CHAPTER 19: Confessed

144 13 0
                                    

CHAPTER 19

"Kasi, gusto na kita Molley."



Lumakas ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang katagang kanyang binitawan, hindi ko alam kung seryoso ba siya sa kanyang mga sinasabi o sadyang totoo talaga na may gusto na siya sa akin, wala akong masabi. Ni pagbuka nga lang ng bibig ko ay 'di ko magawa, nakatitig lang ako sa kanya, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko. Alam kong deal lang ang lahat pero posible kayang magkagusto sa akin ang lalakeng nasa harapan ko ngayon? Simple lang akong tao, wala akong hilig sa salitang "Pag-Ibig" na kinababaliwan ng karamihang tao, pag-aaral lang ang gusto kong atupagin para maging proud sa akin si Mommy. Pero nag-iba ang paniniwala ko ng dahil sa lalakeng ito.



"Molley?"



"Ha?" Wala sa sarili kong tanong.




"Gusto kita." Seryoso niyang sabi.



"Ah eh oo narinig ko." Sabi ko at nagkamot ng ulo.




"Alam mo bang dati wala akong pakialam sa monthsary na yan, pero dahil sayo Molley, nagbago yon. Alam kong deal lang ang lahat pero pagdating sayo nagiging corny ako."



Napabuntong hininga ako.




"Bakit mo ba ko nagustuhan Jace? Alam mo hanggang ngayon nagugulahan pa rin ako." sabi ko.



"Nakakatawang isipin Molley na nagsimula tayo biglang aso't pusa, pero hindi ko rin alam kung paano nangyari, nagising na lang ako isang araw na nagseselos nako pag kasama mo si Frio, na gusto ko ako lang lagi ang kasama mo, na gusto ko akin ka lang, at ayaw kong may pumuporma sayong ibang lalaki, siguro Molley gusto palang kita sa ngayon pero soon mahal na kita, kaya sana pag dumating yung panahon na yon nandyan ka pa rin para saluhin ako, oo ang corny ko pakinggan kasi kalalaki kong tao nagdadrama ako sayo pero Molley ayokong maagaw ka pa sa akin ng iba." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.




"Jace, baka nagkakamali ka lang, baka hindi mo naman talaga ako gusto, baka pinapaikot mo lang ako."



"Molley? ganyan ba kasama ang tingin mo sa akin? Oo, masama akong tao playboy, fuckboy, at kung ano pang isipin mo, pero Molley wag na wag mong huhusgahan ang nararamdaman ko sayo." Sabi niya at ngumiti ng malungkot. "Magpahinga ka na lalabas lang ako." Sabi niya at tuluyang lumabas.




JACE


"Jace!"




Napalingon ako kung saan nanggagaling ang boses na narinig ko.





"Molley? Bat ka tumayo? Masakit pa ang paa mo magpahinga ka na lang ul–"





"Gusto rin kita." Sabi niya habang seryosong nakatingin sakin. "Takot akong masaktan Jace, pero mas takot ako pag nawala ka rin sa'kin, ayoko ng lokohin ang sarili ko, sa loob ng isang buwan nagkaroon na rin ako ng feelings sayo kahit pa masama kang tao, Jace kahit deal pa ang gusto na kita." Sabi niya at binigyan ako ng isang tipid ng ngiti.





Napangiti ako, isa ito sa pinakamasaya na parte ng buhay ko, ang malamang mutual ang feelings namin ni Molley.





Dali dali akong pumunta sa kanya at hinalikan siya, puno ng pagmamahal ang binigay kong halik, gusto kong iparamdam sa kanya ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng paghalik ko.





Parehas na umalpas ang aming hininga ng mahinto ang paghahalikan namin, nakadikit pa rin ang noo ko sa kanya, nakita ko ang ngiti sa kanyang labi, napangiti rin ako, ganito ba ang feeling kapag nalaman mong may gusto rin sayo ang taong mahal mo?





HAVING A DEAL WITH MR. MANIAC (COMPLETED✔) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon