Kabanata XXIX

607 34 4
                                    

Hindi. Mali ang iyong iniisip Hiraya. Marahil ay nagkataon lamang na magkawangis ang sugat ng lalaking iyon at ang sugat ni Arigomon. Bakit mo ba pinag-iisipan ng masama si Rigo? Mabuti siyang tao at batid mo iyan Hiraya. Hinding-hindi niya makakayang gawin ang iniisip mo.

"Saan ka nanggaling Arigomon? Akala nami'y nauna ka rito sa kaharian upang humingi ng tulong," nag-aalalang tanong ni Mang Khapili.

"B-bumalik po ako agad, Mang Khapili. Para sana tulungan kayo. Ngunit pinagtulungan ako ng kalaban. Narinig ko nalang ang papalayo ninyong mga kabayo," sagot naman ni Rigo.

"Ang mahalaga ligtas ka, anak." Nakangiting ani Ginoong Paterno.

Kinaumagahan, hindi ko maintindihan kung bakit ako kinakabahan. Maganda naman ang sikat ng araw ngunit hindi pa rin maiaalis ang panganib na nakabadya sa paligid. Patuloy pa ring tumatakbo sa aking isipan ang sinabi ni Mang Khapili kagabi tungkol sa taksil sa aming kasamahan na siyang ikinapahamak ni Carpio.

Nagtungo ako sa silid na pinag gamutan ni Carpio at naabutan ko roon iyong Katulunan na kakaiba. Pinasadahan nito ako ng tingin at kagaya ng inaasahan, mahiwaga at nakapagtataka ang tingin nito sa akin.

Binati ko siya at pilit na ngumiti upang mabaling ang tingin niya. Kami lang dalawa ang naririto ngayon sa silid maliban sa walang malay pa ring si Carpio. Umupo ako sa tabi ng higaan at hinawakan ang kanyang kamay.

"Pabuti na ng pabuti ang kanyang kalagayan. Kapag patuloy pa rin ang pag uyon ng kanyang sugat sa mga halamang gamot ay bukas makalawa tiyak na gigising na siya," saad nito bilang pagputol sa katahimikan. Abala pa rin ito sa mga halamang nakalatag sa isang maliit na hapag kaya hindi ito tumitingin sa akin.

"Maraming salamat po sa pag-alaga sa kanya," salita ko. "Ako nga po pala si Hi—" hindi ko na natapos pa ang pagpapakilala ko sapagkat inunahan na niya ako.

"Hiraya. Ikaw si Hiraya. Paano kita hindi makikilala?" nakangiti nitong saad.

Napabitaw ako sa paghawak sa kamay ni Carpio at tumuwid sa pag-upo habang nakaharap sa kanya.

"Ano po ang ibig ninyong ipabatid?" nagtataka kong tanong. Inilagay niya ang mga halamang gamot sa tabi ng malalim na hulwaran at inayos ang mga nasa tiyan ni Carpio.

"Saksi ako sa pagsisilang sa iyo, Hiraya. Ako ang umalalay sa iyong ina noon sa panganganak," sagot niya.

Bigla na lamang pumasok ang isang alaala sa akin. Iyong panahon na kakarating pa lamang nina Babaylan sa Sugbu mula sa paglalakbay rito. Sinabi niya sa akin na narinig niya ang pag-uusap ni ama at ng Katulunan na umalalay sa aking ina sa panganganak sa akin. Doon din nagsimula ang mga katanungan ko tungkol sa buo kong pagkatao.

Napatingin ako sa Katulunan na kaharap ko ngayon. Abala pa rin siya sa pagpapalit ng mga halamang gamot mula sa sugat ni Carpio. Para namang nagkaroon ako ng lakas ng loob na ungkatin at tanungin ang mga bumabagabag sa akin.

"M-may nais po sana akong itanong."

"Ano iyon?" sagot niya at hindi pa rin tumitingin sa akin.

"M-may nangyari po ba noon habang ipinapanganak ako ni Ina?" hindi ko alam kung tamang tanong ba ang ibinigay ko sa kanya.

Napatigil ito at tumingin sa akin nang nakangiti. Hindi ko maunawaan kung ano ang ipinapahiwatig ng ngiti niyang iyon ngunit kinakabahan ako sa mga maaari niyang isagot.

"Inaasahan ko nang itatanong mo rin ang bagay na iyan, ngunit hindi ko akalaing sa akin ka pa lalapit," ngiti niya at umupo sa salumpuwit na katabi lang din ng higaan.

"Kung ikaw ay nagtataka kung bakit parang may kakaiba sa iyo, iyon ay dahil ikaw ay bunga ng hiling sa mga diwata," saad niya na nagpatayo ng aking balahibo. Kumunot pa lalo ang aking noo habang nakatingin siya sa akin ng diretso.

Hiraya (✔️)Where stories live. Discover now