Chapter 31: Shoot

139 8 3
                                    

CHAPTER 31

Pinuntahan ko ang park na sinabi ni Mollyanna, pero huli na ang lahat, nabigo ako, nakuha na nila si Molley.


Sinipa ko ang isang paso sa park dahilan ng pagkabasag nito, masyado na kong frustrated dahil sa nangyayari sa taong mahal ko, hindi ko na maiwasang umiyak. Sinubukan ko ang huling pag asa ko, ang tawagan si Molley.


Makaraan ang ilang ring ay may sumagot na dito, hindi ko mawari ang aking kasiyahan dahil nasagot niya ang tawag, ang ibig sabihin ba nito ay hindi siya nadakip ni Samantha?


"Molley! salamat naman at sinagot mo!" Masaya kong sabi.


Naglaho ang ngiti sa aking mga labi ng magsalita ang tao na nasa kabilang telepeno.


"Hi baby Jace, namiss mo na ba ko?"


Hindi ko maiwasang makuyom ang kamao ko.


"Samantha! Napakawalang hiya mo talagang babae ka! Asan si Molley?!"



"Wow, feeling superman huh? nakakatawa naman, alam mo, hindi ko na dapat papakialaman ang isang basura na katulad ni Molley kung sumunod ka lang sa usapan natin. Alam mo namang kaya kong gawin ang lahat para lang ipaglaban ang pagmamahal ko sayo Jace." ani Sam.



"Manahimik ka! Hindi kita mahal! ang gusto kong malaman kung nasan si Molley! Masisigurado kong mabubulok ka sa kulungan pag nagkataong magtagpo ang landas natin! Kaya magtago ka na!" Sigaw ko.



"Aww, ang cute naman ni baby Jace pag nagagalit, tsaka alam kong di mo magagawang ipakulong ako dahil mahal mo ko, btw dahil feeling superhero ka naman sige i-try mong iligtas si Molley, nandito kami sa warehouse kung saan tayo laging nagkikita dati wag kang cocontact ng pulis kung ayaw mong lagutan ko ng hininga ang mang-aagaw na to, bilisan mo lang habang hindi pa huli ang lahat, iloveyou." ani niya at binaba ang tawag.




Kaagad kong pinaandar ang sasakyan ko at pinaharurot ito ng mabilis, tinawagan ko ang mga kaibigan ko at sinabihan na pumunta sa warehouse para rumesbak sa akin sa labanan, agad naman silang pumayag, wala pang trenta minuto ay nakarating na ako sa warehouse na sinasabi ni Samantha.



Nilibot ko ang paningin ko pero wala akong Samantha na nakita, napako ang tingin ko sa isang silid, paniguradong naandyan si Molley. Maglalakad na sana ako papunta roon ng may biglang humawak sa balikat ko, isa sa mga alagad ni Samantha.


Bigla niya kong sinuntok sa mukha at tinutukan ng baril, sinipa ko naman siya sa tuhod dahilan kung bakit napatumba siya, hanggang sa nagkaroon ako ng tyansang ipulot ang bisig ko sa leeg niya at kinuha ang baril na gamit niya. Nakita kong pasugod na rin ang ibang alagad niya kaya naman ay binantaan ko sila.



"Sige subukan niyong lumapit dito at pasasabugin ko ang utak talangka nitong kasamahan niyo." ani ko.



Nanatili lang silang nakatayo sa malayo at tinatansya kung sinong unang susugod, t-ngina nasan na ba kasi ang mga kaibigan ko?!


Maya maya ay nakarinig na ko ng mga yabag, ang huli kong nasaksihan ay pinaghahampas na ng dos por dos nila Kean at Priam ang mga iba pang alagad sila Jb at Sean naman ay nagpapaputok na ng baril. Hinampas ko ng baril na hawak ko ang isang alagad na bihag ko dahilan kaya siya nawalan ng malay, tinakbo ko na agad ang silid.


Ilang beses ko itong sinipa pero masyado itong matibay, isa, dalawa, tatlo, wala pa rin, hanggang sa makarinig ako ng isang putok ng barili dahilan bakit nabuksan ang pinto, nilingon ko ang taong ito.



"Huli na ba ko?" ani Frio habang nakahawak pa rin sa ibang parte ng katawan niya na napuruhan dahil sa pagpapahirap sa kanya ng mga kaibigan ko. Tinanguan ko lang siya at dali daling pumasok sa loob.



Pagbungad palang sa pinto ay sasalubungin ka na ng makapal na usok, nadatnan ko si Molley na walang malay, binuhat ko agad siya dahil nagpapanic nako. Nilabas ko na siya at inabot kay Priam na ngayon ay tapos ng makipag laban para agarang magamot.


Nakita ko silang inaalalayan na si Molley papunta sa sasakyan, nilibot ko ang paningin ko at nahagip ko si Samantha na may hawak na baril na nakatutok sa direksyon nila Molley, tinakbo ko agad ang kinatatayuan ni Samantha at inagaw ang baril, inaagaw ko pa rin sa kanya ang baril ng bigla niya kong apakan sa paa dahilan kung bakit ako napabitaw, hinabol ko agad siya pero tinuhod niya ko kaya naman ay nakatakas siya. Ng makabawi ako ng lakas ay tumayo ako, nanlaki ang mata ko ng makitang pinaputok na ni Samantha ang baril, tumakbo ako sa direksyon nila Molley at sinangga ang sarili ko para maprotektahan sila, naramdaman ko ang sakit malapit sa dibdib ko, nahirapan na kong huminga hanggang sa nagdilim na ang paligid ko.





PRIAM

Nakarinig kami ng putok ng baril dahilan kung bakit kami napahinto, sunod naming nasaksihan ay ang pagbagsak ng katawan ni Jace sa malamig na sahig.




"Jace!" sigaw ko at dali dali siyang inalalayan, sinenyasan ko sila Kean na dalhin na si Molley kaagad sa hospital.



Kaagad naming pinagtulungan ni Sean buhatin si Jace, hindi pa kami nakakalayo ng nakita naming papalapit si Samantha sa direksyon namin habang umiiyak.




"Jace, w-wake up, h-hindi k-ko sinasadya. G-gumising ka please, I-Im s-sorry." sabi niya.



Hahawakan sana niya si Jace pero dinanggi ko ang kamay niya, at pinalakihan siya ng mata.




"Napakalandi mo talaga Samantha! Malandi ka na nga wala ka pang puso! Tinuring ka naming kaibigan pero hindi ko alam na makakaya mo palang gawin to kay Jace. kapag may nangyaring masama sa kaibigan namin pasensyahan tayo pero mapapatay kita, kaya mas magandang huwag ka ng muling magpakita pa samin." Ani ko at nagpatuloy ulit kami sa paglalakad.



Nakita namin ang ilang police car at pinalibutang ang direksyon ni Samantha, ang huli namin nasaksihan ay nakaposas na si Samantha at isinakay sa loob ng sasakyan kasama ang iba niyang mga alagad.





MOLLEY

At nagising na naman ako sa loob ng isang puting silid, hindi ko na kaylangang magtaka, paniguradong nasa hospital na naman ako, akala ko mamamatay nako, pero ng marinig ko kaninang may putukan na nagaganap sa labas ay nabuhayan ako ng loob.




"Molley gising kana!" ani Sireh at Priyanna.




Nahagip naman ng mata ko ang pamilya ko na naluluha dahil sa kasiyahan ng makitang gising nako.





"Molley apo salamat sa Diyos gising ka na!" Ani grandma at nilapitan ako.





"Ate! Molley!" Sigaw ni Mowen at ate Mollyanna at niyakap ako.





"Anak ko, Molley, sorry kung hindi kita inintindi, ngayon alam ko na ang lahat, sorry anak." Ani mommy at lumapit rin sakin.






Niyakap nila ako ng sobrang higpit na kulang nalang maging lumpia kami dito dahil sa pang-sisiksik nila sa akin. humingi sila ng tawad pati na rin si Mommy, nalaman daw nila ang nagyari sa mga kaibigan ni Jace at pati kay Frio, patuloy pa rin silang umiiyak at ayaw akong pakawalan, para naman akong patay nito ano to buhay ako pero nagdadalamhati sila?





Binuhos ko ang buong lakas ko at nagsalita.




"S-Si J-Ja-ace?"




Pare-parehas nalukot ang mukha nila, nagkatinginan sila sa isa't isa at muli akong nilingon na may mga luha ulit na nagbabadyang pumatak sa kanilang mga mapupungay na mata.




"Molley, sorry pero si Jace kasii.." Nag-aalangang sabi ni Sireh.





Nanlaki ang mata ko sa muli niyang sinabi, naramdaman kong tumutulo na ang luha galing sa mata ko.





"Hindi!" Sigaw ko.

HAVING A DEAL WITH MR. MANIAC (COMPLETED✔) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon