CHAPTER 5: First Day

222 27 3
                                    

CHAPTER 5

Lumipas ang mga araw at tadaaaaaa! Monday na bukas! Gaya ng sabi ni Grandma bukas na kami papasok, hindi na ko mapakali, Ewan ko ba para namang ngayon lang ako mag-aaral sa paaralan, ano yon balik grade 1?


Nandito ako sa kwarto at kasalukuyang inaayos ang mga kagamitan ko ng may biglang kumatok.



"Hoy kung sino mang gumagawa ng ingay diyan! Wag kang pukpok ng pukpok! Hindi ito construction sight!" Sigaw ko.


Agad naman bumukas ang pinto at sumilip ang ulo ni Ate.



"Hoy Mar ano na namang pinagsasabi mo? Ngayon ka lang ba nagkaroon ng sariling pinto at inaakala mong pinupokpok ko yung pintuan mo? Ano ako construction worker?" Naiinis na sagot ni ate.



"Ikaw naman ate, hindi ka naman mabiro hehe, ano nga palang sadya mo?"



"Gusto kitang makausap Mar."



"Nag-uusap na tayo ate ah." Sabi ko habang nagkakamot ng ulo.


"Alam mo minsan napapaisip nalang ako kung saan nakalagay yang utak mo, sa noo mo ba o talampakan." Pagtataray niya.



"Ate ang bobo mo naman pati yung hindi mo alam? Di ba tinuro yun sainyo? Siyempre sa loob ng ulo nakalagay yun." Seryoso kong sabi.




Nakita ko siyang napapikit.



"Omg ate anong iniimagine mo? Wag mong sabihin na.." Nagtataka kong tanong.


"Iniimagine ko kung ano pwede kong gawin sayo pag umalis si Mommy." Seryoso niyang sabi sa akin.



Napalunok ako.



"You're just kidding right?"



"Hindi ako nagbibiro Mar, kaya sumagot ka ng maayos kung ayaw mong maglaho ng maaga dito sa mundo."




"Wag po jusko! mababawasan ang mga cute na nilalang sa mundo." pabiro kong sabi.



Tiningnan lang niya ko ng masama bago nagsalita.



"Ano? excited ka na ba bukas?" tanong niya.



"Oo naman ate, ikaw kaya mag-aral sa isang sikat na university dito sa Manila, sa tingin mo hindi ka maeexcite? Makakameet ka ng mga cutie boys at siyempre pag nangyari yon makakalimutan mo na yung gago mong ex! Amazing right?" Nakangiti kong sabi.



Tinarayan niya lang ako.



"Bakit ate? Di ka ba excited pumasok sa sikat na university?"


"Pakialam ko sa university na yan! Di ko naman makakain yan."


Teka, Bakit parang may iba.


"Ate bat parang nag-iba yung boses mo? Bat naging husky tapos naging buo? Diba hindi naman ganyan yung boses mo?" Nagtataka kong tanong.



Nakita ko siyang natigilan.



"A-Ano n-namang p-pinagsasabi mo?! Imagination mo lang yon no, btw wag ka ng magpupuyat, maaga tayong gigising bukas, ayokong malate tsss, Goodnight." Sabi niya at tuluyang umalis.


Weird.





-

Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko.

HAVING A DEAL WITH MR. MANIAC (COMPLETED✔) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon