CHAPTER 6: Confrontation

199 22 0
                                    

CHAPTER 6

Eto na yata ang pinakamalas na araw ng buhay ko, sama niyo na rin yung araw na nakuha ng manyak na yon ang first kiss ko, walanghiyang lalake yon nakakailan na siya, wala talaga siyang sinasanto pati professor namin na gurangers na pinagtitripan pa niya!



"Hindi mo ba alam na ayoko sa mga studyanteng late?! Anlakas ng loob mong magpalate first day na first day!" Galit na tanong ng professor namin.


"The feeling is mutual, ayoko rin sa mga professor na katulad mo tanda." Nakangising tanong niya.



Pinalibot ko ang tingin sa buong classroom, wala man lang nagtangka ni isang tao na umawat sa kanya! Aba aba! Mukhang takot sa kanya lahat ng kaklase namin ah akala mo kung sino!
Namumuro na talaga tong kumag na to!



Hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad akong tumayo.



"Hoy manyak! Respetuhin mo nga ang professor natin! Kung sa tingin mo natatakot ako sayo diyan ka nagkakamali! kung under mo lahat ng classmates natin pwes ito ang masasabi ko sayo, kahit kelan hinding hindi mo ma-a-under ang isang babaeng katulad ko! Tandaan mo yan manyak! Itanim mo sa utak mong kasingliit ng shell ni mr. Crab! Akala mo gwapo ka? pwes akala mo lang yon! ano!" Galit kong sabi.



Lahat ng kaklase ko ay nakanganga lang habang nakatingin saakin, pati ang professor ko ay mukhang nagulat rin dahil kinompronta ko ang Manyak na to.



Nakita ko ang galit sa kanyang mga asul na mata habang nakatingin sa akin.



"Were not yet done woman, dadating din ang panahon na luluhod ka sa akin at tulad ng lahat ng studyante dito ay sasambahin mo rin ako. Btw nice meeting you Molley Anne Rousinne Natividad malapit ng matapos ang maliligayang araw mo, enjoy!" Nakangiti niyang sabi bago lisanin ang classroom.



Nakaramdam ako ng kaba pag-alis niya pero di ko iyon pinahalata, ay teka, bat ba ko kakabahan? sino ba siya sa tingin niya?! Diyos ba siya?!



Nakatayo parin ako habang kinakausap ang sarili ko ng may marinig ako mga nagpapalakpakan.



Pinapalakpakan ako ng mga kaklase ko.



Gago ba sila? Ngayon lang ata sila nakakita ng sagutan eh, mga muntanga ah.

  


Umupo nalang ako at hindi na pinansin ang mga matang nakatingin sa akin, siguro kung katulad sila ni Medusa malamang bato nako ngayon.




"Miss, hindi ako makapaniwalang masasagot mo ang isang Jace Monteverde nang ganun ganun lang, hanga ako sa katapangan mo." Sabi ng katabi ko.




Nginitian ko nalang siya, ayoko namang maging mataray sa paningin niya, baka isipin niya nawawalang anak ako ni Satanas.



Jace Monteverde, ang ganda ng pangalan tapos yung ugali parang adik tss.



HAVING A DEAL WITH MR. MANIAC (COMPLETED✔) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon