ang iyong puso na ibigin siya?" dagdag pang tanong ni Mayang. Napahinga na lamang ako ng malalim at yumuko.

Kahit kailan ay hindi ko na matuturuan pang ibigin si Arigomon dahil...

"Tapos na ako!" masayang saad ni Rosa at itinaas ang sambalilong na gawa niya. "Ang ganda Rosa!" saad ko na agad namang nagpangiti kay Rosa.

Bigla namang may humablot sa sambalilong na gawa ni Rosa kaya nagulat kaming lahat at agad na napatingin sa taong iyon... Si Bisdak.

"Ang ganda nga nito! Ngunit mas gaganda ito kung ako ang magsusuot." pang-aasar pa ni Bisdak kay Rosa.

"Hoy ibalik mo iyan sa akin! Pinaghirapan ko iyan tapos ikaw lamang ang makikinabang? Ha?!" naasar na saad ni Rosa.

"Ganoon ba? Kunin mo muna mula sa akin! Hahaha!" pang-aasar ulit ni Bisdak at tumakbo habang bitbit ang sambalilong ni Rosa, kaya agad naman siyang hinabol ni Rosa.

Napatawa na lamang kami ni Mayang habang pinagmamasdan silang dalawa. Para silang mga bata na nag-aagawan sa isang bagay.

"Hiraya..." tawag sa akin ng isang pamilyar na tinig mula sa likuran. Agad akong lumingon at nakita ko si Carpio nang nakangiti

"Mauna na ako sa inyo, Binibining Hiraya at Kuya Carpio," nakangising paalam ni Mayang. Tumango na lang ako at ibinalik ang tingin sa lalaking nakatayo sa harapan ko ngayon.

"May nais akong ibigay sa iyo," saad ni Carpio kaya agad naman akong nagtaka.

"Ano iyon?" tanong ko sa kanya. Ngunit hindi siya sumagot, sa halip ay bigla niyang kinuha ang aking kamay at hinila ako upang sumunod sa kanya. Napatigil naman ako sa gulat dahil sa ginawa niya. Napatingin muna ako sa magkahawak naming kamay bago tumingin sa kanya nang may pagtataka.

"A-anong ginagawa mo?" tanong ko.

"Ginagampanan ko lamang ang aking sinabi. Mas mabuting makilala ka nila bilang aking kasintahan upang hindi ka nila pagnasaan pa," sagot ni Carpio sabay ngiti.

Pumasok kami sa loob ng kagubatan kung saan ako naligaw noong una kong dating. Hanggang sa tumigil kami sa paglalakad nang makarating kami sa isang lugar kung saan mayroong isang makapal at mahahabang dahon ang nakasabit. Mas nagulat ako nang pumasok doon si Carpio. Nagdalawang isip pa ako na sumunod ngunit lumingon siya sa akin at ngumiti ulit.

Hiraya (✔️)Where stories live. Discover now