CHAPTER 23: Molley and Jace

140 7 4
                                    

A/N: Gusto kong pong humingi ng sorry sa mga nag aabang na mag update ako, sorry guys kung masyado akong late nag update, sadyang andami lang talagang ipapasa na paper works tapos periodic test pa kaya kaylangang magsipag ni ate Mharga niyo.😂

-

CHAPTER 23

"Sana maging okay na si Tita." Malungkot na sabi ni Jace.


Nilingon ko siya.



Siguro naman talagang si mommy yung sadya niya dito diba?



"Sana nga, masyado kasi siyang nagpapakapagod sa trabaho kaya nahospital siya." Naiiyak kong sabi.



Nilapitan ako ni Jace at hinagod ang likod ko, kumalma naman ako kahit papano, hindi ko muna aalahanin ngayon ang tungkol sa problema namin, ang mahalaga pumunta siya dito.



"You know what Molley, may tiwala ako sa Diyos, I'm pretty sure papagalingin niya si Tita Alexandra." Sabi niya at nginitian ako.



I laughed, not because I didn't believe that God can heal my Mom, but because sa mga sinasabi ni Jace, like what the heck kailan pa siya naging makaDiyos? As far as I know he is a badboy slash playboy tsss.


"Hey I'm serious why are you laughing?" He said with a sweet tone.


"Nothing, I just remember something." I said and gave him a wide smile.


"Spill it, sino yang taong naalala mo at bakit ganyan ka kasaya?"



"Bakit ba gusto mong malaman?" Natatawa kong tanong.


Napabuntong hininga siya.




"Curious akong malaman kung sino yang taong yan, kasi ayokong nakikita kang masaya na hindi ako ang dahilan." Malungkot niyang sabi.



"Kumalma ka nga, anong tao pinagsasabi mo? Naalala ko lang yung sinabi ni ate." Pagsisinungaling ko.



"So anong sinabi ng ate mo?" Ani niya.



"Out of your business Jace, tsaka secret na namin yon." sabi ko.



"Sus magkatulad pa kayo ng sinabi ni Frio." Pabulong niyang sabi.



"Ha? What did you said?" Nagtataka kong tanong.


"Wala, ang sabi ko maganda ka sana bingi lang."



"Kumain ka na ba?" Pag-iiba ko.



"Yea, ako nga dapat ang magtanong niyan sayo, kumain ka na ba?" He asked.

HAVING A DEAL WITH MR. MANIAC (COMPLETED✔) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon