CHAPTER 2: Mysterious Guy

290 33 6
                                    

CHAPTER 2



Dahil advance ako mag-isip hulaan niyo kung nasaan na kami, Wag na nga, ako na lang magsasabi, Alam ko kasi yung feeling na pinapahula sayo yung mga bagay na hindi mo alam. Nandito na agad kami sa eroplano, masyado namang advance kapag sinabi kong nasa Manila na agad kami diba? 



Nandito ako sa upuan kung saan dapat nakaupo ang cute na mga nilalang katulad ko. Nilagay ko ang headset sa magkabilang tenga ko at nag shades, malay niyo tumulo laway ko tapos kilala pala ako nung taong nakakitang tumulo yung laway ko kahihiyan iyon mga te! baka mag trending pa'ko.




"Mar aalis na tayo." Singit ng bida bida kong ate.



"Ate kanina pa tayo nakaalis." Barado ng bunso kong kapatid na si Mowen.


Tinarayan naman siya ni ate. "Ikaw ba si Mar? epal ka masyado.



Nice one Mowen!



Pangiti ngiti lang ako ng biglang nagsalita si ate.



"Hoy Mar! bingi ka ba? Aalis na yung eroplano patayin mo na yan or kung gusto mo ikaw ang papatayin ko punyeta ka."



Agad ko namang tinago ang Iphone ko (akala niyo kayo lang may iphone ah!) at nagtulog-tulugan. Ilalabas ko na sana ulit ang cellphone ko ng biglang nagsalita si Mommy.



"Itago mo yan Mar wag matigas ang ulo."



May malambot ba na ulo? charot.



Wala akong nagawa kundi itago ang cellphone ko. Kating kati na akong i-chat si Frio kaso baka ako pa ang maging dahilan ng pagsabog ng eroplanong ito at pagkamatay ng libo libong tao. Ini-imagine ko pa lang na mababalita akong suspek sa tv hindi ko na makaya. Kawawa naman ang cute kong mukha pag nagkataon.



Tumunganga lang ako magdamag, tssss. ang ganda nga ng view na nakikita ko dito sa labas ng bintana pero di ko man lang ma-feel na nag eenjoy ako, miss ko na talaga si Frio, hindi ko matanggal sa isip ko ang mga mata niya, ang mga labi niyang laging nakasilay ang matamis na ngiti.


Nang maramdaman kong naiihi ako ay agad akong tumayo at pumunta sa cubicle.



Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang malaking cubicle at may dalawang C.R para sa babae't lalake. Nilibot ko ang paningin ko at dumiretso sa C.R ng girls, ng mahagip ko ang sink ay agad akong dumiretso doon.


Nasa kalagitnaan ako ng pag huhugas ng kamay ng may marinig akong yapak galing sa likuran ko, alam kong mag-isa lang ako dito, hindi ko maiwasang mangilabot. Unti unti akong lumingon at tiningnan ang bawat sulok ng C.R, walang tao.

HAVING A DEAL WITH MR. MANIAC (COMPLETED✔) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon