Kabanata XXXVII

578 35 3
                                    

Nanatili ang mga ngiti nina Manang Ising at Babaylan sa akin habang ilang sandali pa bago ako muling nakapagsalita. Dahan-dahan akong nagbaba ng tingin sa kamay ni Babaylan sa aking tiyan. 

"Nakatitiyak akong magiging isang mabuti kang ina, Hiraya. Napakasaya namin para sa inyo." umupo na rin si Manang Ising sa aking giliran at inayos ang aking buhok.

"H-Hindi po ba kayo nagbibiro?" iyon na lamang ang lumabas sa aking bibig. Pinaghalong saya at kaba ang nararamdaman ko ngayon, lalo na noong umiling si Babaylan.

"Noong pagdating niyo palang dito noong nakaraang araw ay may napapansin na akong kakaiba sa iyo. At hindi nga ako nagkamali, ikaw nga ay may dala-dalang buhay sa iyong sinapupunan." saad naman ni Babaylan at inalis na ang kanyang kamay sa aking tiyan.

isang patak ng luha mula sa magkabila kong mata. Napakasaya ko. Sa lubos kong kasiyahan ay napasapo ako sa tiyan ko. 

aya. Naniniwala akong ang supling na iyan ang ibinigay na pamalit ni Bathala sa pagkawala ng iyong ama." nakangiting tugon ni Manang Ising.

Nang sumigla ang araw ay pinayagan na akong lumabas nina Manang Ising. Kaming tatlo pa lamang ang nakakaalam sa aking pagubuntis at maging sina Kuya at Carpio ay wala pang kaalam-alam. Nais kong sabihin muna ay Carpio ang balitang ito at sabay naman naming sasabihin kay Kuya Jose.

Ipinainom ako ni Manang Ising ng dinikdik niyang mga halamang gamot. Mabisa raw iyon para lumakas ang kapit ng bata at maging malusog ang kanyang paglaki sa aking sinapupunan. May pinainom naman siya sa akin para sa malusog kong pagbubuntis.

Parang isang panaginip pa rin ang nangyayari ngayon. Hindi pa rin ako makapaniwalang...magiging isang ina na ako.

"Hinanda ko na ito para hindi ka na kailangang magdikdik. Isang baso sa isang araw. Iwasan mo rin ang masyadong pagpapagod. Kailangan mong bantayan ang sarili mo, Hiraya. Kapag ikaw ay may mga katanungan pa, huwag kang magdadalawang isip na ipatawag ako." bilin sa akin ni Manang Ising habang hinahanda ang ilang garapa ng halamang gamot.

"Maraming salamat po, Manang Ising." lumapit ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. 

"Dapat ka na ring magpaturo kay Eka kung paano magdugtong at lumikha ng damit. At ang pinakamahalaga sa lahat, kailangan mong matutunan ang bawat hakbang sa pag-aalaga ng isang supling." patuloy pa ni Manang Ising at hinaplos ang aking tiyan.

"Anong aalagaan?" muntikan na akong mapatalon nang may nagsalita mula sa aking likuran. Nanlaki ang mga mata ko nang bumulaga roon si Carpio habang nakangiti. Napatingin ako pabalik kay Manag Ising pero ngumiti lang ito sa akin.

"Ang sabi ko, huwag na huwag mong pababayaan si Hiraya at palagi mo dapat siyang aalagaan." palusot naman ni Manang Ising. Mas lumapad lamang ang ngisi ni Carpio at humakbang pa palapit sa akin.

"Hindi mo na kailangang ipaalala sa akin yon, Manang. Iyan ang bagay na hinding-hindi ko makakalimutan at pagsasawaan." sabi ni Carpio sabay libot ng kanyang isang braso sa katawan ko.

Sabay na kaming lumabas sa kubo ni Manang Ising at hinatid niya ako sa kubo namin ni Rosa. Naabutan pa naming nagkukulitan sina Bisdak at Rosa doon habang si Mayang naman ang tagatawa sa kanila. Mabilis na lumapit sa akin si Rosa nang masumpungan ako.

"Binibini, maayos na po ba kayo?" tanong niya agad at inabot niya ang mga garapang dala ni Carpio, "Para saan po ang lahat ng ito?" pahabol niyang tanong.

"Para sa akin daw. Mga gawang gamot ni Manang." sagot ko lamang at umupo na sa kawayang silya na katabi lamang ng hapag.

"Ano po ba ang nangyari sa inyo? Labis kaming nag-alala sa iyo kagabi nang mawalan ka ng malay. Mabuti na lamang at mabilis kang nasalo ni Ginoong Carpio."

Hiraya (✔️)Where stories live. Discover now