Chapter 28: Superman

122 9 2
                                    

CHAPTER 28

Hindi ako makapaniwalang magagawa sa akin ni Frio yon, hanggang ngayon sariwa pa rin sa isipan ko ang muntikan ng paghalay sa akin ni Frio, kilalang kilala ko siya simula bata pa kami, akala ko mabait siya pero dun ako nagkakamali, kahit pala mabait nakakagawa rin ng masama.



"Inumin mo muna to ng mahimasmasan ka." Ani Jace sabay abot ng isang coffee na binili niya sa starbucks.



Nandito kami sa loob ng auto ngayon ni Jace at naka park ito sa tabing ilog. Uminom ako ng kaunti sa binigay niyang kape, gusto ko mang magsalita pero hindi ko pa rin kaya, panigurado kung maayos ang lagay ko ngayon ay kanina pa ko humingi ng sorry sa kanya at nag explain, pero, masyado akong na trauma. Masyadong mabilis ang pangyayari, para kahapon lang ay okay pa kami ni Jace at magkaibigan pa kami ni Frio. Tama si ate, masyado akong nagpadalos dalos sa desisyon ko, hindi ko muna inisip kung ano ang maaaring mangyari.



"Mas mabuting magpahinga ka muna Molley, bukas na kita ihahatid sa bahay niyo." Nag aalala niyang sabi.



Nakatulala pa rin ako, naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko kaya kaagad ko siyang tinulak, hindi ko na napigilang humagulgol ulit.


"Damn it! I'm sorry Molley." ani Jace na para bang hindi rin alam kung saang parte ako hahawakan dahil natataranta siya.



Humagulgol pa rin ako, naiisip kong si Frio ang kasama ko ngayon at may masamang binabalak sa akin, naramdaman kong pumulupot sa akin ang mga braso ni Jace, hindi ko na napigilang magwala.


"Just calm down Molley, hindi ako si Frio, si Jace to. Ligtas ka na, wala si Frio dito ako to Molley wag kang matakot sa akin." Pagpapakalma ni Jace.



Kumalma naman ako kahit papano, lumipas ang ilang oras ay nasa ganong posisyon pa rin kami hanggang sa naramdaman kong bumibigat na ang talukap ko.


JACE

Tuluyan ng nakatulog si Molley sa loob ng sasakyan, nandito ako sa labas ng auto ko dahil kino-contact ko ang mga kaibigan ko, kaylangang maturuan ng leksyon ang Frio na yon.



"Jace?! Anong oras na nambubulabog ka pa." Naiiritang sabi ni JB sa telepono.



"Hindi ako tumawag para mamburaot, kaylangan ko ng tulong mo."



"Aiish! Inaantok pa ko! Tawagan mo na lang sila Sean." ani JB at binabaan ako ng tawag.



Shit!



Dinial ko ang number ni Sean, ayoko mang idial ang number ng mokong na to pero no choice ako.




"Ooohhh! Hello Jace? N-Napatawag ka? Aaahh!" Ani Sean.



Eto ang dahilan kung bakit ayaw ko siyang tawagan.



"Sean mamaya na nga yan makinig ka muna sa akin kaylangan ko ng tulong mo."



"Ugh! Baby! wait lang Jace nasa climax nako whoooooa!"




"Damn it! Gago!"



"Eto na eto na, anong bang tulong ang kaylangan mo? Kung about sa babae yan, game ako diyan. Threesome ba?" ani nito.



Napahilot nalang ako sa sentido ko.



"Look Sean, kung ano na namang kahalayan ang iniisip mo nagkakamali ka, I'm serious this time." ani ko.




"Sorry naman, ano ba yan? May nangyari ba?" Sa wakas nag seryoso na rin.



HAVING A DEAL WITH MR. MANIAC (COMPLETED✔) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon