CHAPTER 1: Decision

501 39 7
                                    

A/N: Gusto ko lang pong sabihing hindi po ako ganoon kagaling mag english, so kung meron man pong wrong grammars sa story ko don't hesitate to correct me. Tao lang rin po ako hindi po ako perpekto.


PS: nasa process po ng editing ang story na'to :)))




CHAPTER 1



"Ano na namang problema mo ate? Can't you see? May ginagawa akong importante duh!" Bulyaw ko sa kanya.



"Mar! Dont talk to me like that! Baka nakakalimutan mong ate mo ko! Attitude tsss." Pagtataray niya sa akin.



"At baka nakakalimutan mo ring kapatid moko! Maka batok ka akala mo hindi masakit ah! Alam ng may ginagawa ako tapos iniistorbo mo ako!" singhal ko.



Lumapit siya sa akin, bahagyang tinitingnan kung ano ang ginagawa ko.



"Wala ka namang ginagawa ah? Nakatunganga ka nga lang diyan at nakatingin sa labas ng bintana."



"Ginagawa na rin yon! Kahit hindi ako kumikilos pinagmamasdan ko naman ang paligid tss." palusot ko.



"Pinagmamasdan nga ba? Or baka nag-iimagine ka na naman sa crush mong si Frio na girlbestie lang ang turing sayo ouch."


 Tumayo ako at hinarap siya.



"Look ate, ayokong makipag away sayo kaya sabihin mo na ang gusto mong sabihin."



"Hmmm okay. Where's Mowen?" walang kagana gana niyang sabi.



Napikit ko ang mata ko sa sobrang pagtitimpi.



"Ate hindi ako tanungan ng mga nawawalang bata why don't you ask manang Josie or manang Lena? you're wasting my time, magtatanong ka lang pala kung asan yung batang iyon." Bumalik ulit ako sa pagkakaupo at tumingin sa labas ng bintana.



Napabuntong hininga siya.



"Hindi yon ang dahilan kung bakit ako pumunta dito lil' sis." Seryoso niyang tanong.


HAVING A DEAL WITH MR. MANIAC (COMPLETED✔) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon