Kabanata XLVI

501 32 2
                                    

"Napakagaling mong tumakas, binibini."

Muli akong nabalot ng kaba at panlalamig nang marinig ang boses ni Atan. Bumungad sa akin ang nanlilisik sa galit niyang mga mata. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking braso kaya malabo sa akin na makawala pa mula rito.

Mas dumami ang mga kawal na nilabanan nina Bisdak kaya hindi na rin ako makahingi pa ng saklolo.

"Mukhang nasasabik ka nang makita ang iyong hampaslupang kasintahan? Huwag kang mag-aalala, pahihintulutan kitang makita at makausap siya. Ngunit may kapalit..." saad ni Atan.

Inaamin kong nabuhayan ako ng pag-asa. Kahit pa alam kong may masamang binabalak na naman si Atan. Ngunit nais kong tanggapin ang pagkakataong ito kung ito ang paraan upang makita at malaman ko ang kalagayan ni Carpio at Arigomon.

"Ano iyon?" Matapang kong tanong.

"Madali lamang, binibini. Nais kong sundin mo lamang ang lahat ng sasabihin ko. Wala kang karapatang umayaw," patuloy niya.

Hindi pa man ako nakakatango ay marahas na niya akong hinila at pumasok sa kubo. Nadatnan ko kaagad si Arigomon sa kanang bahagi na naka-upo at nakatali ang mga kamay at paa. May ilang gasgas at sugat sa kanyang katawan at punit na rin ang ilang bahagi ng kanyang kasuotan.

Nang dumapo naman ang aking mata sa kabilang bahagi ay natagpuan ko na lamang ang aking sarili na muling napaluha. Kumpara kay Rigo, mas maraming sugat at pasa sa katawan si Carpio. Mayroong malaking sugat sa kanyang gilid na dumudugo pa rin ngayon.

"Carpio..." umiiyak kong saad.

Buong lakas kong hinablot ang kamay ko mula kay Atan at mabilis na dumalo kay Carpio. Nag-angat agad siya sa akin ng tingin nang makilala ang tinig ko.

Inilibot ko ang aking braso at niyakap siya nang mahigpit.

"Hiraya, bakit ka nandito? Hindi ka dapat nandito," puno ng pag-aalala niyang saad.

Nagbaba siya ng tingin sa aking sinapupunan at nakita ko kung paano nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa gulat.

"Hiraya..." hindi siya makapaniwala.

Ang kaninang gulat na mukha ay napalitan ng matinding galit nang masilayan niya ang bakas ng mga dugo mula sa patadyong kong suot. Nanlilisik ang kanyang mata nang bumaling siya kay Atan ng tingin.

"ANONG GINAWA MO SA MAG-INA KO, ATAN?!" galit niyang sigaw at pilit nagpumiglas mula sa pagkakatali.

"Carpio... Carpio, huwag kang mag-aalala. L-Ligtas ang anak natin. Ligtas si Amaya," pagpapakalma ko sa kanya.

Unti-unti siyang huminahon dahil sa aking sinabi. Sinandal ko ang aking noo sa kanya habang kapwa nakahawak ang aking dalawang kamay sa kanyang mukha.

"Amaya?"

Tumango ako.

Kahit nakatali, buong sikap inabot ng kanyang labi ang akin at hinalikan ito nang mabilis. Wala akong pakealam kung pinagmamasdan man kami ngayon ni Atan.

"SABI KO USAP LAMANG! WALANG HALIKAN!" galit na sigaw ni Atan at marahas akong hinila pabalik sa kanya.

"Hayup ka! Huwag mo siyang hahawakan nang ganyan! Bitiwan mo siya!" mas galit na bwelta ni Carpio.

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok dito ang tatlong kawal nina Atan na hinihingal pa at mukhang galing pa sa laban mula sa labas.

"Atan! May mga kalaban pa na dumating maliban sa tatlo!" pahayag ng isa.

Hiraya (✔️)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant