Epilogo

1.1K 39 13
                                    

A/N: Ito na ang Wakas ng Hiraya. Maraming maraming salamat sa pagbabasa! Nawa'y mayroon kayong nakuha mula sa kwentong ito. At kung ano man iyon, gaano man kaliit, sana'y makatulong ito upang mas lalong mabigyan pansin ang kahalagahan ng ating kasaysayan.

MULING PAALALA: Ang kwentong ito ay pawang kathang isip lamang. Hindi ito nasusulat sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang iilan sa mga tauhan, lugar, at pangyayari ay maaaring nabanggit sa kwento ngunit hindi ito naglalarawan sa tunay nilang katauhan at tunay na kaganapan. Nahahaluan pa rin ito ng piksyon (fiction) na siyang pangunahing genre ng istoryang ito. Maraming Salamat!

________

Ika-27 ng Abril taong 2021

"Ako ang diyosa ng pag-ibig at tagapangalaga sa mga magkasintahang tunay na nagmamahalan. Magtiwala ka sa akin, Hiraya..."

"Sa ika-500 taon ng kanyang kamatayan, muling mabubuhay ang inyong pagmamahalan..."

"Magkikita tayong muli, Hiraya..."

Napabalikwas si Hera nang magising dahil sa mga boses na halos araw-araw niyang naririnig at napapanaginipan. Kahit ilang beses na itong nagpapaulit-ulit sa kanyang panaginip, ay hindi pa rin siya nasasanay.

Hinihingal siyang bumangon at pumasok sa banyo. Tuwid siyang tumayo sa harapan ng salamin at napahinga ng malalim.

"Panaginip..." pukaw niya sa sarili sabay tapik-tapik sa magkabilang pisngi.

Matapos maligo at magbihis ay inilabas na niya ang kanyang maleta bago bumaba para kumain ng agahan. Ngayon ang kanyang flight patungong Cebu dahil isa siya sa mga bisitang naimbitahan upang masaksihan ang malaking selebrasyon na gaganapin doon para sa ika-500 anibersaryo ng Digmaan sa Mactan.

Isang kilalang guro si Hera sa Unibersidad ng Pilipinas na nagtuturo ng History sa kolehiyo. Kilala ang kanilang pamilya bilang magagaling na guro kung kaya't hindi maipagkakaila na namana ni Hera at nahiligan ang propesyong ito.

"Hera, ikaw ba'y aalis na?" tanong ng kanyang lola na naka-upo sa isang rocking chair habang nag gagansilyo.

"Opo, lola..." lumapit siya ditto at bahagyang lumuhod sa harap upang magpantay sila. "Sa makalawa pa po ang uwi ko kaya si Kuya Jay muna ang magbabantay sa inyo. Uuwi rin bukas sina Mama at Papa kaya hindi na rin kayo malulungkot pa."

Tumango-tango lang ang matanda habang hindi inaalis ang sumisingkit na mga mata sa kanyang ginagawa.

"Anong petsa na ba ngayon, apo?" tanong ng matanda na naging dahilan upang muling humugot ng malalim na hininga si Hera.

"April 27 po, Lola," sagot niya at tamak na hinintay ang magiging reaksyon ng kanyang lola.

Saka lamang nag-angat ng tingin ang matanda sa kanya nang mapagtanto ang naging sagot ni Hera. Napatigil ito sa ginagawa at humiwalay sa sandalan ng inuupuan upang mas malapitan ang apo.

"Ano ka mo? Abril 27?" gulat niyang ulit.

Kinakabahang tumango si Hera sa kanyang lola. Alam niyang inaasahan na ang magiging reaksyon ng matanda ngunit kabado pa rin siya lalo na sa tuwing naaalala kung gaano ka inaabangan ng kanilang pamilya ang petsang ito.

Simula pa lang nang isilang si Hera ay halos araw-araw pinapaalala ng kanyang lola at ina kung gaano ka importante ang araw na ito. Ang sabi pa nila, ito ang bagay na naipasa-pasa sa salinlahi ng kanilang ninuno. Ilang dantaon na raw inaabangan ng kanilang lahi ang petsang ito.

"Yes, Lola," sagot ni Hera.

Napangiti lang ang kanyang Lola sa kanya at inabot ang dalawang kamay nito bago muling nagsalita.

Hiraya (✔️)Where stories live. Discover now