CHAPTER 7: Deal

198 24 3
                                    

CHAPTER 7

JACE


Pinulot ko an piraso ng litrato na nahulog niya. May kasama siyang lalake na nakaakbay sa kanya habang mababakas sa mukha nila ang kasiyahang nadarama, tiningnan ko ang nakasulat sa likod. Molley and Frio forever and always... Ang baduy.




Nakatingin lamang ako sa kanya hanggang sa tuluyan na siyang makaalis, ramdam ko ang takot sa kanyang mga mata, ganyan nga Molley matakot ka sa akin. Paniguradong sa susunod kong gagawin wala ka ng magagawa kundi lumuhod sa akin at magmakaawa.







MOLLEY



Papasok pa lang ako sa bahay ng makita ko ang bulto ni ate Mollyanna na nakatayo sa may pintuan, not now ate at baka mabuntunan kita ng galit ko.




"Tumabi ka nga ate dadaan ako!" Galit kong sabi sa kanya.




"Kung nag-away kayo ng boyfriend mo wag mo ibunton sa akin ang galit mo! Anlakas ng loob mong sigawan ako eh late ka na ngang umuwi! Puro nalang kalandian ang inaautapag mo wa–"




Hindi ko na siya pinatapos at di ko na napigilang dumapo ang palad ko sa pisngi niya.




"Kahit ate kita wala kang karapatang sabihan ako niyan lalo na't hindi mo alam ang dahilan, tinext kita na sunduin moko sa room pumunta ka ba? Diba hindi! Ngayon mo sabihin sa akin na puro kalandian lang inaatupag ko! At fyi wala akong jowa! Wag mo'ko igaya sayo na kaya ka unti unting nagiging tomboy dahil sa nakaraan mo!" Galit kong sabi.




Nanlaki ang mata niya ng marinig ang huling katagang binitawan ko, paakyat na sana ako ng hagdan ng pigilan niya ko.





"Mar mag-usap t-tayo, M-Mar.."




"Shut up ate! Wala ako sa mood para makipag-usap sa mga taong kagaya mo, kung natatakot ka na sasabihin ko kay mommy ang sikreto mo, don't worry hindi ako plastic kagaya mo na nagsasabi ng sikreto kapag magka-away tayo." sabi ko sa kanya at tinarayan siya.




Nilock ko ang pinto ko at agad akong dumapa sa kama ko, andaming kamalasan ngayong araw na to, bwisit na Jace yon, kasalanan niya to eh kaya kami nag-away ni ate at kaya ako bad mood ngayon. First time kong pagsalitaan si ate ng ganon pero hindi ko napigilan ang sarili ko dahil nadala lang ako ng emosyon. Bakit naman kase kaylangan niyang sabihing puro kalandian inaatupag ko eh pers day pa nga lang. Ganun na ba kalandi tingin niya saken?





Nagising ako sa tunog ng alarm clock, ala sais na. Hindi na pala ako nakababa kahapon para kumain, hindi rin ako ginising ni ate. Siguro dahil hanggang ngayon alam niyang galit pa rin ako sa kanya at binigyan muna niya ko ng space. Naghanda na ako at naligo, pagtapos kong mag-ayos ay bumaba nako para kumain, bumungad ang malungkot na mukha sa akin ni ate at ang pagmumukha ng kapatid ko na si Mowen. Nagtama ang mata namin ni ate pero siya rin ang unang umiwas, nakokonsensya tuloy ako.






Kasalukuyan na kaming kumakain pero konti lang ang kinuha ko para makaalis agad ako at di na makasabay sa kanila. Ng matapos akong kumain ay tumayo na agad ako at lumabas ng bahay.





Naglalakad ako dito sa subdivision namin para pumunta ng labasan at doon mag-abang ng taxi, hindi pa ko nakakalayo ay may sumitsit na sa akin. Napalingon ako at nakita ko ang pagmumukha ni Jace.






Panigurado malas na naman tong araw na to...






HAVING A DEAL WITH MR. MANIAC (COMPLETED✔) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon