CHAPTER 22: Hospital

146 16 1
                                    

CHAPTER 22

Magkasama kami ngayon ni Frio, kasalukuyan kaming nandito sa sala at naglalaro ng video games na naka-connect sa cellphone, pilit ko siyang tinatalo sa race car sa laro pero hirap na hirap ako, namalayan ko nalang na natalo na pala ako sa laro namin.


"Ano ba naman yan! Ang hirap mo namang talunin." Sabi ko at tinarayan siya.




"Well hahaha! So pano ba yan? Ililibre mo ko ng chocolate ice cream mamaya." Sabi niya with wide smile.



"Eh wala akong pera." Sabi ko habang abala sa pagtingin sa kuko ko.




"Lah wag kang maduga, natalo kaya kita." Sabi niya at tinalikuran ako.




Natawa naman ako sa inasta niya.



"Hahaha! Ang cute mo talaga Frio." Sabi ko at pinisil ang pisngi niya.



Pilit niyang nilalayo ang pisngi niya at ako naman pilit na nilalapit ang sarili ko para makurot ang pisngi niya, namalayan ko nalang na nakaupo na pala ako sa pagitan ng hita niya.




"M-Molley?" Utal na sabi ni Frio.



Umalis agad ako sa pagitan ng hita niya, naramdaman ko kasing parang may umbok, wew.



"Ah eh hahahaha ililibre na nga kita ng ice cream." palusot ko.



Nandito kami sa labas ng subdivision at naglalakad, napag-desisyunan naming maglakad na lang para namang ma-exercise ang paa namin.


"Molley?"



"Hmmmm?" Sabi ko habang sumusubo ng cookies and cream na flavor ng ice cream.



"Napapansin ko lang, bakit madalas ang pagsama mo sa akin?"



Nilingon ko siya.



"Ayaw mo ba?"


"Hindi! Actually gustong gusto ko, I'm just curious lang kung bakit hindi mo na masyadong nakakasama si Jace."




Biglang umusok ang ilong ko.




"Pwedeng wag na natin siyang pag-usapan? And please Frio, don't you dare mention his name again, ang sakit kaya sa tenga." Sabi ko at umaacting na masakit ang tenga ko.



"Kahit kelan napaka pikunin mo talaga." Natatawa niyang sabi.



"Asshole."





-



Nandito kami sa park ni Frio ngayon, around 3 o'clock in the afternoon na rin, mas minabuti naming tumambay muna dito dahil ang boring sa bahay, nakasandal ako sa braso niya habang siya naman naka akbay sa akin, normal lang para sa akin ang posisyon namin ngayon dahil hindi ko naman nilalagyan ng malisya. Maya maya ay narinig kong nagvibrate ang cellphone ko, umayos ako ng upo at sinagot ang tawag ni ate.




"Hello ate? Napatawag ka?"



[B-Bunso..]



Nakaramdam ako ng kaba dahil sa boses ni ate, halatang hindi magandang balita ang ibubungad niya sa akin.



"Ate what happen?" Kinakabahan kong tanong.


[Molley, si mommy, sinugod sa hospital.] Umiiyak na sabi ni ate.



HAVING A DEAL WITH MR. MANIAC (COMPLETED✔) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon