Kabanata XXX

637 34 1
                                    

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang patuloy pa ring tumutulo ang mga luha mula sa mga mata ko.

"Hiraya? Bakit ka tumatangis?" nagtatakang tanong ni Haring Luisong.

"P-pinaslang po ang aking ina?" wala sa sarili kong tanong.

Naging gulat ang mukha ng hari dahil sa tanong ko. Marahil ay hindi niya alam na inilihim ni ama sa akin ang katotohanan.

"Hindi mo batid?" naguguluhan nitong tanong. "Patawarin mo ako, hindi ko rin alam na hindi pala sinabi sa iyo ng iyong ama. Marahil ay inilalayo ka lamang niya sa kapahamakan, Hiraya. Ayaw niya rin sigurong pati ikaw ay maghahanap ng katarungan na ikapapahamak mo," patuloy pa niya.

"A-alam po ba ito ni Kuya Jose?" dagdag ko.

"Hindi ko alam, Hiraya," sagot ni Haring Luisong.

Napayuko na lamang ako habang naghahalo ang sakit at tampo sa puso ko. Bakit kailangan pang ilihim nila ito sa akin? Buong buhay ko namulat ako sa kahigpitan ni ama sa hindi ko maunawaang dahilan. Namulat ako sa kasinungalingang namatay sa malubhang sakit si Ina. Mauunawaan ko naman ang lahat ngunit bakit pinili nilang ilihim ito sa akin?

"Hiraya, mabuti pa'y magpahinga ka na lamang muna. Mamaya ay darating na—" hindi na natapos pa ng hari ang nais niyang sabihin dahil biglang kumalabog ang pinto at bumungad dito ang hinihingal na mandirigma na mukhang mula pa sa pagtakbo.

"Haring Luisong! Kailangan po ng tulong nina Ginoong Pio! Nilusob po sila ng mga kalaban sa dalampasigan! May ilang mandirigma nang nalagas mula sa ating panig! At marami na rin ang sugatan!" natatarantang saad ng mandirigma.

Agad tinawag ng hari ang ibang mga kawal, bagani, at ang buong sandatahan. Habang mas lalo akong nanigas sa nangyayari. Biglang bumalik lahat ng nakita ko sa isipan. Madugong labanan sa dalampasigan. Hindi. Hindi maaari.

Patakbo akong bumalik sa aking silid at kinuha ang aking sibat. Nadaanan ko pa ang nakabukas na silid ni Carpio. Napatigil ako at sandaling pinagmasdan siya.

Alam kong hindi ka na naman masisiyahan sa gagawin kong ito ngunit kailangan kong gawin ito, Carpio. Hindi ko hahayaang may mawala pa sa mga mahal ko. Patawad....

Mabilis kong tinakbo ang bawat baitang ng hagdan. Sinubukan pa akong pigilan ni Haring Luisong at Mang Khapili ngunit nabigo sila. Buo na ang loob ko. Lalaban ako. Hindi ko hahayaang mangyari ang mga nakita ko. Kung kinakailangan kong kalabanin ang tadhana, gagawin ko. Hindi ako naniniwalang wala akong magagawa.

Mabilis akong sumampa sa isang kabayo at pinatakbo ito kasunod ng iba pang mga mandirigma. Nagulat pa ang iba nang makita akong inuunahan sila ngunit wala akong pakialam.

Sana'y walang nangyaring masama kina ama at kuya. Sana maayos lang sila.

Napahigpit ang hawak ko sa lubid nang matanaw na namin ang dalampasigan kung saan nagkakagulo na nga. Nakakabinging sigawan at tunog ng dumadaplis na mga tabak at sibat ang tanging maririnig sa paligid.

Bumaba ako sa kabayo ko at mabilis na nilabanan ang bawat kalaban na lumalapit sa akin. Tanging ang buwan lamang ang nagsisilbing liwanag namin maliban sa ilang sulo na bitbit ng iba naming kasamahan.

Hindi ko na mabilang pa ang bawat kalaban na nasaksak at nasugatan ko. May mga galos na rin ako sa katawan ngunit hindi ko ito nararamdaman.

Ang tanging nasa isipan ko ngayon ay ang maligtas sina kuya at ama. Alam kong sa oras na malaman nilang nandito ako ay tiyak magagalit sila pero gaya ng sabi ko, wala na akong pakialam.

Habang tumatakbo ay naramdaman ko nalang ang katawan ko na bumagsak sa tubig. May isang lalaking nakatakip ang mukha ang sumakal sa akin at nilunod ang ulo ko sa tubig dahilan upang mahirapan ako. Sinubukan ko siyang labanan ngunit mas malakas ito sa akin.

Hiraya (✔️)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang