CHAPTER 26: I miss you

149 9 0
                                    

CHAPTER 26


Desido na kong mag-sorry kay Jace, ngayon itatama ko na ang mali ko. Hindi ko muna siguro iisipin si Frio, ang mahalaga si Jace muna ang uunahin ko ngayon.


Nagmamadali akong pumunta sa room para makausap si Sireh, gusto ko sana siyang tanungin kung pumasok na si Jace dahil siya ang laging early bird sa klase.




"Oh gurl andyan kana pala." Sabi niya at nakipag beso sa akin.



"Asan si Jace pumasok ba?" I asked.



"Ouch! Ansakit naman te! Pinuntahan mo lang ako para hanapin sa akin si Jace di mo man lang ba ko kakamustahin? Ang bad mo saken gurl ah, di tayo ba--"


"Please Sireh, mamaya na ang drama kaylangan kong makausap si Jace, puma-"


"Eto naman pinapractice ko lang yung dialogue ko sa acting natin next week, Ayan ha baka naman nagbago na ang isip mo at gusto mo ng si fafa Jace nalang ang maging boypren mo? Btw oo te pumasok siya pumunta ata sa bleachers."


Hindi nako nagpatumpik tumpik pa at agad na nilisan ang lugar kung saan ako nakatayo kanina, narinig ko pang sumigaw si Sireh ng 'wala man lang thankyou?' achuchu achuchu pero hindi ko na nabigyang importansya yon.


Sa di kalayuan ay tanaw ko na ang bulto ni Jace, bawat hakbang ko sa direksyon niya ay nagpapakaba sa aking puso. Lalapitan ko na sana siya ng may mapansin ako, napahinto ako. Hindi pwede to, hindi.


Nakikipaghalikan si Jace kay Samantha sa harap ng maraming estyudante.



Napako ako sa kinatatayuan ko ngayon, bumigat ang paghinga ko. Ang sakit, ang sakit makitang na ang totoong mahal mo ay makahalikang iba. Hindiko na napigilan ang mapahikbi, ni hindi ko man lang namalayan na umiiyak na pala ako. Lahat ng atensyon ng tao ay napunta sa akin, pero wala akong pake deputa sila.



"Look who's here, Hi Molley." Nakangiting bati sa akin ni Samantha.


"S-Samantha, J-Jace..." Humahagulgol kong sabi.



"Oh? Molley, bat ka nandito? Dahil ba pinagsawaan mo na ang katawan ni Frio at ako naman ang gusto mong pagsawaan mo ngayon? Malandi ka talaga eh no." Nag igting ang panga niya.


"J-Jace let me expl-"



Bago ko pa tuluyang matapos ang sasabihin ko ay tinulak nako palayo ni Samantha dahilan kung bakit ako natumba sa sahig.



"Oops, ang kapal rin ng mukha mong babae ka! Nagmamakaawa ka sa boyfriend ko sa harap ko mismo?! Malandi ka na nga wala ka pang delikadesa!" Ani niya.

HAVING A DEAL WITH MR. MANIAC (COMPLETED✔) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon