Kabanata XVII

675 38 2
                                    

Ang mga sumunod na araw ay naging madali na lamang sa akin. Mabilis akong natututo sa bawat pagsasanay namin ni Carpio. Tuwing umaga ay nagpupulong sila ng ibang mandirigma at pagkatapos ay inilalaan niya ang natitirang oras upang sanayin ako.

Nahihiya na nga ako sa kanya sapagkat kahit bakas sa kanya ang pagod ay kahit kailan hindi ito tumanggi na sanayin ako araw-araw. Puspusan ang paghahanda nila dahil ilang araw na lamang ay lalayag na sila patungo sa Maynil. Nagiging balisa naman ako sa tuwing nakakasalubong ko si Babaylan. Bumabati naman ito sa akin na parang walang nangyari kaya tipid lamang akong ngumingiti.

"Malapit mo nang matapos, binibini! Napakahusay mo na!" magiliw na saad ni Mayang habang tinitignan ang ginagawa kong sambalilong.

Narito kami ngayon sa aming kubo at tinutulungan niya akong gawin ang sambalilong na nais kong ibigay kay Carpio.

"Binibini, may sinabi ba sa iyo ang aking kapatid?" nakangiting tugon ni Mayang.

"Tungkol saan?" nagtataka kong tanong.

"A-ah wala," sabi niya na lamang. Ngumiti na lang din ako sa kanya.

Ilang sandali pa ay biglang dumating si Marita at agad umupo sa tabi namin ni Mayang. Binati naman naming siya nang makapasok.

"Uy! Ano 'yan?" tanong niya agad nang nakangiti. Ngumiti naman kaming lahat sa kanya.

"Ate Marita, gumagawa kasi si Binibining Hiraya ng sambalilong para kay Kuya Carpio!" nakangising sagot agad ni Mayang.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Napatingin agad si Marita sa akin at nakikita kong nagiging hilaw na ang kanyang pagngiti. Nasulyapan ko naman si Rosa na pinandidilatan ng mata si Mayang kaya agad itong napakagat sa labi at yumuko.

"A-ah pasasalamat ko lamang sana sa pagtulong niya sa akin," pilit akong ngumiti sa kanya at napangiti rin naman siya.

Hindi pa kami nagkakausap ni Marita simula noong dumating sila rito dahil naging abala siya sa pagtulong kina Aling Eka sa pagtatahi ng mga kangan at ibang kasuotan ng mga mandirigma. Kinakailangan kasi nilang magsuot ng mga katulad sa sandatahan ng hari upang madali silang tukuyin bilang mga kakampi. Pulang kangan ang isinusuot ng Datu o pinuno at asul naman sa mga bagani o mandirigma.

"Ako rin naman, ako ang gumawa ng kasuotang susuotin niya sa laban," nakangiting saad ni Marita at nakatingin sa akin.

Parang may pumitik sa aking ulo nang marinig ko iyon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot.

"S-siguradong maganda iyon!" nakangiti kong tugon. Nanatili naman ang mga mata ni Mayang, Rosa at Bisdak sa akin.

"Ah Marita, paano ka nga pala nakapagsilbi sa kaharian?" pag-iiba ng usapan ni Bisdak kaya bumaling ang mga mata namin sa kanya. Malalim akong napahinga.

"Ah, iyon ba? Tinulungan ako ni Ginoong Arigomon Malibiran... ang kasintahan ni Binibining Hiraya," sagot niya sabay tingin sa akin.

Alam na niya?! Sa natatandaan ko hindi ako ipinakilala ni Rigo bilang kanyang kasintahan noong dumalaw kami sa kaharian.

Umawang ang bibig ko at tumingin kay Marita. "P-paano mo nalaman?"

"Naging usap-usapan na po iyan sa buong bayan ng Liwayway. At ipinagtapat na rin po ni Ginoong Arigomon sa akin na ipinagkasundo kayo ng inyong mga ama, At napakasaya ko para sa iyo Binibining Hiraya. Alam kong mamahalin at aalagaan kang mabuti ni Ginoong Arigomon," mas lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking braso.

Hindi pa rin pala niya alam ang totoo. Ang katotohanang siya ang tunay na minamahal ni Arigomon. At ang katotohanang iisang lalaki lang ang aming gusto.

Hiraya (✔️)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang